Chapter 2

72 2 1
                                    



June 2015

Aaron

Huwag kasi hanapin ang pag-ibig

Ipaubaya na sa tadhana o ipanalangin nalang

Kasi darating din yan

Sa tamang oras, sa kahit anong paraan

Manalig lang

Huwag nating hanapin ang pinakamaganda

O pinakagwapo para ikakaselos ng iba

Kundi antayin natin ang ihuhulog

Ng tadhana, sa tamang panahon

Malay mo, kilala mo na pala siya.

Tumambad sa harap ko ang isang dinosaur at ang mga salitang There is No Internet Connection.

Naubos na pala ang load ng SmartBro Wifi na personal ko na gamit sa kwarto. Gaya ng kahit anong bagay sa mundo, nauubos, nanghihina, namamatay at kailangan pang dagdagan para gumana ulit. Madalas, sa mga oras na talagang kailangan natin pa ito sumasablay. Parang pagmamahal lang, dapat may effort para wag lumamig; kadalasan kasi, nanlalamig sa oras kung saan mahal na mahal mo na siya. Eto ka namang parang si gago, pinakawalan mo.

Pinindot ko ang Space Bar at tumakbo na ang dinosaur, sa bawat cactus na dadaanan kinakailangang pindotin ulit ang keyboard upang malampasan ang lahat ng obstacles. Parang ang pinagdadaanan ko lang. Sa bawat tinik na dumarating, kailangang ilagan para makaiwas. Hindi naman pwede na sa lahat ng sakit eh haharapin na lang at tiisin na matusok. Masakit kaya ang cactus.

Click. Click. Click. Click.

Pero may katapusan din.

HI 00283 00283. Game Over.

Tatlong cactus sa disyerto ang natamaan ng dinosaur. Tapos na ang laro. At least, kung sinuswerte ba naman, High Score. Wala parin akong load. Saklap. Sabay pindot uli sa Space Bar.

Himala.

Blue.

Nagbukas ulit ang Facebook ko sa Friend Request page. Ayun, naaaninag ko na ang maliit na square kung saan may isang medyo pamilyar na mukha. Di ko lang alam kung saan o kelan ko nga ba siya nakilala. Tiningnan ko ang pangalan.

Brenda del Mundo.

Brenda...Brenda...sino nga ba si Brenda? Bakit pamilyar ang daloy ng kanyang pangalan sa dila ko, pamilyar din ang mukha sa maliit na square sa tabi ng mga katagang Brenda del Mundo wants to be your friend.

Confirm?

Yes.

You are now friends with Brenda del Mundo.

Sino ka nga ba? tanong ko parin sa sarili kong di pa rin nakakasiguro kung sino nga ba ito.

"Kuya, kakain na raw." Pasigaw na tawag ng nakababata kong kapatid na babae.

Balik tingin ako sa laptop na tulad ko ay nakapatong din sa kama ko. Balik sulyap sa profile wall ng pamilyar na si Brenda. 64 mutual friends. 576 followers.

Aba medyo popular ito. Sigurado akong mas marami akong followers, yun nga lang ibang tao na yung pinafollow nila. Wala pang sakit. Di pa namumulubi.

MOVE ON NA KASITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon