Brenda
May mga araw talagang
Kahit gaano kasama ang nangyayari
Para ka paring lumulutang
Kasi sa likod ng isipan mo
May bumabalik
Na aalang nagpapangiti sayo
Yung kahit na di pa naman sigurado
Ay parang na claim mo nang sayo
Go ka lang sa asa
Kasi baka baling araw...
Twenty minutes, 25, 30, 35, 45...
Sira na ang buhok kong pinagpagurang maging straight gamit gamit ang plantsang tig 199 na nilalako ng arabo. Basa na ang pawisan kong mukha at nakadirit na rin sa kilikili ko ang manipis na tela ng putting long sleeve uniform na suot suot ko. Sang pang ilang beses na, sinumpa ko nanaman ulit ang kung sinong estupidong nagdisenyo ng unipormeng long sleeves na halos walang bukas sa leeg. Di naman eto Korea or Amerika na malamig ang simoy ng hangin. Kahit siguro ang mga madre sa school ay mas mahangin pa ang kasuotan sa lagay nito.
Punong puno na ng alikabok ang mukha kong kahit konti ay may bahid parin naman ng ngiti sa kasiyahang nadiskubre ko na sa Facebook ang matagal ko na ring pinaghahanap. Hindi. Halos umabot na ng tenga ko ang ngiti. Yun lang ang nangingibabaw sa inis.
"Ke aga aga kong nagising at nag-ayos, eto, ma lelate pa rin. Kainis." Natawa ako pero naiinis na pa rin. Bwisit talaga etong mga bus na dumadaan dito pag umaga. Kung hindi punong puno na gasardinas na ang mga nakatayong pasahero, eh, papunta naman sa kabilang direksyon. Kung minamalas ka nga naman.
Erase erase erase.
Hindi ako malas ngayon. Swerte ako. At sabay nanumbalik nang buong buo ang ngiti sa labi kong kulay rosal katulad nung rosas na inooffer sakin ng lalaking blurred ang mukha sa aking panaginip.
___________ chapter not yet completed ____________
BINABASA MO ANG
MOVE ON NA KASI
Fiksi RemajaPaano ka kaya makakamove on kung ang puso mo ay hawak na nang iba. Makakalimot kapa kaya kung siya ang nagbago ng pananaw mo sa mundo? Alamin sa kwento ni Aaron & Brenda, ang A & B na naging My,Mine at Ex. Paano ba magmove on? Paano ba magsimulang...