Luhaan at sugatan
Ang pusong inilalaan
Sa taong aalayan
Kaya kayang pagbigyan?
Kung sa bawat oras pwedeng kang masaktanKay sakit isipin
Ang puso ko'y kayang durugin
At kayang pagmukhain
Basura at gusgusin
Puso ko'y nagmamakaawa iba na lang ang hilinginGusto kong bigyan diin
Pagmamahal na ipinagkait sakin
Gawin mo na laha't ako'y iyong alilain
Wag lang hilingin na tuldukan ang atin
Lalabanan ko ang mundo kung ang kapalit ay kaligayahan natin