Chapter 1: Travel to the Academy

1K 55 22
                                    

Note:First time ko lng po magsulat Sorry kung Panget...✌✌✌

***

Jasmine's POV

Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Papa dala-dala ang mga tumpok tumpok kong mga Gamit.Ang sabi kasi ni Papa lilipat raw ako nang bago kong school dahil sa nangyari nang nakaraang araw.Di talaga ako mapakali dahil baka marami talaga
ang naapektuhan,eh kahit ako nga di ko alam ang mga nangyari.

Nang isang araw kasi pagbukas ko nang T.V ay narinig ko sa balita tungkol sa nangyari sa aming School pero hindi ko narin narinig ang iba dahil biglang nag brownout at nakita ko si Papa na parang umilaw ang mga mata na yellow.

"Haysst...Papa hindi ko po talaga alam ang nga nangyari sa kanila wala nga akong ginawa eh kundi umiyak nalang.Habang nasa C.R po ako pinagtatawanan na nila ako at nagpaparinig kaya hindi ko na pinansin paglabas ko nakangiti silang tatlo at mukhang may masamang balak sa akin kinausap pa nga nila ako at nang pagbukas ko ng pintuan palabaa-"Mahaba kong paliwanag ngunit naputol ito nang nagsalita si Mama.

"Anak naiintindihan nmin,may kasalanan naman sila eh"Sabi ni Mama

"Kaya anak matulog ka na lng muna, malayo pa ang bago mong papasukan na school" mahinahon na sabi ni papa

"Okay po"pinikit ko na ang mga mata ko at maya-maya nakatulog na ako.

---

Nagising ako dahil bigla lamang huminto ang sasakyan at buti nalang hindi ako nahulog sa upuan ng sasakyan.

Pagkaupo ko ay nakita ko ang apat na lalake na nakatayo sa di kalayuan ng aming pwesto at lumabas si Mama at Papa

Si Papa ay pumunta sa unahan at si Mama naman ay pumunta sa pwesto ko at tumabi sa akin."Ma,Ano yung nangyari?Sino yun ang nasa unahang tatlong lalake?May problema ba sila?"

"Anak,matulog ka nlng ulit humihingi lng ng tulong sila dahil nasiraan sila ng sasakyan."Ngumiti si Mama at niyakap ako,alam kong nagsisinungaling siya sa akin.

Pinikit ko lng ang mga mata ko pero gising padin ako kasi kinakabahan ako sa nangyayari parang ba iba ang pakiramdam ko ngayon.Maya-maya nakaramdam na ako nang matinding antok na para bang isang Buwan na walang kahit isang tulog.

Jasmine's Mother(Maria)'s POV

Alam kong gising pa si Jasmine habang pumipikit ang kanyang mata kaya nag cast nalang ako ng spell para patulugin muna siya dahil hindi niya pa pwedeng malaman ang mga nangyayari ngayon.

"Sorry anak,Hindi mo pa kailangan malaman ang mga nangyayari ngayon. Maybe soon kapag nakarating na Tayo sa Devon Academy"

At lumabas na ako ng Sasakyan."Bakit kayo nandito?!"Sigaw kong tanong,Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nag cast na ako agad ng spell

"Golems.....Rise!"Sabi ko habang nagka-Cast ako ng spell umiilaw ng gold ang mata ko at bigla umuyog ang lupa habang namumuo ang tatlong golems.

Tumakbo na si Eduardo(Jasmine's Father) at habang inilalabas ang kanyang Lightning Sword.Nag Cast naman ng spell ang kalaban at biglang may gumagapang na matitinik na ugat sa dalawang paa ni Eduardo upang hindi siya makagalaw.Pero agad namang pinutol ni Eduardo ang mga ugat and he use his superspeed at itinusok niya agad ang espada niya sa tiyan ng kalaban dahilan kaya napasuka siya ng pulang dugo. Ngunit nang nakita kona silang dalawa ang natumba kinabahan ako kung ano ang nangyari at tumakbo kay Eduardo

At nakita kong napapawisan na si Eduardo,Siguro hindi basta basta ugat ang kinawalan ng kalaban nang tingnan ko ito "F*ck, may lason ang ugat na pinakawalan ng isa sa kanilang kasama."sabi ko.

"M-Maria paki kuha muna ng H-Healing candy sa loob ng bag ni Jasmine sa sasakyan" sabi ni Eduardo

Dali-dali akong pumunta sa sasakyan at hinanap ang Healing Candy sa kanyang bag.Bago ako umalis ay nakita ko si Jasmine na mahimbing na natutulog sa likod at ngumiti agad ako sa kanya at pumunta kay Eduardo at pinasubo ko sa kanya ang Healing Candy.

Nakikita ko parin na nag-lalaban ang dalawang Golem at ang isang dugoang kalaban.Tinulungan ko muna si Edwardo na pumasok sa kotse upang magpahinga.pagkatapos ay inutusan kuna ang mga Golem na bumalik na sa pagiging bato dahil natalo na nila ito.

Napapawisan parin si Eduardo at nanginginig."Naku!Anu ba ang klaseng lason ang kasama ng Ugat nayon kahit healing candy di ka magamot"sabi ko na kinakabahan.Di ko talaga alam ang gagawin pinasubo ko na naman ang Healing Candy pero bakit walang nangyayari?

Hinanap ko muli ang lalagyan at kumuha ako ng Healing Candy."Maria hindi nman yan ang Healing Candy,M-Mentos yan na binili kahapon ni Jasmine"At natawa pa siya.

"Ay sorry,Akala ko Healing Candy yan matagal na ako kasi hindi nakikita yan Eh.Hehe!Eh saan yung Healing Candy?"Pagtatanong ko.

"Nasa bag ni Jasmine na Blue"Kinuha ko agad At pinasubo sa kanya at ilang minuto lang ang lumipas ay bumabalik ang lakas nya.

Maya-maya pinahinga ko muna sila ni Jasmine at ako na ang nag maneho ng sasakyan.

Ilang iras din ang lumipas ang pagmamaneho ko at mukha Na Fa-familiarize ko na ang lugar."Nandito na Tayo"Sabi ko at ngumiti,nagising naman Si Eduardo habang si Jasmine ay pahimbing parin natutulog.

Lumabas na kami sa sasakyan at nag cast kami ni Eduardo ng spell upang buksan ang Portal."Portalino este kuragi kulora hajaki bunguer kapa!waj kome..."at unti-unti na bumubuo ang portal na papasukan namin

Bumukas na nga ang portal na may kulay na ginto at yellow dahil sa pinagsama na kapangyarihan namin ni Eduardo.Nang masiguro na ni Eduardo na handa na ang portal sa pagpasok namin ay pumasok na din kami sa portal dala ang sasakyan.

======

Dont Forget to...

⭐Vote

💬 Comment

And Criticize my Story.

Devon Academy:School for EnchantresesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon