February 5, 2013
"Aakyat na ako diyan, ang tagal mo," sabi ni Gino sa kabilang linya ng telepono.
"What?! No!" pero bago pa ko makapaghanda ay may kumakatok na sa pinto.
"Ree, ako 'to," sigaw niya sa pinto.
"Wait!"
Nakahubad lang ako dahil ugali ko na iyon tuwing matapos maligo. Gusto ko kasi tuyong tuyo ang katawan ko kaya ito, wala akong saplot.
Tatakbo na sana ako papunta sa closet nang madulas ako sa isang tela. Kung di niyo na itatanong, napaka-messy ng kwarto ko.
"Aray!" na-sprain ata ang paa ko!
At nag-domino effect lahat dahil tumama din ang kamay ko sa table, rason upang bumagsak ito at ang mga gamit.
"Sheet!" daing ko dahil sa sakit ng paa kong natalisod.
"Ree! Anong nangyayari? Bat may mga nahulog? Ayos ka lang?"
"F-ck f-ck f-ck!"
"Ree papasok na talaga ako!"
At ayun, niluwa ng pinto ang isang gulat na gulat na Gino na mukhang nawindang sa nakita niya.
Saan ka nakita ng hubot hubad na babae na namimilipit sa sakit ng paa - na halos matabunan na ng kung anu-anong bagay sa kwarto?
"Ugh," I reached for a blanket at pinantakip sa sarili ko.
Natauhan bigla si Gino at tinulungan ako. Ilang beses pa siyang muntik madulas at makaapak ng mga gamit sa gulo ng kwarto ko. Naiilang siyang tumingin sa akin bago ako buhatin sa kama.
"Ayos ka lang?"
"Hindi, ang sakit kaya ng paa ko. At kung okay lang, pakuha naman ng bra, panty, shirt at skirt diyan sa dresser,"
"What?!" namumula siyang sumigaw.
"So aalis tayo ng nakahubad ako?"
At kumuha na nga siya ng mga iyon sa dresser. Ibinigay niya sa akin iyon, at tumalikod siya habang nagbibihis ako ng nakaupo.
"Okay na,"
Humarap siya sa akin at nakitang nakabihis na ko.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Sabi nga niya kahapon, maghanda ako ng mga gamit na sapat para sa isang linggo.
"Sasanayin natin yang acting skills mo," simpleng sagot ni Gino habang nakapamulsa. "Asan na ang gamit mo? Bitbitin ko na sa kotse."
"Teka-teka! Saan ba kasi tayo pupunta? Para alam ko kung magkano ang dadalhin ko," sabi ko. Baka kasi sa isang sosyal na lugar kami pumunta, wala man lang akong datong.
"Ano ka ba? It's on me. Kaya mo bang tumayo?"
Sinubukan kong tumayo pero ilang beses akong bumagsak sa kama. Inalalayan niya ko habang inabot ko ang isang pares ng slip-on sandals. Nasa baba na kami sa hagdanan ng unit ko nang bitawan niya ko.
Hindi maipinta ang mukha ko nang muntik akong matisod ulit. Buti na lang nakakapit ako sa pader.
"Aray!" hinaing ko. Ang sakit sakit talaga ng paa ko. At itong, si Gino, ano namang problema nito.
"Ree, you are not good at hiding your feelings. Malayong malayo sa character mo na si Jian. Try mong huwag na ipakita na nasasaktan and try to walk normally."
"What?! Ano 'to acting workshop? Namimilipit na nga ang paa ko sa sakit, may ganyan pa?!" pero sinunod ko ang sinabi niya. Sinubukan kong maglakad ng walang tulong.
Gusto kong sumigaw, magwala sa sakit ng paa ko, pero pinipigilan ko. "Ugh Gino, this is insane."
"Sige ka, ma-le-late ang flight natin sa Singapore," sabi niya habang inalok ang kamay niya para lalayan ako.
"WHAT?! PUPUNTA TAYONG SINGAPORE?!"
"Uh-huh?"
"Wh- tek- paano?!"
"So, okay na ba ang paa mo?" nang-aasar niyang tanong. "And by the way, sa loob ng isang linggo, in a foreign place, sasanayin natin ang acting skills mo."
Kahit hindi ay tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya.
"Good, ngayon palang ay i-internalize mo na ang character ni Jian. May mga task akong ipapagawa sa Singapore, okay?" and with that we drove off to the airport.
Pero of all places... why Singapore?!
Naalala ko nung 10th monthsary namin ni Philip, icecelebrate sana namin ito sa Singapore. Na-clear ko na ang leave ko, nagpaubaya na ko sa ilang co-workers, only to find out na hindi makakasama si Philip.
Sabi niya hindi daw niya maiwan ang trabaho niya, at kahit sobrang nasaktan ako, di nami tinuloy. Pina-cancel ko na lang ang reservation at booking sa Singapore, at ni-refund lahat ng ginastos namin.
Isang buwan kong pinagplanuhan iyon, ilang beses akong nag-research at gumawa ng itinerary na babagay sa mga gusto ni Philip. Pero napakadali para sa kanya na i-cancel lahat iyon.
Doon kami nagsimulang maging malabo, at ilang months nga kalaunan ay nag-cool off kami. Akala ko work conflict lang ang problema namin, only to find out na may iba na siyang babae.
Ngayon. naisip ko, rason din kaya si Madoka kaya ayaw niyang pumunta kami ng Singapore? Pero nakaraan na, ayoko nang isipin.
At ito nga, nasa airport na kami, boarding to a familiar place. I almost knew Singapore by heart. Araw-araw pa naman akong nag-babasa noon tungkol sa Singapore and planning everything to make our monthsary perfect.
Pero ito ako ngayon, kasama ang ibang tao, without a plan, just planning to get lost.
I wonder how will everything turn out after a week.
BINABASA MO ANG
29-Day Act
Narrativa generaleSi Ree ay isang palaban at matapang na babae. Paano mo masasabi? Tinanggap niya ang hamon na maging choreographer ng isang naluluging kumpanya... na pinagbibidahan ng kanyang ex-boyfriend at bago nitong babae. How will she put up with the 30 remaini...