Nung una hiniling mo na sana sagutin ka nya tas ayun nangyare na, naging kayo na
Tas hiniling mo naman na sana mahalin ka nya ng sobra kaya ayun minahal ka ng wala nang makahihigit pa
Pero gaya ng iba unti-unting nag-iba
Napapadalas ang pagdududa
Nilamon ng pagiging selosa
Hanggang sa isang araw na realize mo na pagod ka na
Gusto mo na lang sumigaw na suko naKaya humiling ka ulit na sana matapos na kaya nag-desisyon ka na umalis na para matapos na
Pinagana mo iyong isip imbis na puso
Lumipad ka papuntang Mejico,
At doon mo napagtanto
Na dapat hindi ka sumuko
Na dapat pala ipinaglaban mo hanggang kaya moHumiling ka nanaman na sana di pa huli ngunit sa pag-babalik mo di inaasahan ang balitang gigimbal sayong pagkatao ......
Nahuli ka na pala
Nasa kandungan na sya ng iba
Wala kana palang babalikan paNgayon sinabi mo huli nato
Hiniling mo na sana bumalik sa oras na merong kayo
Tapos pinangako mo na papahalagahan mo na yung bawat oras na magkasama kayo
Na mas mamahalin mo na sya sa pagkakataong itoNgunit sa mga oras na yun
Hindi na gumana ang hiling mo
Kasi ngayon di mo na maibabalik pa ang mga oras na sinayang mo
Hindi mo na mahahawakan ang kamay nya habang naglalakad kayo
Hindi mo na mahahagkan ang mga labing dati'y iniingatan moKasi gaya mo humiling din sya
na sana matagpuan nya na ang lalaking para talaga sakanya
Kasi sobrang sakit na
At di nya na matiis pa
Binuksan nya na
Pusong nangungulila at naabandonaNgayon eto payo ko
Humiling ka din na matagpuan na ang babaeng para sayo
At sa pagkakataong ito pahalagahan mo
Ang tinatawag mong kayo
Nang sa ganoon matamasama mo
Ang kaligayahang karapatdapat para sayo