February 6. 2013
Saktong 1:00 am nang makarating kami sa Singapore. Grabe pala itong si Gino, napaka-punctual.
Halos 5 pm kami nakarating sa NAIA 3 only to find out na 10:45pm pa pala ang boarding time namin. Sabi niya sa akin, mabuti na daw na maaga kaysa late. Hmm, okay. May tao pa palang mas obsessed sa oras kaysa sa akin.
Pagkatapos mag-check-in ng bagahe sa Pilipinas, dinala niya muna ako sa isang kainan sa loob ng airport and nursed my aching foot.
"Kaya mo bang maglakad?" seryosong tanong niya habang pinapahiran ng ointment ang paa ko.
"Do I have a choice?"
Nakita ko pa ngang may mga kinikilig na babae sa paligid at mga nagbubulung-bulungan.
"Hala ang cute nila!
"Girl, ang sweet ah!"
Nakaupo kasi siya sa sahig habang inaaluhan iyon. Alangan namang itaas ko ang binti ko? Gross.
Kaya ito ngayon, medyo ayos na ang paa ko kahit papano. Hindi ko na rin siya masyadong nakausap sa eroplano dahil sa puyat at pati na rin sa natitirang kirot ng paa ko.
"We are now at the Singapore Changi Airport. Please not that there is no time difference between Philippines and Singapore. We hope that you will have a wonderful stay!" announce ng cabin crew bago kami lumabas ng eroplano.
Hinintay namin ang mga bagahe at kumuha si Gino ng cart para ilagay ang mga bagahe doon.
"Gino, saan tayo mag-se-stay? Actually, the best budget hotels daw ang Fragrance Hotel or Hotel 81, and magandang mag-stay sa Bugis Area or sa Clarke Quay," untag ko sa kanya.
Tinulak na niya ang cart at sinundan ko lang siya palabas.
"Gino, hindi ba tayo mag e-MRT?"
Nakita ko kasi na may sasakyan na sumundo sa amin. Nilipat niya ang mga bagahe sa likod at pinasakay niya ako sa loob ng sasakyan.
"Nope, I rented this car," sabi niya nang umandar na ang sasakyan.
"WHAT? Diba mahal yun?" Knowing Singapore, renting a car may cost us a fortune! Ang taxi nga, halos isang sakay minimum P300 ang magagastos mo, sasakyan pa kaya!
"Haha, ayos lang. Plus, sa Marina Bay Sands pala tayo tutuloy."
"...ANO?!"
MARINA BAY SANDS?! Naloka ang bawat hibla ng muscle sa katawan ko! Sobrang yaman na mga tao lang ang nakakapunta at nakakapag-check in doon! Hindi pa ko nakaka-move on sa hilo gawa ng ilang turbulence sa eroplano, sumasakit nanaman ang ulo ko kay Gino. Una, renting a car in Singapore is very expensive.Para kang nag-down sa brand new.
Pangalawa, Marina Bay Sands. Marina freaking Bay Sands. Ang isang standard room ay halos 35,000 pesos! Mas mahal pa sa sweldo ko ng isang buwan. One night lang yun ah! The executive suite costs around 17,000 Singaporean Dollars.. don't even make me compute,
"Gino, mukhang wala na akong magagawa sa Marina Bay Sands," I sighed in defeat. Gusto ko rin namang makapag-dive sa infinity pool doon. "..pero please return this car. Mas gusto kong mag-commute habang nandito tayo," untag ko sa kanya sa loob ng sasakyan.
"Why?! Sinasabi mo bang di kaya ng pera ko na isustain ito for a week?!" nakataas ang kilay at puno ng depensa niyang sabi.
Patay. Na-offend ko ata si Gino. Mali ba yung sinabi ko? Concerned lang naman ako dahil baka lumobo ang gastos namin dito. Pero di ko pinahalata ang takot at pagkapahiya ko sa pagtataas ng boses. Tinigasan ko na lang ang dating ko.
"I said mag-cocommute tayo sa mga susunod na araw. Sayang ang inaaral ko tungkol sa Singapore Rail Systems kung ma-iistuck lang ako dito sa loob ng sasakyang ito,"
He sighed a sigh of surrender, "Fine fine, pero not until magaling iyang paa mo."
"Sure! Plus, I think we can explore the city better that way."
"You know Gino, best actor ka talaga," gustung-gusto ko na siyang sapakin. Now I know why he's in the theaters. Naisahan ako. Kulang na lang tadyakan ko siya dahil kanina ay inulan na siya ng palo. Pasalamat siya at masakit pa ang paa ko.
Nandito kami sa tapat ng V Lavander hotel, isang budget to mid-range hotel sa Bugis, Singapore.
Tawa lang siya ng tawa na parang Hyena kasama itong "driver" kuno ng sasakyang ni-renta niya.
"Ungas ka Gino! Isang business man pinagpanggap mong driver!" giit sa kanya nung lalakeng driver.
"Pre, sorry na.. Hahaha! Kailangan talaga eh," hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa.
"Hoy Gino, umayos ka na diyan at naiinis na tong magandang babaeng kasama mo," turo sa akin ng lalaki. "Hi, ako nga pala si Jake," inalok niya ang kamay niya ma tinanggap ko.
"Arissa, you can call me Ree."
"Ayt, Ree. See you around Singapore."
Umalis na siya habang kumakaway sa amin at pinaharurot na ang sasakyan niya.
"If you would notice Ree, I'm really just acting," sabi niya habang nasa elevator kami.
"How would I know? Hindi pa naman tayo ganoon magkakilala," sagot ko.
"Inconsistencies. Within a week na nakilala mo ko, wala ka bang nakitang inconsistencies?" tanong niya.
Napaisip ako.
Inconsistencies? Hmm, patuloy akong nag-isip hanggang sa mag-settle kami ni Gino sa iisang kwarto.
Inconsistencies.
Diba kuripot siya? Naaalala ko ngang lumuhod pa siya sa cast para lang wag waldasin ang pera niya kaka-hire ng bagong choreographer. At imbes na mag-fine dining, dinala niya ko sa peryahan nila at kumain sa refreshment stalls doon.
Now I get it! Kung una pa lang kuripot na siya, there is no way para mag-splurge siya diba? Well, that's from the point of view of someone who knows him for a short period of time.
"Ano, gets mo na?" Napalingon ako sa kanya.
Nagpapalit siya ng t-shirt ngayon, kaya naman agad akong na-concious siya sa topless niyang katawan. Shucks! Bakit ba naiilang ako?
"A-ah! Oo.."
Imbes na tumuloy ako sa pag-ayos ng gamit, napatili ako.
"We are staying in one room?!"
He just eyed me without emotions. "Ngayon ka lang nag-react?"
"G-gino..."
"Fine, I'll stay on the floor. Actually, I have MANY travel hotel coupons but they're good for one room only. I'm just making the most out of it, unless may pera kang pang-book ng separate room?"
Matagal akong nag-isip. So daig ng kuripot ang conservative. "I see, I get it."
"And," dugtong niya, "two days lang tayo dito. Yun lang ang covered ng voucher eh. Yung next hotel is Fragrance Hotel where we'll get 50% off."
May kasama pang taas taas ng kilay. Binato ko siya ng bag ko.
"Kuripot ka talaga kahit kailan!"
BINABASA MO ANG
29-Day Act
General FictionSi Ree ay isang palaban at matapang na babae. Paano mo masasabi? Tinanggap niya ang hamon na maging choreographer ng isang naluluging kumpanya... na pinagbibidahan ng kanyang ex-boyfriend at bago nitong babae. How will she put up with the 30 remaini...