May siyam bagay akong gustong sabihin
Una kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba na ako'y umasa , pinangarap ang katulad mong paasa?
Kasalanan ko ba nung ako'y umasaKasi pangalawa sinabi mong "mahal kita"
Pangatlo wag mo nang dagdagan pa wag mo nang dagdagan pa ang sakit kasi
Pang-apat yung sakit na yun ay umuusbong at unti-unti nagiging galit , naghihimutok ako sa sobrang sakit at galit kaya
Pang-lima itigil mo na itigil mo na ang pagpapaalala na ako'y nagpakatanga sa kagaya mong binata wag na kong pansinin wag mo na kong kausapin nakikiusap ako wag mo ding sabihin ang mga katagang "nagpakatanga ka sakin" kasi
Pang-anim gusto ko nalang bumalik sa dati yung dati na nakakatulog ako sa gabi yung dati na wala pang iniisip kundi ang bukas kung papasa ba kinabukasan sa quiz sa , sa exam yung dati na makatutulog akong may ngiti sa labi yung dati na malaya akong pinapangarap ang mga bagay na nararapat sa kagaya kong bata yung dati na wala pa akong iniintindi kundi ang aking sarili
Pang-pito ako'y palayain mo na kasi gusto ko nang sumaya gusto ko na uling magsabi sa taong mamahalin ko na mahal kita , mahal na mahal kita at gusto ko na ring marinig ang sabihan ng mahal din kita pero sa kabila ng ginawa mo
Pangwalo gusto kong magpasalamat sayo kasi minsan sa buhay ko nagkaroon ako ng kapareho kasi minsan sa buhay ko may tumawag sakin ng mahal ko , baby ko
At sinabihan din ako ng mahal kita
Pero kahit hindi totoo
Ako'y taos pusong nagpapasalamat sayo kasi naging parte ka ng buhay ko kasi pinakisamahan mo ang katulad ko kahit di mo naman gusto kasi isa ka sa mga taong magpapatibay sa aking pagkataoKaya sa huling numero sa huling pagkakataon muli kong sasabihin sayo ang pang-siyam , pitong salita at dalawampu't apat na letra "Mahal Kita At Wala Pa Ring Iba"