"DULO."

864 7 2
                                    


"Dulo"

By:
simply_author

Pagsinabi kong mahal kita.
Hindi lang yun basta mahal kita.
Pagsinabi kong mahal kita.
Hindi lang yun dahil sa mahal mo ako kaya mahal din kita.
Pagsinabi kong mahal kita.
Hindi lang yun dahil sa gwapo ka o sikat ka o mayaman ka o kung anu ka pa.
Pagsinabi kong mahal kita.
Parang awa mo na maniwala ka.
Maniwala ka na lang.
Kasi hindi ko sasabihin yung mga katagang galing sa puso ko nang wala lang.

Mahal kita kasi mahalaga ka.
Mahal kita kasi importante ka.
Mahal kita maging sinu ka man.
Mahal kita sa kung anu ka man
Mahal kita kasi....
Mahal kita kasi...
Kasi...
Anu nga ba? Nakalimutan ko na.
Bakit nga ba mahal kita?
Parang kanta lang di ba.

Bakit nga ba mahal kita?
Pwede mo bang ipaalala?
Kasi hindi ko na maalala.
Hindi ko na maalala kung panu at saan nagsimula yung pagmamahal ko sayo noong una kitang makilala.
Saan nga ba?
Paanu nga ba?

Hindi ko alam kung tama bang nakalimutan ko kung bakit at saan nagsimula yung salitang mahal kita.
Hindi ko alam kung tama bang nakalimutan ko kung saan tayo nag-umpisa.
Hindi ko alam kung tama bang nandito pa ako at kasama ka pa.
Hindi ko alam.
Hindi. Ko. Na. Alam.

Pwede ba ipaalala mo ulet?
Pwede ba ipakita mo ulet?
Pwede ba magsimula tayo ulet?
Pwede ba bumalik sa umpisa ulet?

Kahit puro paulet-ulet.

Kahit puro paulet ulet.
Ulet-ulet.

Ayos lang!

Basta ang mahalaga.
Ikaw yung kasama ko sa nakakahilo at pabalik-balik na sitwasyon at senaryo ng ating relasyon.
Basta ang mahalaga.
Ikaw pa din yung katabi ko sa paggising ko sa umaga.
Basta ang mahalaga.
Ikaw pa din yung unang babati sa akin ng magandang umaga.
Basta ang mahalaga.
Ay naririnig ko pa din yung mga tawa mo na ang sarap sa tenga.
Basta ang mahalaga.
Ay yung tayo pa din yung magkahawak hanggang sa marating natin yung walang hanggang sinasabi nila.
Yung walang hangganan.
Yung walang hanggan..
Yung walang katapusan.


Oo marami kang pwedeng idugtong sa mga salitang yan.
Pero ayaw ko syang dugtungan.
Ayaw ko syang dugtungan.
Kasi hindi ko alam kung anung tamang salitang idudugtong ko kundi yung salitang
"Dulo" lamang.

Ayaw ko syang dugtungan ng salitang dulo.

Dahil ayaw kong humantong tayo sa dulo.
Kahit tinutukso nila akong sulyapan kung anung meron sa dulo.
Kahit dumating man yung pagkakataon na gustong gusto ko ng pumunta sa dulo.
Ayaw ko pa ding subukan o kahit humakbang man lang papunta sa pesteng dulo na yan.
Ayaw kong makita kung anung meron yang dulo na yan.
Sinu ba yan? Mamahalin ba ako nyan?

Hindi ko alam kung anung koneksyon ng dulo na yan sa mga katanungan ko kaninang nag-umpisa ako.
Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan sa pagsinabi kong mahal kita sa tanong na bakit nga ba?
Hindi ko alam kung bakit yung paulet-ulet-ulet-ulet na pakiusap kong ipaalala mo sakin yung storya nating dalawa ay napunta sa usapang
Walang hangganan.

Hindi ko alam.

Pero may napansin lang ako.

Napansin ko na nag-umpisa tayo sa salitang
MAHAL KITA.
Hanggang sa napunta sa tanong na.
BAKIT NGA BA?
At humantong sa pakiusap na.
PAKIULET NGA SA UMPISA.
At napunta sa.
BASTA ANG MAHALAGA
At napadpad sa.
WALANG HANGGANAN.
At sa huli..
At sa huli!
Natapos tayo sa salitang.
DULO.
Pesteng dulo!

Napunta din ako sa salitang kanina ko pa iniiwasan.
Napadpad din ako sa salitang yan.
Nakatapak din ako sa dulo
Natapos din ako sa dulo.
Pero akalain mo yun mali pala ako.
Akala ko masakit at mahirap ang maranasang mapunta sa dulo.
Hindi pala.
Dahil ngayon napatunayan ko na.
Masaya pala.
Masaya din pa lang minsang mapunta ka sa dulo.
Dahil dito mo makikita lahat ng halaga ng bagay na natitira sayo.
Lahat ng halaga ng bagay na nanatiling hawak mo.

Ngayong nandito na ako sa salitang dulo.
Ngayong nandito na tayong dalawa sa dulo.
Hindi naman ibig sabihin nito ay wala ng tayo.
Hindi naman ibig sabihin nito at bibitaw ka na sa hawak ko.
Nandito lang tayo nakatayo, tinitignan kung anu na lamang bang meron tayo.
Nalulula tayong pareho dahil sa taas na maari nating bagsakan.
Sa sakit na maari nating mararamdaman.
At dahil dun parehas tayong humawak ulet sa isa't isa.
Humawak ng mahigpit.
Humawak na para bang wala ng bukas.
Naramdaman ko ulet yung pakiramdam na ayaw mo kong bitawan.

At sa wakas.

Naalala ko na! Naaalala ko na!
Kung paanu at saan nagsimula ang lahat.
Sa mga hawak mo kaya ko nalamang mahal kita.
Sa mga yakap mo kaya ko nasabing, "Ay mahal na nga kita."
Dahil sa takot mo na matapos tayo sa dulong 'to.
Naramdaman ko ulet yung hawak at yakap mo na hinahanap-hanap ko.
Naramdaman ko ulet yung sarap ng unang halik nang pagdampi ng labi mo sa labi ko.
Naramdaman ko ulet na Mahal mo ako.
Napangiti mo ulet etong puso ko.

Hindi naman pala masamang mapunta tayo sa DULO.
Dahil masaya ako na meron pa ding
TAYO.


*****

Thank you😊.
Just read and share but please don't copy.
God is watching us.

Ako At Ang Aking Mga Salita {Spoken Word Poetry}Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora