wala ka

21 2 0
                                    

Nung una ayos pa
Pero nang may sumunod pa iba na
Ako'y nagtataka
Ba't ba nambabalewala?
Porket sinagot ka
Nagkalimutan na?
Di mo ba naaalala?
Ako ang naging daan para magkatuluyan kayo ni Ana
Kahit masakit na
Tinuloy ko parin kasi dun ka sasaya
Tapos ito pa matatanggap ko ha!
Ang iyong pambabalewala
Hindi ka na nahiya!!!
Ako'y iyong kinahiya?
Para sakin ika'y kaibigang pabaya
Tinulungan kita nung ika'y may problema
Tas nung ako nagka problema bigla kang nawala
Naglaho ng parang bula
At di na nagpakita
Nalaman ko nalang na ikaw ay nangibang-bansa
Iniwan akong nag-iisa
At pinagmukhang tanga
Pero ayos parin pala
Kasi sa kabila nang yong mga ginawa
May nangyari paring maganda
Namulat ako sa katotohananan na......
Mas mabuti palang wala ka
Kasi ako'y mas maluwag na nakahihinga
Kasi di na ako nasasaktan pa
Kasi ang puso ko ay lumaya
Nung umalis ka na

Tula Ni MakataTangahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon