Kinabukasan
Brenda
Nakakainis minsan ang buhay
Feeling mo masaya ka
Gumigising nang nakangiti
Pero sa likod pala ng kasiyahan
Ay mayroong lungkot
Na bigla na lang susulpot
Ni wala man lang pasabi
Basta nalang darating
Pero, bahala na
Gagawin kong masaya ang araw!
"Brenda, late ka nanaman, gising na!"
Manipis, maingay at nakakarinding tinig ang tumusok sa lobo ng aking panaginip. Halos literal na narinig ko ang napakalakas na "Plok" nang sumabog ito at binuksan ko ang mga mata ko sa napaka liwanag na kwarto. Ang kwarto kong kulay green. Light jade green daw sabi nung pinsang kong inatasan magpinta pero parang lumot ang kinalabasan. Minsan inaakala kong isa akong sirena na palutang lutang sa ilalim ng balon. Oo, may sirena sa balon. Gaya nang sirenang ako na muntikan nang halikan ng kanyang prinsepe sa aking panaginip. Ayun di nanaman natuloy. "Kainis kay Manang," sarap sigurong magka happily ever after kahit sa panaginip.
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7 .....
Mahalimuyak ang amoy ng rosas. Nanunuot sa ilong. Masarap ang amoy, parang chocolate icecream na medyo tunaw na kaya hindi mahirap kainin. Pulang pula ang petals ng roses, parang HD Led TV ang pagkaklaro. Parang velvet sa mga daliri ko na pinaglalaruan ang mga ito. Parang ang lips nga lalaking blurred ang mukha na nag-aabot ng mga bulaklak na ito. Blurred?
"Brenda, gumising ka na nga dyan! Tanghali na!"
"Ay, leche, kainis," absent ako sa first period. Dali dali akong tumayo at kinuha ang tuwalyang nakasampay sa likod ng upuan sa gilid ng kama ko. Sa pagmamadali, di ko nakita ang tsinelas kong naipit sa isang paa ng upuan. Bigla ko nlng kaharap ang sahig sa pagmamadali.
"Leche," katabi ko na ang upuan sa sahig. Buti na lang nakaalis na ang nakababata kong kapatid na babaeng highschool sa malapit na pampublikang eskwelahan. Sigurado akong pagtatawanan nanaman ako, sa pagkahulog ko, naipit ang pajama ko at nakalabas na ang powerpuff girls na panty ko. "Haizt."
"Brenda! Anong nangyayari diyan?" pasigaw na tanong ni Mama.
"Wala po, natumba ang upuan."
"Kasama siya! Hahahahaha" narinig ko ang tinig ni May, ang kapatid kong akala kong nasa highschool na. Andito pa pala. Buti na lang wala na sa kwarto.
"Dalian mo diyan." Sabi ni Mama.
"Andyan na."
Hindi ko na inayos ang upuan, dali dali akong pumasok ng banyo na nakakabit sa kwarto naming ni May. Naglagay ng toothpaste sa sipilyo at tumingin sa salamin habang bumubula ang bunganga. Tumambad sa akin ang haggard kong mukha, ang mahabang buhok na kulay brown, gift ni Mama nung last month nang minsay nag-ayang mag mall at magpaparlor. Straight it pero di mo aakalaing diretso sa hitsura niya ngayon. Ok naman ang mukha ko. Pretty daw sabi nila. Yun nga lang NBSB. No Boyfriend Since Birth. Wala pang nagkamali. Siguro dahil sa kilay kong natural na nakataas ang isa. May pagkasuplada daw sabi nila. Kaya iilan lang din ang kaclose kong mga kaibigan sa school. Hindi naman na loner ako or naglalagi lang sa sulok, in fact, Miss Popularity ako. Yun nga lang, napagkakamalang snob kasi nga sa sinumpang kilay na to.
Anyways, naligo na ako at nagbihis ng corporate attire uniform na gamit gamit naming every Friday. Sobrang init na longsleeves, buti na lang hindi kuripot ang bagong school president and pinalagyan ang lahat ng classrooms at laboratory ng College of Hotel & Restaurant Management ng aircon kaya dun na rin nagtatambay ang mga studyante pa walang professors. Nagco- cologne nako at habang nagbabrush ng buhok ay namataan ko ang wallclock.
"6:45 AM"
"Mama!" napakalakas na tili ang lumabas sa bibig kong kulay pink sa lipgloss. "Ano bay an, kaloka!" Narinig ko ang malakas na tawa ni May. Kaya pala andito pa ang bruha eh ang aga aga pa. Di pa ako late. "Ano ba yan, nagkaleche-leche na ako sa pagmamadali."
"Yan kasi ate, di mo ginagamit ang alarm clock na padala ni Tita," pang-iinis nya pa.
"Humanda ka pagbaba ko dyan."
Narinig ko ang malakas na tunog ng pagsasara ng pinto. "Alis na ako Ma, babay Ate, hahahaha."
"Bumalik ka dito." pa biro ko nalang na sagot habang tinatanaw siya mula sa bintana na nasa harap ng kinauupuan ko sa kwarto. At least di na ako malelate.
Kinuha ko ang lahat ng mga gamit ko sa school at tinambak sa bag. Bukas pa pala ang facebook ko at may 3 notification.
Click
Dalawang likes at isang...
"OMG!" hindi ko ulit napigilan ang tumili.
"Anong problema dyan, Brenda?"
"Wala po Ma," pero rinig na rinig ko ang tugudug tugudug ng dibdib ko. Ang tila drum beaters convention na di ko man lang nalaman ay may nakaschedule pala ngayon sa dibdib ko.
Tugudug tugudug.
N0raA Altarejo accepted your friend request.
Click
At nakaharap na sa akin ang nakangiting mukha ng crush na crush kong si Kuya Aaron.
OMG.
Dreams do come true.
Gwapo, matangkad, smiling face. Ilang taon ko ring pinaghahanap ang ang facebook page nya at kahapon ko lang nalaman sa nakababata niyang pinsan ang spelling ng pangalan nya sa social media. Ilang taon ko rin siyang hindi na nakikita dahil nagmove na ang lola at tiya niya'ng tinutuluyan galing sa subdivision namin. Siguro mga pitong taon na rin. Ganoon pa rin ang smile niya. At ang nangingislap na stars na feeling ko ay naka tattoo sa mga mata niya.
Aaron Altarejo. Hmmmm pero bakit para atang tumataba si Kuya Aaron. Nevermind, ngayong friends na kami. Kukulitin ko siya. "Thank you Lord."
"Hoy Brenda, hindi ka ba papasok."
"Andyan na Ma," pakanta kong sagot sabay sarado sa laptop at pinasok na ito sa bag.
Biglang nagliwanag ang araw ko. Parang ang dami kong pwedeng gawin. Ang daming kombinasyon ng magagandang pwedeng mangyari at lahat ng centro nito ay ako.
Ako si Brenda del Mundo.
Hindi ako late, inaccept ako ni Kuya Aaron at masaya ang araw na eto. Claim it girl, at eto ang mundo ko!
Charot!
BINABASA MO ANG
MOVE ON NA KASI
Teen FictionPaano ka kaya makakamove on kung ang puso mo ay hawak na nang iba. Makakalimot kapa kaya kung siya ang nagbago ng pananaw mo sa mundo? Alamin sa kwento ni Aaron & Brenda, ang A & B na naging My,Mine at Ex. Paano ba magmove on? Paano ba magsimulang...