Chapter 2: Yeild

117 6 1
                                    

Kyla's POV

Kakalipat ko lang ng eskwelahan at ito agad ang nangyari sa akin. Malayo na nga nilipatan ko e. Mukhang habulin talaga ako ng problema. Ang higpit nang hawak sa akin nitong manyakis na to. Ito ba talaga dapat napapansin ko ngayon? Waaaah! Nakakahiya kay Seil. Talagang sa nag-iisa ko pang kaibigan mangyayari ulit ang ganitong sitwasyon. Pano kaya nila ako nahahanap? Boss! May sinabing boss yung isa sa mga lalaki. Buti nalang at dumating yung kaibigan nitong manyakis na to. Sandali, may kaibigan ba 'tong PWD in making friends?

Ako: Wala na ba sila?

Siel: Ewan. Wag kang maingay.

Ako: May kaibigan ka pala?

Seil: Wag ka sabing maingay.

Ako: Sino ba yun? Tulungan mo yung tumulong sa tin!

Seil: Di nun kailangan ng tulong. Most delinquent student ng school. Wag ka sabing maingay. Mas delikado yun kesa dun sa tatlong lalaki.

Hindi na ako nagtanong pa. Pero mukhang mas galit pa si Seil dun sa lalaking tumulong sa amin kesa dun sa tatlong lalaki. Nagsimula na kaming tumakbo papunta ng train station. Nagyaya pa naman akong sabay na kami nito ni manyakis dahil wala akong ibang kakilala at nagdahilan ako sa mga kaklase ko na may kasama na ako dahil pinipilit nila akong lumabas tapos mangyayari pa yun. Nakakahiya talaga masyado ko nang naaabala tong unggoy na to.

Ako: Teka lang. Pagod na ako, ang layo na natin oh. Saka baka dalhin mo pa ako sa liblib na lugar.

Seil: (Annoyed face) seriously?

Ako: (Poker face)

Seil: ...

Ako: Joke lang naman. Galit na to agad, ano bang problema mo?

Seil: Wala.

Naghihintay nalang kami ng train. 7:43 P.M. mamaya pang 8:00 P.M. ang sunod na train. Di mawala sa isip ko yung boss na sinasabi nung lalaki. Ang dami ko nang nalipatan na school. Ang dami na rin na ginawang paraan ni mama. Pano kaya nila ako nahahanap? Ayoko nang pahirapan si mama. Nakakayamot kasi bakit ako pa. Stupid meteor shower. Normal life, yun lang naman gusto ko e. Yun lang din gusto ni mama. Waaaa! Bakit kasi ang malas malas ko. Nakakainis.

Seil: Kyla.

Ako: Oh?

Seil: Nakilala mo na ba yun?

Ako: Sino?

Seil: Yung lalaking tumulong sa atin.

Ako: Hindi pa. Bakit ba anong problema mo dun? Dapat nga tinulungan mo yun bugbugin yung mga estudyante na yun e!

Seil: Baguhan ka talaga. Spencer Vague. Isa siyang grade 10 sa Brince. Sabagay. Sa sobrang laki ba naman ng brince na hanggang X ang bawat section.

Ako: Magpapasalamat ako bukas sa kanya, saan ba room nun?

Seil: Wag na.

Ako: Pero tinulungan niya tayo kanina. Ano bang problema mo dun?

Seil: Wala, gawin mo gusto mo.

??: Ganyan dapat L. Tinulungan ko kayo diba?

Nanggagaling sa likod ang boses kaya napatingin ako sa likuran ko. Mas mataas siya kay Seil nang konti. Medyo payat kay Seil. Mataas ang ilong. May dugo ang labi at mukhang gusot ang uniform. Pinaka napansin ko ay yung grin sa mukha niya. Bloodlust.

Seil: Anong L? Ano bang pakay mo ngayon, ha?

??: L naman, on guard ka masyado. Chill. Di mo man lang ba ako papakilala dito sa girlfriend mo? Haha.

That Of Which We Forgot (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon