Last part of the Final Chapter

13.1K 212 22
                                    



Aishna's POV



1 month ng nanliligaw si Sungit. Infairness, akala ko bibigay agad ako. Hahahaha! Syempre hindi porket gusto ko siya at gwapo siya eh bibigay na ako agad! Kahit na hirap na hirap na akong pigilin ang sarili ko na huwag siyang sagutin!



Sungit >:( calling..



"Hello?"

[I miss you..]



Bumuntong hininga ako at ngumiti. Kahit di nya nakikita. Ilang weeks na din kasi kami di nagkikita. Busy ako at busy din siya. Malapit na kasi graduation. At salamat!! Matatapos na din ako sa pagiging high school! Pero syempre nakakamiss. Nakakamiss ung mga kaibigan ko at pati school.



"Uhhh.. ako din." sagot ko sabay takip ng mukha ko gamit ang unan. Eep! Bakit di ko masabi sakanya?! Kainis. Ako pa tong kinikilig!!



[Naiinip na ako. Pati ang readers. Kelan mo ba ako sasagutin?]



Kahit kelan talaga. Eh sa hindi pa niya ako tinatanong!! Paano ko siya sasagutin?! Hibang talaga to!!



"Magtanong ka kasi..." sabi ko ng mahina. Di ko sure kung maririnig niya. Bahala siya!

[Aryt. I'm hanging up. Bye.]



WHAT?! GANUN GANUN NALANG UN?! WALANJO! KAJIRITS! KA-RITA AVILA!



Inis kong hinagis ang cellphone ko sa kama. Arrrghhh!!!!!!



--

Yael's POV



Hindi ko parin alam kung saan ako magcocollege. Syempre gusto ko pareho kami ng school ni Daldal. Babakuran ko siya. Tsk! Mahirap na, baka maraming umaligid sakanya!



Inaayos ko ang mga brochures na nakuha sa iba't ibang schools na inoffer ni Mr. Concepcion. Marami siyang alam na ibang schools na parang music school din pero may mga subjects na related sa kukunin na course. Gaya ng engineer ganun. Pero may halong music na ganun. Basta mahirap i-explain!



Napukaw ng atensyon ko ang last brochure. Mukha maganda dito sa school na to ah?



West Heights University.

Preschool, Gradeschool, High School and College! No tuition fee increase!

Scholarships:

Varsity

Band

Musician

Cheerleading

Enroll now! Call 09******* for inquiries!



Agad kong tinawagan ang nakalagay na number, at mabuti naman sumagot ito kaagad! Dito nalang ako magcocollege!! At dito ko na rin pipilitin magcollege si Daldal!



--

Ivan's POV



"Shhhh!!"

"Putangina! Ano ba!"

"Wag kayong maingay!"



Kainis tong mga hayup na kasama ko. Kasama ko lang naman ang mga hinayupak kong kaibigan sa dati kong school. Reunion ba kamo? Bwahahaha! Oo! At eto kami ngayon, sinisilip si Yael na may kausap na iba sa cellphone. Mukha hindi si Aishna to.



Kilala ng mga kaibigan ko na kasama ko ngayon si Yael. Well close naman nila si Yael. At nasabi ko na sakanila na may nililigawan si Yael, pero hindi nya ito mapasagot kaya ayan naexcite ang mga gago at may plano daw sila.



"Machicks ata tong si Yael ah?"

"Oo nga! Dinaig pa ako! Eh mas gwapo ako!"



Sabay sabay namin binatukan si Xander, ang pinaka mahangin sa grupo at feeling pogi. "Hoy! Ako pinakagwapo dito! Ano ba! Wag kayong mangarap mga gagu!" sabi ko at binatukan din nila ako. Hindi ako mahangin, sadyang hilig ko lang magsabi ng totoo!



"Teka teka, ano plano natin?"

"Ipagsama sila sa iisang kwarto?!"

"Ahhh! Hindi! Dapat ung parang proposal!! Ung may malaking banner at nakasulat 'Will you be my girlfriend?!"



Mga gago. Andami nilang alam! Sabagay! Marami na silang experience. Sobrang marami na silang naging girlfriend kaya alam nila kung paano pasagutin ang isang babae.



"Ah! May naisip na ako!" bulong na sigaw ni Lex. Ang pinakaromantic samin at pinakamatino. Kumabaga, seryoso at lahat ng bagay ay nagagawa nya ng tama. "Ano?!" sabay sabay namin tanong.



"Tangina! Pag narinig tayo ni Yael patay tayo!"

"Bat kasi dito pa tayo nakasilip! Sa pinaka malapit na puno pa!

"Uy!! Kinakagat na ako ng langgam!"

"Ano ba Jack! Wag kang magulo! hampasin kita diyan!"



Napaface palm nalang ako. Hindi na ako magtataka kung maririnig at makikita kami ni Yael, sa sobrang gulo ba naman nila at ingay! "Oy! Ano na plano mo lex?!" tanong ko. Tumigil silang lahat at nanahimik. Lahat kami nakabaling kay Lex. Na nakangiti na parang gagu.



"Tawagan mo muna ung nililigawan nya!" sabi ni Lex, agad agad kong nilabas ang cellphone ko. Nagririring naman ito. Sumagot na si Aishna. [Hello Ivan?]



"Anong sasabihin ko!!!" bulong ko kay Lex. Sumenyas siya na siya ang kakausap. Binigay ko ang cellphone ko sakanya. "Ano kasi.." tinignan nya ang pangalan sa screen ng phone ko para mabanggit nya ang pangalan. "Aishna.. Si Yael."



[Oh napano?! Namatay na ba?! Buti nga!] Inis na sigaw ni Aishna. Humagikgik naman ang mga kasama ko.



"Punta ka daw sa school nya. Punta ka. Life and death ito! Bye bye!" sabi niya sabay patay ng phone. "Bakit hindi man lang nya napansin na hindi tayo magkaboses?" tanong ni Lex habang umiiling na binalik ang cellphone ko.



Nagkatinginan kaming magkakaibigan at..



"HASHTAG MEDYO TANGA!" sabay sabay namin sabi at tumawa kami.

--

Yael's POV



"Ano ba!! Hindi ko isusuot yan!" Nandidiring sabi ko sa pinakitang damit ni Ivan.



Kung ano ano pinaplano ng mokong na to! Ngayon ko na daw dapat tanungin si Aishna kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend. May plano na daw kasi sila para sa akin. If I know baka naman palpak ang plano nila at mabusted pa ako kay daldal. -.-



At heto kami ngayon sa CR ng boys sa main building ng school. Weird. Dito ako sa school magpropropose? Ang cheap! Mga gago talaga! Pinapasuot nila sakin ang isang damit na parang damit ng waiter. Pang JS Prom daw to. Mga bobo! Mukha ba akong magJJS sa oras na to? Tatanungin ko lang naman siya!



"Hay." sabi nila. Lumabas kami ng boy's cr. Pagkalabas ko, tumambad sakin ang nagkakalat na balloons na color red, at may table for two. May pagkain doon. Ano ba to? Dinner with Aishna? Akala ko ba sorpresa?



"Ayos ba?"

"Sweet namin no!"



"Okay ganito.. yayain mo muna kumain si Aishna. Tapos pag sinenyasan na kita na lalabas na kami para sa banner na ginawa namin. Tanungin mo na siya nun ah! Sabay pakita sakanya ng ginawa namin banner!" Tumango nalang ako. Ano ba to! Ang corny! Pero hayaan ko na, sila naman may gusto neto. Yung sagot ni Daldal ang gusto ko at syempre si Daldal.



Lumabas muna ako sa main building para sunduin si Daldal. At hindi nga ako nagkamali. Nasa harap siya ng main building at nakaupo sa mga benches at mukhang inip na inip na. Linapitan ko siya. "Daldal." nakangiti kong sabi. Tumayo at umaambang sigawan na ako pero pinigilan ko siya.



"Shhh. Come with me." sabi ko sabay hawak sa kamay nya na malambot. Bumilis ang tibok ng puso ko. This is it!



Pumasok kami sa main building. Napanganga siya sa nakita nya. Umupo kami sa table for two. "Let's eat?" tanong ko. Tumango siya at kumain. Pero dahil madaldal siya, hindi niya mapigilan magsalita.



"Ano ba to sungit! Anong pasabog nanaman to?!" inis na tanong niya habang magkasalubong ang kilay nya. Ang cute talaga niya.



Hindi ko pinansin ang tanong nya. Ngumunguya pa siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "I want you to be with me, not only today but forever. Akala ko nung una, hindi talaga kita magugustuhan. Pero look! Mahal kita. At mamahalin pa kita."



Sumenyas na si Ivan. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap nya. "Aishna.. will you be my girlfriend?" Tanong sabay lumabas sina Ivan dala dala ang banner, nasa likod ko sila. Kaya nakikita ni Aishna at hindi ko nakikita.



Nakikita kong unti unting tumulo luha nya. Why? Bakit siya umiiyak?



Tumingin ako sa banner.



Napalaki ang mata ko.



Hindi lang siya basta banner isa siyang tarpaulin na malaki. Nandoon ang pictures with captions. Nagulat ako, paano nila napicturan yan?!!



The first pic is yung nakatingin ako kay Daldal, habang kumakain siya ng chippy at pareho kaming nakaupo sa sofa. I bet ito ung first meeting namin. At nakalagay na caption?



"Can this be love at first sight?"



Napaface palm ako, halatang ginawa nila to. -.-



Pangalawang pic. Ito ung panahong mineet namin ang Rakista ng UST. At nakalagay sa pic na nagiisip ako ng malalim at nakatingin sa cellphone ko! What! May katext lang ako diyan!



"Itetext ko ba siya o hindi?"



-___________- Nahihiya na ako dito!



The last pic. Yung panahong hulog na hulog talaga ako sakanya. Yung pic na to, magisa ako sa kwarto at nakangiting nakatingin sa picture ni aishna. Huli ako dito ah! Nakakahiya!! Paano nila nakuha yan!!



"Picture mo palang napapapasaya mo na ako. Paano pa kaya pagikaw kaharap ko?"



Unti unti kong nilingon si Aishna. Niyakap nya ako. "Yes is the answer, Sungit." Napalaki ang mata ko. Bumitaw ako sa pagkakayap sakanya at nagtatalon.



"Whoooo!! Yes daw!! Narinig nyo un!!" Nagpalakpakan at nagtawanan ang mga kabarkada ni Ivan. Niyakap ko si Daldal. At hinalikan siya sa noo. "I love you. I'll never forget this day."



Niyakap niya ako pabalik. "I love you too."



----

Aishna's POV



Kakatapos lang ng graduation namin. At heto 1 month na kami ni Sungit! Hindi ko parin alam saan ako magcocollege. Gusto ko magcollege dun sa school na papasukan ni Yael, pero mahal doon. Hindi ko afford. At hindi sila tumatanggap ng scholarship kung saano matataas ang grades. Puro non-acads. yung scholarship na tinatanggap nila.



"Anak!!! Aishna na!! Baba ka dito dali!!" sigaw ni mama. Agad agad akong bumaba. Mukha kasing excited si mama, kaya napabilis baba ko.



"Ano yun mama?"



"Naku anak tignan mo to!" Pinakita nya ang white envelope na nakatatak na parang badge ng isang malaking school. "Nagoffer ang dati mong school na dito ka magaral!! Kasi daw consistent na mataas ang grades mo, kahit na bumagsak ka nung minsan, pero ok lang daw. Kaya inoffer nila to sayo! Malaking chance to anak! Wag mo na tong palampasin! Madalang daw sila magoffer ng ganito!"



Tinignan ko ang envelope, binasa ko ito. At habang binabasa ko ito, unti unting napalaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala.



"HARVARD UNIVERSITY?! DUN AKO MAGCOCOLLEGE OH MY! WAAAAAAAH!!" Sigaw ko habang nagtatalon, pangarap ko makapasok dito. Shucks. Big time!



"Pero.. ma.. ibang bansa to eh." sabi ko ng malungkot. "Di ko kayang iwan kayo." Niyakap ako ni mama. "Ano ba anak! Ok lang yun! Sayang ung opportunity! Saka sa canada yan diba? Oh baka makita mo pa daddy mo! Maya't maya tatawag un." sabi ni mama.



Oo nga sayang, at pangarap ko din to tapos makikita ko pa si Papa. Sobrang laking oppurtunity to. Kaso.. si Sungit. Hindi ko siya kayang iwan.



Si Kyla nasa US, sinundan nya si Syrel kaya hindi malabong hindi kami magkita, pero si Sungit?



Napaupo ako. Hindi ko alam kung ano pipiliin ko. Napatalon ako ng marinig ko na nagriring ang cellphone ko.



Sungit >:( calling...



Nanginig ako. Paano nyan? Sasabihin ko ba?! Makakaya ko ba siyang iwan? Hay buhay bakit ganito!!



"Hello?"

Narinig ko na huminga siya ng malalim sa kabilang linya. [Accept the offer in Harvard. Sayang ung opportunity. I heard it from your mom.]



"Pero.. paano ka? Hindi kita kayang iwan dito!"



[Don't mind me. Just chase your dream.]



Umiling ako kahit hindi nya nakikita, unti unti ng namuo ang luha ko. "No! Pangarap din kita sungit!"



[But you have me now, grab the opportunity. Para sa future natin yan.]



Parang ngang ok lang sakanya na ganito. Sa tono palang nya parang ok lang na umalis ako at magaral sa ibang bansa.



"LDR tayo ganun?"



Huminga siya ng malalim. [Yes.]



Kung gusto nyang ganun sige. Tutal mukhang okay lang naman sakanya! Naiinis ako! Parang wala lang sakanya na aalis ako! Nakakainis.



"Okay! Fine! Sige doon na ako magaaral! Kahit gaano kahirap iwanan ka dito sa Pilipinas, habang ako nandoon sa ibang bansa. Sige pipiliin ko para sayo!" Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy. "Kahit na mamimiss ko ang masungit kong boyfriend. Sige, para sayo!! Kasi mahal kita!" sigaw ko at pumiyok.



[Mamimiss din kita. And I love you, always. Never forget that.] sabi nya at suminghot siya.



At dun natapos ang linya nya. Binaba na nya.



Akala ko wala siyang pakielam na aalis ako, na walang epekto sakanya. Na ok lang. But I guess I'm wrong. Umiiyak pala siya ng mahina dahil..



Hindi okay sakanya.

--

LAST CHAPTER END

One Roof with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon