Act 3

269 5 0
                                    

February 3, 2013

Ang baba ng tingin ko sa sarili ko. For one second I thought babalik siya sa akin. Hindi man lang ako nanlaban nang angkinin niya ako. Saan na napunta ang prinsipyo ko?

I am not playing virgin here. Pero yun ang unang beses na ginawa namin yun.. na outside love. It's not even out of lust for him. Maybe out of anger, or out of annoyance. I was hoping that he would say he still loves me, but his action has proven otherwise.

Nung paglabas niya sa kwarto, nabura na rin lahat ng pagmamahal na natira para sa kanya. Tanga na ang tawag sakin kung matapos ang lahat, mamahalin ko pa rin siya. No, I don't want cheap sx like what he thinks! I wanted us to be given another chance.. but I'm not letting that happen anymore.

Hindi ko na kilala si Philip. Or baka hindi ko lang talaga siya nakikala ng lubusan. Or may nangyari ba sa kanya ng di ko nalalaman?

Kasi kung mahal niya si Madoka, di niya gagawin sa akin yun diba? Even if it's revenge or for old times' sake, he cheated in a way. And with that I have proven that he is a total jerk.

"Hot choco." Sir Gino brought me a cup at nilagay iyon sa harapan ko.

Matapos ang insidente kahapon, nagbihis at nagkulong na lang ako sa kwartong yun. Hindi ko na kayang magturo.

Hinanap nila ko. Mag-a-alas tres na nang may narinig akong naghahanap sa akin mula sa hall ways. At sabi ko ang unang tao na magbubukas ng pinto, yayakapin ko. At ikekwento ko sa kanya lahat ng hinanakit ko.

Nagulat ako nang si Sir Gino ang dumating.

"Ree, ayos ka lang?"

Dinamba ko na agad siya ng yakap at humagulgol ako. Dinala niya ako sa office niya, pero hindi ako tumigil sa kakaiyak.

Hanggang sa nakatulog daw ako at wala na siyang choice kung di dalhin ako sa condo niya.

At nang magising ako, kinwento ko lahat. Mula nang magkakilala kami ni Philip hanggang sa nangyari kahapon. Hindi pa rin siya makapaniwala, pero natawa ako nang nag-panic siya dahil humagulgol nanaman ako.

Bumalik ang train of thoughts ko sa kasalukuyan nang umupo siya sa tapat ng dining table at naglatag ng french toast para ternuhan ang hot choco na ginawa niya para sa akin.

"Sir Gino.. Ano nang tingin niyo sa akin? Hindi ba kayo nandidiri?"

Hindi ko alam kung bakit kumportable akong maging prangka sa harap niya. Gusto ko malaman kung ano ang tingin niya sa akin ngayon, kung nakababa ba ito sa tingin niya sa aking pati na sa pagtatrabaho ko sa teathre niya.

Naningkit naman ang mga mata niya. "Huh?"

Pinalo niya ng kutsara ang noo ko. "Aray.."

"Arissa. Hindi dapat nakakadiri ang tingin natin sa mga taong nagmamahal. Pero sa kaso mo, please move on. It's not doing you any good. The best revenge you can do is to show them that you are happy."

It took me a while and a few sips from my hot choco bago ako nakasagot. "How do we become happy Sir?"

Isang pitik ng kutsara nanaman ang natanggap ko. "Ano ba Sir!"

"Can you drop the sir? It's making me feel old." Sagot niya as he takes a bite in his french toast.

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit, hindi ba?"

Nag-pout naman siya. Surely, for a late 20's/early 30's guy, he is so cute! Parang bata lang ang antics nya. It's so cute yet he still looks manly. Get it?

"I'm just 26." he replied.

"What?! Akala ko 30 plus ka na!"

Natawa siya agad. "That's what heart aches can do. Kaya ikaw, move on din pag may time ha? Tatanda ka agad."

29-Day ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon