Punishment 5

5.8K 61 2
                                    

ZANTI went to the kitchen to get the tray from which there were some breakfast and a cup of coffee for Alexa, he had already prepared it first thing in the morning. Lumamig na iyong nauna niyang tinimpla kaya nagtimpla siya ulit ng panibago. After all, asawa niya pa rin si Alexa. Hindi niya naman maaatim na mamatay ito dahil sa gutom. He had a better plan for her death.

Bumalik siya sa kwarto dala ang tray ng pagkain. Para namang natauhan siya nang makita ang mga galos sa palapulsuhan ni Alexa, senyales na nagpumilit itong makawala sa pagkakatali sa kama. Nakaramdam siya ng awa para dito pero agad niya iyong sinupil. Hindi niya ito dapat kaawaan. Hindi siya karapatdapat.

Ngumisi siya bago nagpatuloy sa pagpasok.

"Breakfast in bed, Wifey!" Pinatong niya sa table ang dala-dalang tray. "Ang sweet ko, di ba?"

"Yeah right, sobrang sweet mo po, Husbby," may halong sarkasmong pagsang-ayon nito. Hindi niya na lang ito pinatulan at baka magbago na naman ang mood niya.

"Kumain ka na." Akmang tatayo na si Zanti nang pigilan siya ng asawa.

"Paano ako kakain, e, nakatali ako?"

Tumagilid ang ulo ni Zanti at saglit na nag-isip. Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagbuntong hininga siya.

"I'll feed you, then." Kumilos na siya para subuan si Alexa pero iniiwas nito ang mukha. Muntik na tuloy matapon iyong pagkain. "Ayaw mo ba ng ulam? Magluluto ako ng panibago." Kumunot ang noo niya. Ano na naman kayang inaarte nitong asawa niya? Ang tigas talaga ng ulo nito. Nagsisimula na naman siyang mainis pero nagtimpi siya.

"No. Hindi sa ayaw ko ng niluto mo. It looks delicious. The thing is, kaya ko namang kumain mag-isa. Just untie me here." Yumuko ito. Hindi niya tuloy makita kung ano ang expression ng mukha nito.

"Oh well, then I guess?" Nagkibit-balikat siya. Sinunod niya na lang ang gusto nito.

Matapos niyang tanggalin ang pagkakagapos kay Alexa ay agad nitong sinuri ang mga kamay. May mga galos iyon, napapangiwi pa ito dahil sa hapdi ng mga sugat.

Nakaramdam siya ng kung ano sa loob niya. Gusto niya itong haplusin, gusto niyang gamutin ang mga sugat nito.

Iniiwas niya na lang ang kanyang paningin. Hindi dapat siya magpadala sa awang nararadaman niya para sa asawa. Inabot niya ang tray at inilapit dito.

"Here. I'll give you ten minutes to finish that."

Tumalima naman ito at nagsimulang kumain.

"I'll be going downstairs. May gagawin lang ako."

Natigilan si Alexa sa sinabi ni Zanti. Parang nabuhayan siya at the same time ay nakaramdam ng kaba. Another chance to scape, naisip niya. Sa pagkakataong ito, hindi niya na iyon sasayangin pa.

"And one more thing," sabi nito. "I have a rule to say. One great rule which is a must."

"What is it?" Puno na siya ng antisipasyon. Gusto niya nang makatakas dito.

"Be obedient," maikling sagot nito bago tinungo ang pinto. "And always remember that in every wrong move you made, there will be an equivalent punishment on it."

Dahil sa sinabi nito, dinagsa na naman siya ng kaba. Nanginig ang mga nanlalamig niyang kamay at nabitawan niya pa ang hawak na kutsara. Tumango na lang siya rito bilang sagot. Bumara yata sa lalamunan niya ang pagkaing kinakain niya.

"Good! Tapusin mo na iyan, will be back at exactly ten minutes." Nasilip niya pang tumingin ito sa suot na relos bago sinara ang pinto.

Agad na nilapag ni Alexa ang tray ng pagkain sa katabing mesa saka dali-daling kinalagan ang mga paang nakatali pa rin sa kama. Pagkatapos nu'n ay ni-lock niya ang pinto. Naghalungkat siya sa kwarto. Hinahanap niya iyong susi ng sasakyan, umaasang naro'n lang iyon.

My Psycho HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon