Act 4

251 6 0
                                    

February 4, 2013

Sumunod na araw, nakita ko na may nakasabit na tarpaulin sa labas ng theatre.

"Destiny Midnight" 

Original Story by: Chang You-Jeong

Direction and Adaptation: Gino Lacsa 

STARRING 

Arissa Merced Topacio as .... 

Gino Lacsa as ...

WHAT IS THE MEANING OF THIS?!

Agad akong tumakbo sa opisina ni Gino upang humingi ng explanasyon ng nasa tarp na iyon. Doon, naabutan ko si Philip at Madoka na nakikipagtalo kay Gino.

"What?! You can't terminate us! May contract kaming pinirmahan!" sigaw ni Gino.

"Pero nakalagay din sa kontratang iyon na pwede ko kayong paalisin if may violations kayong ginawa." sabi naman ni Gino.

"Anong nangyayari?" Pagsingit ko. "Gino?"

Sandali lang sila bumaling sa akin at nagsalita ulit si Philip. 

"At anong violations naman yan, ha?!"

May lumabas sa screen ng tv sa opisina ni Gino.

"For you Madoka, acts of violence within the theatre." 

Nag-play naman ang CCTV footage ng pagsasabunutan namin ni Madoka kahapon. Kitang kita sa video na siya ang unang lumapit.

"At para sa iyo Philip, acts of lasciviousness."

Namilog ang bibig ko at napatakip ang kamay ko dito. It's us having sx! Ngunit naka sensor ang maseselang bahagi namin. I looked at their faces. Gino's face was blank. Philip was shocked. And Madoka..

*slap*

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. 

"How dare you! Ang landi mo talagang babae ka!" sigaw niya sa akin.

Hinawi ni Gino ang kamay niya at nagsalita. "Really Madoka? Now let's look at this."

Ni-rewind ang video simula doon sa pagkaladkad sa akin ni Philip sa kwarto at ang paghalik niya sa akin. Ngayon, hindi maitatangging siya ang nauna.

"Now Madoka," humarap ako sa kanya ng taas noo, "ang lakas ng loob mong sabihan akong malandi. Umm, if I am not mistaken, ikaw ata ang unang gumawa nito 5 months ago? Now, how does it feel that your boyfriend is having sex with someone else, huh? Ngayon alam mo na, karma's a bitch."

Sunod niyang sinampal si Philip at mabilis naman siyang nag-walk out. Tapos si jerk, malamang ay hinabol siya.

May kung anong saya akong naramdaman na they are finally out and I can finally have peace of mind. Pero hindi pa kami tapos ni Gino.

"Uh Gino.." pagsisimula ko.

"Shhh!" He hushed. "I did it for you and for the team. They don't deserve to be here and their actions justified it."

"I appreciate it... but what now? I would be the most grateful girl now pero, gawin daw ba akong female lead?"

I was hoping na that was just a stint para ma-convince ang mga hitad na fired na sila. Pero seryoso si Gino at mukhang di ko maririnig ang punchline na inaasahan ko.

"We only have 26 days. Tiwala, we can make it."

"So you really are serious about this?!"

Ngumiti lang siya at namulsa. Naglakad siya papunta sa pinto at mabilis na nagtungo sa stage kung saan nandun ang buong cast.

"Ladies ang gentlemen, our female lead, Arissa Merced Topacio."

-

The day ended smoothly for everyone. At parang isang milagro na nabuo namin lahat ang sayaw. Natuklasan ko din na marunong sumayaw si Gino kaya di ako masyadong nahirapan na turuan siya.

"Bye!" wika ng lahat sa isa't isa. Tapos na ang practice at nagsisi-uwian na ang iba nang tapikin ni China ang balikat ko.

"Great job! Sa totoo lang mas marami tayong natapos sa loob ng isang araw kumpara sa ilang linggo kasama nila Madoka," wika niya.

Flattered ako, pero isang nahihiyang ngiti lang ang sagot ko. 

Inayos ko na rin ang gamit ko at akmang bababa ng stage nang pigilan ako ni Gino.

"Ops, san ka pupunta? Magpa-practice pa tayo ng lines."

"Ay oo nga pala," pagkamot ko ng ulo.

Maayos ang mga sayaw dahil dancer ako, pero magha-hating gabi nandito pa rin kami ni Gino.

"Ugh!" I exclaimed out of frustration. "Kita mo Gino, maayos kanina dahil nagsasayaw ako, pero hindi ako umaarte!"

Walang problema kay Gino dahil umaarte din siya, pero eto ako, parang tuod na walang emosyon. Alam ko din na pinipigilan niyang mainis at mag-demand bilang siya ang naglagay sa akin sa sitwasyong ito.

Hindi siya nagsalita, waring nag-iisip. 

"We'll take a one week off. Kaya na ng cast ang mga sarili nila since na-polish na ang steps. We'll go somewhere so prepare a weeks-worth of clothes tomorrow morning," he said as he blinked one eye. 

29-Day ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon