Act 2

335 6 1
                                    

February 2, 2013

I woke up feeling groggy. Truth be told, hindi ko pa nagagawa yung choreo para sa sayaw mamaya nila Philip at Madoka.

Just the thought of teaching them horrifies me. Seriously, in my situation, sinong maatim na makatrabaho sila?

But then I promised Sir Gino na ipagpapatuloy ko 'to. We're wasting good money here kung aalis ako.

Pagkarating ko sa teatro ng 7am ay wala pang tao. Pinatugtog ko na lang yung music na kailangan at nag-isip ako ng steps na babagay.

2-minute dance lang naman ito kaya natapos ko sa loob ng isang oras ang choreo. 

Pero teka teka teka. 7:30 am ang usapan sa session ni Madoka diba? Aba! Alas otso na!

I waited for another 30 minutes pero wala pa din siya! Bruha talaga! Ang ayaw ko talaga yung nasasayang ang oras. Nakita ko naman na pumasok ang isang cast dala-dala ang bag niya. Si China.

"Uy, Morning." Bati ko. Ngumiti naman siya at tinabihan ako sa stage.

"Good morning Ma'am."

I made a face. "Ma'am?! Jusko! Ree na lang at baka magka-edad lang tayo!"

Natawa naman siya. "Ilang taon ka na ba?"

"22."

"Ah, ako din."

"See, I told you." 

I noticed China kahit nasa bandang likuran siya nakapwesto. Magaling siya magsayaw.

"Um, China. Okay lang ikaw muna ang mag-lead ng practice mamaya? Ikaw ang pinakanakakuha ng steps eh. Baka kasi di ko kayo mapagtuunan mamaya."

Sa lagay kasi ngayon, mukhang sisirain ng Madokang yun ang schedule ko. Imbes na matutukan ko ang iba magpapa-importante pa.

"Wow flattered naman ako. Sige, sure! Pero bakit? May gagawin ka ba?"

"Wala sana. Pero dapat ngayon ay nagpapractice na kami ni Madoka sa solo part niya. Mukhang mauusog kasi late na sila ni Philip ng isang oras." Paliwanag ko sa kanya.

"Hay nako yung mag-boyfriend na yun! Lagi silang ganyan. Lalo na yang si Madoka. May boyfriend na kumekerengkeng pa din kay Sir Gino Tapos palagi ding late!"

Ginamit ko ang tiyansang ito upang makapag-usisa pa sa dalawa.

"Pano ba sila natanggap? I mean paano nabuo ang cast?" tanong ko kay China.

Kasi, napaka-unlikely naman na pumasok sila sa theatre. May trabaho na sila sa ABS. Though alam kong Philip has the knack for Performing Arts. Ilang plays at contest na din ang nasalihan niya nung college.

"Hmm.. Connections lang. Ako, may kakilala lang ni Sir Gino ang nag-refer sa akin. Yung dalawa, dati atang taga-ABS tsaka CommArts pa kaya madaling nakapasok. Mas mahal kasi bayad pag Theatre Arts graduate ang kinuha ni Sir."

Tumango-tango naman ako sa nalaman ko. 

"Eh may kakilalang talent scouts itong si Sir Ricky na kilala nung dalawa. Kaya ayun."

"I see." Tipid kong sagot.

"Ikaw, pano ka napadpad dito?" tanong niya sa akin.

"I took over Thea. Pinsan ko siya." 

"Weh? Isang araw nga lang siya dito eh."

Nabigla ako sa narinig ko. "What?!"

Nagkibit-balikat lang si China. "After niyang malaman na part ng cast si Philip, tumigil siya at umalis. May past ba sila?"

29-Day ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon