Punishment 8

5.4K 72 10
                                    

BUONG akala ni Alexa ay magiging maayos na sila ng kanyang asawa matapos ang maka-ilang ulit nilang pagtatalik nitong nakaraan. Pero mali siya, dahil heto, nagising na naman siyang nakagapos ang mga kamay sa kama. How could she forget that her husband was crazy? The hell! Hanggang kailan nito balak na parusahan siya?

Ayaw niya na! Sawa na siya sa mga pasakit nito, suko na siya!

Sinikap niyang umupo at sumandal sa headboard ng kama. She felt weak and sore down there. Parang namamanhind ang buo niyang katawan. Iyong mga kamay niyang marami nang gasgas ay hindi niya na rin maramdaman.

Nangangayayat na siya dahil hindi siya kumakain nang maayos. Sino bang gaganahang kumain kung nasa ganoong sitwasyon ka? Chained to bed and stuck in a cabin with a crazy husband? Wala!

Mag-iisang linggo nang paulit-ulit lang ang nangyayari sa kanila: susubukan niyang tumakas, mahuhuli siya nito. Magagalit ito saka siya sasaktan. Tapos magbabago ang mood nito at sa kama sila humahantong—na hindi niya naman ma-hindian.

Hibang! Nahihibang na nga siguro siya dahil sa tuwing hahaplosin siya nang banayad ng asawa ay nawawala ang takot niya rito at napapalitan iyon ng pagnanasa.

Ang dahilan kung bakit siya nagdurusa ay siya ring nagpapakalma sa kanya. Ironic, was it?

Pero hanggan kailan sila ganito? She's tired, both physically and emotionally. She was hopeless and helpless. Kung pwede lang sanang hilingin na patayin na lang siya nito, ginawa na niya. But no, she has to live. She has to fight. Marami pa siyang gustong mangyari sa buhay niya at hindi iyon mangyayari kung mananatili siya rito.

And for the nth time, she tried to free herself from the ropes. But then again, she failed.

"Trying to escape again, eh?" Halos mapaigtad siya sa gulat nang pumasok sa kwarto si Zanti. Wala na naman siyang mabanaag na emosyon sa mukha nito.

Umawang ang bibig niya pero walang salitang lumabas doon. Huminga na lang siya nang malalim at muling sumandal sa headboard ng kama. Hindi niya ito pinansin.

Umupo ito sa tabi niya saka nagsalita. "You know what? You're too beautiful." Sinalubong niya ang mga mata nitong punong-puno ng admirasyon. Parang may sumipa sa loob ng dibdib niya sa sinabi nito. Ano na naman kaya ang naiisip nito?

"S-salamat," iyon lang ang tanging nasabi niya bago nag-iwas ng tingin. "Anong kailangan mo?"

"Just checking on you, my beautiful wife." Hinaplos-haplos nito ang buhok niya. "Are you hungry? Come on, let's have breakfast together." Akma na itong tatayo ngunit pinigilan niya ito.

"Wait, sabay tayo?"

Mariin siyang tinitigan ni Zanti. Tumagilid ang ulo nito at nag-isip saglit.

"Yeah?"

"Uhm, p-paano 'to?" Ngumuso siya para ituro ang pagkakatali ng kamay niya.

"Bobo!" Narinig niya ang mahinang paninermon nito sa sarili, sinabutan pa nito nang bahagya ang buhok bago kumilos para kalagan siya.

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makalagan siya nito. Sinuri niya agad ang kanyang palapulsuhan, namumula ang mga iyon.

Napangiwi at napaungol na lang siya sa hapdi nu'n na hindi nakaligtas sa pandinig ng asawa niya.

Lumambong ang ekspres'yon ng mukha nito pagkatapos ay niyakap siya. Hindi siya agad nakahuma sa ginawa nito.

"I'm sorry, God, I'm so sorry!" Paulit-ulit na sambit ni Zanti habang nakasubsob ang mukha sa leeg niya.

Damang-dama niya ang higpit ng yakap nito, magkagayunman, nanatili lang siya sa pagkakaupo. Ni hindi siya nagsalita o gumalaw man lang para suklian ang yakap nito. Nakakalito na. Mababaliw na yata siya sa mga asta nitong pabago-bago.

"Talk to me, Lexa. I'm really sorry for doing this to you." Nagsusumamo ang boses nito. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at ikinulong sa mga palad ang mukha niya. "Look at me, wife."

Sinunod niya naman ang sinabi nito. Dapat siyang maging maingat, hangga't maaari, pinipilit niyang maging masunurin dito. Ayaw niya nang maulit ang pananakit nito sa kaniya, baka bumigay na ang katawan niya sa pamimisikal nito.

Dahan-dahan niyang inangat ang paningin sa asawa hanggang sa magtama ang mga paningin nila. Sumikdo ang puso niya sa lungkot na nababanaag niya sa mukha nito.

Kung babalikan ang lahat ng pangyayari, aminado naman siyang siya ang puno't dulo sa mga kaganapan ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nagagawa siya nitong saktan.

May kung anong bumara sa lalamunan niya at gumuhit ang kirot sa puso niya.

Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan silang dalawa.

"Hush, don't cry!" Malambing na pinunas nito ang luhang tumulo sa pisngi niya. Lalo tuloy siyang naiyak. Good God, how much she missed the old Zanti.

Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito saka doon humagulhol.

"Stop it, it's breaking me," mahinang sabi nito habang hinahagod ang likod niya para aluin.

"Z-Zanti, I'm sorry too. Please stop this," sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. "I'm tired of this, ayoko na. I wanna go home. Let's go home."

"Yes, baby, yes." Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulunan niya.

Tama ba ang narinig niya? Pumayag ito?

Sinilip niya ito na sakto namang nakatingin sa kaniya.

"D-did I hear it right?"

Ngumiti lang si Zanti at tumango.

Dahil doon, para siyang nagising bigla sa bangungot na ito mismo ang may gawa. Muling nabigyan ng liwanag ang dumidilim niya nang mundo dahil sa mga pasakit nito sa kaniya.

Yumakap siya leeg nito at hinayaang lumabas ang emosyong pilit niyang kinikimkim.

"I love you!" Hinalikan niya ito sa pisngi at hinigpitan ang pagkakayakap dito. Naramdaman niyan ang paninigas ng katawan nito. Hindi siguro nito inaasahan na sasabihin niya iyon. Sa isip ay napakibit-balikat na lang siya. "Thank you!" Sa wakas ay kumawala sa mga labi ni Alexa ang matamis na ngiti. Kailan nga ba siya huling ngumiti? Ah, hindi niya na maalala pa.

"I love you more!" Yumakap na rin ito sa kaniya. Mahigpit. Tila ba sinasabi nitong sa kaniya lang si Alexa at walang makakaagaw nito sa kaniya.

Kung mayroon man, matira na lang ang matibay.

Itutuloy. . .

My Psycho HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon