Kay tagal kong nag-hintay kay tagal kong umasa
Kung wala pala sana sinabi mona
Kung basted din pala dapat dapat di mona pinatagal pa
Umasa ito eh, umasa ako
Pinangarap na balang araw magkasama parin tayo
Lahat ginawa ko
Pag-iipon? nakaya ko
Para mabigyan ka ng toblerone pati ferrero
Anong magagawa nila eh baliw ako eh
Baliw sayo pero.....
Napag-isip-isip ko
Ano nga ba talaga tayo?
Ano nga ba talaga ako sayo?
Sa puso mo ba meron akong pwesto?
Tapos eto pa
Nung isang araw nakita kita
Doon sa ihawan ni aling nena
May kasama ka tas lalake pa
Pero sa sobrang pagmamahal ko sayo diko binigyan ng malisya
Kahit nakita na ng dalawa kong mata kung paano ka sumaya nung kayo ang magkasama
"Pero di bale na sakin ang bagsak nya"
Yan yung iniisip ko habang iniintay matapos ang klase nya
Ayan na tapos na klase nya
Pero bago pako makalapit naunahan nako ng iba
"Nagkabalikan na pala sila"bulungan nila pagka-alis nung dalawa
Doon ko na napagtanto na
Kaya pala,kaya pala nung una
Umiiwas sya
kaya pala nung una sinabi niya may boyfriend na sya
Kasi totoo naman pala
Kaya ngayon alam ko na
Panakip-butas lang pala