29-Day Act

1.2K 5 0
                                    

Pakiramdam ko ang gaan-gaan ko. Pinagmasdan ko ang paligid. Tall green grass, pale blue skies and flowers between my toes.

Nagulat ako nang may humablot sa kamay ko at iniikot ako. I saw Philip grinning at me.

I smiled back at him at lalong bumababa ang mukha niya sa akin. Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang leeg at nakita kong naglapat ang mga labi namin.

Nakita. 

Hindi ko maramdaman. 

Alam kong tumutugon ako pero wala akong maramdaman na kahit ano. Unti-unti nakita kong naglalaho ang imahe ni Philip sa harap ko.

"P-Philip.." 

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa akin. Sinubukan ko siyang hatakin ngunit tumatagos lang ang kamay ko.

"Philip! Philip! Wag mo kong iwan!" 

Nakita kong unti unting nagiging itim ang langit at natutuyo ang mga halaman na inaapakan ko. Palayo nang palayo si Philip kaya't hinabol ko siya.

"Philip!" Tumatakbo ako habang pinapahid ang mga luhasa pisngi ko. "Philip, wag!"

Nadapa ako at naramdaman kong namilipit ang paa ko. Tinignan ko ang imahe ni Philip na mas nagiging malabo habang siya ay papalayo nang papalayo.

Patuloy ang aking paghikbi. Bakit? Bakit niya ko iniwan?

"PHILIP!!!"

NAGULAT AKO nang nahulog sa mukha ko ang kanina pang tumutunog na digital clock sa ulunan ng aking kama.

"Aray!" Tumayo ako sa kama habang hinihilot ang aking sentido. Hanggang ngayon ba?

"Peste naman oh." Hawak hawak ko pa din ang ulo ko nang napadako naman ako sa kalendaryo. 

JANUARY 30, 2013

Ito na ang ika-limang beses na binabangungot ako tuwing ika-30 ng buwan. 

Noong naghiwalay kami ni Philip nung July, lagi lagi kong napapanaginipan ang parehong panaginip. 

I curled back to my bed and hugged my pillow. Kinagat ko ang labi ko habang pinipigilang lumabas ang mga hikbi at pag-iyak sa aking bibig.

Tutal, wala namang makakakita sa akin. Ano ba naman ang isang araw sa isang buwan na maging mahina ako?

Kilala ako ng lahat bilang matapang at palaban. Akala din ng lahat na hindi ako naapektuhan sa paghihiwalay namin ni Philip noon. Pero ito, daig ko pa ang emo. Saan ko ba nilagay ang blade?

Pssh, forget it. I was lost in the sea of thoughts when were still together. 1 year and six months ding naging kami. What could have gone wrong?

Hindi na ko makahinga sa kakaiyak. Buti na lang at nag-ring at telepono ko kaya kinuha ko ito sa ilalim ng kama.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya. 

I tried to sound as normal as I can para hindi halatang kakagaling ko sa hagulgol.

"Cous!" I groaned as I hear my cousin speak.

"What do you want?" Singhal ko sa kanya. Ayan na naman siya. Nako po.

I always smell trouble whenever she calls. Please. Not this time.

"Hey, ang aga ang sungit-sungit mo na. Do me a favor cous! And win-win lang ito. Balita ko naka-leave ka sa trabaho?" 

I rolled my eyes. Naaalala ko nanaman ang trabaho ko sa office. Pinagbakasyon muna ako ni boss dahil daw ilang buwan na akong palpak sa trabaho. 

Kaliwa't kanan ang reklamong natatanggap ko. Baka daw kailangan kong magpahangin. Hiniritan ko ng paid leave kaso ayaw talaga. Kaya ito, tengga. It's either he'll fire me forever or I'll take this one month leave.

"So kung wala akong trabaho?" 

Pagsusungit ko kay Thea sa kabilang linya.

"Pa- take over naman ng position ko sa Star Tickets! Dance choreographer at Stage Director. Passion mo naman ang sumayaw diba? One month na lang naman bago ang showing. And money down agad sabi ni Boss Gino. Php 20,000 din yun."

Napatayo agad ako nung narinig ko yung Php 20,000. Wala akong income kaya sino ba naman ako para tumanggi. Grasya na magiging bato pa! 

"Deal!"

Pagkatapos i-send ni Thea ng script ay pinag-aralan ko na ang mga sayaw para sa mga scenes. Meron daw ako ngayong gabi at bukas para mabuo lahat dahil ginagahol sa oras ang team.

Natapos ko ang choreo nung gabi ding iyon tapos ipo-polish ko na lang kinabukasan. 

Dumaan ako sa opisina nung manager/producer nung sumunod na araw. 

"Ikaw ba si Arissa Topacio?" tanong sa akin. "Maupo ka."

"Good afternoon Sir."

"Welcome to the Star Ticket family! My name is Gino Lacsa." nakangiti niyang bati sa akin.

"Thank you Sir Gino. Ree na lang po ang itawag niyo sakin."

"Bukas ka na pala magsimula. I-to-tour muna kita sa building para masanay ka na din dito."

"Okay po."

Agad naman kaming nagtungo sa mga kwarto - dressing room, audio room, props room at iba pa.

Halata sa interiors ng lugar na napag-iiwanan na nga ito. Siguro ganoon na lang ka-desidido itong si Sir Gino na manumbalik ang sigla ng lugar na 'to.

"Hay." Bumuntung-hininga siya. "Noong kapanahunan ni Dad, aliw na aliw ang mga tao sa teatro. Ngayon, wala na. Tapos kung itatabi mo ang Star Tickets sa ibang kumpanya, pinaka-wala talaga.

"Kaya naman Ree, sana ikaw na ang magsasalba sa sayaw ng grupo."

Bakas talaga sa mukha ni Sir Gino ang lungkot. "S-susubukan ko po."

Dumako na kami sa auditorium, ang pinakamalaking kwarto sa lugar. Bumaba kami ni Sir Gino sa auditorium at nakasalubong ko ang iba't ibang stage artists.

"Itong huling production na lang talaga ang tiyansa ko para makabangon. Minana ko pa kasi ang theatre company na ito sa tatay ko. Kahit hindi na magtuloy-tuloy, basta itong last ay maging successful at hindi na rin malalagay ang efforts ng Papa in vain." Kwento niya sa akin.

Naantig naman ako sa kwento niya. So may fulfillment din pala akong mararamdaman kung magiging maganda ang choreography ng play.

Agaw pansin ang mga nag-eensayong theatre artists. Yung iba nag-se-stretching, may mga nagvovocalize, nagsasayaw, umaarte.

Halos hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang mapunta ang tingin ko sa stage.

Si Madoka. May hawak siyang script at pina-practice ang kanyang mga linya.

"Ayan pala si Madoka," singit niya habang pinagmamasdan ko siya, "Siya ang female lead sa play."

Of course I know her, siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Philip!

Pakiramdam ko naman ay nanghina ang tuhod ko nang makita ko ang lalaking katabi niya. Nakumpirma ko naman na siya iyon nang magsalita ulit si Sir Gino.

"Iyan naman si Philip, ang male lead natin."

29-Day ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon