Sa paglipas nang oras
Puso ko'y para paring hinahampas
Ilang taon na nga ba ang nakalipas
Nung sinabi mong ito na ang wakas
Lima? Apat? Tatlo?
Di ko na alam
Pero gusto ko sayong ipaalam hanggang ngayon andito parin ang bakas
At para sakin hindi pa ito ang wakas
Dahil hanggang ngayon pangalan mo parin ang aking binibigkas
Mga kamay na hanggang ngayon nakagapos
Aking tinig na napapaos
Mga matang pinapanatiling nakapiring
At paulit -ulit isinisigaw ang mga daing
Dinggin mo sana aking hiling
Na ikaw ay muling makapilingPero Minsan naiiba ang aking hiling
Yung mga tipong habambuhay na sana mahimbingIlang taon na nga ba ang nakalipas
Magmula nung paulit ulit paring binibigkas
Ang tulang ibinigay mo sa akin nung sinabi ko ito na ang wakas
Hindi ko alam kung paano mo ito pinaghandaan
Gayong maging ako hindi ko alam kung paano ito wakasan
Maniwala ka mahal ko
Hindi ko ito ginusto
Maniwala ka mahal ko
Ang saktan ka ay hindi ang intensyon ko
Maniwala ka mahal ko
Ginawa ko iyon para saiyo
Pilit ko man ibalik ang oras
Hindi ko naman alam kung paano ito malulutas
Hindi ko na alam kung ano ang kahihinatnan
Basta ang gusto ko lang sabihin mahal wag mo sana ako sukuan
Masyado nang magulo
Ako ay sobra nang lito
At alam ko kailan ma'y di na tayo mabubuo
Pero ang pagmamahal ko sayo
Ang magpapanatiling buhay sa mga ala-ala mo