Chapter 9

346 11 5
                                    

Chapter 9: JM'S LOVE

STEPHANIE'S POV

2 Months na kami ni Kharl. At sa 2 Months  na yun,pinakita niya sakin kung gano niya ako kamahal. Para bang araw araw niya ako nililigawan. At araw araw kaming magkasama na para bang tinali kami sa isa't isa. At Oo nga pala next week na yung Graduation day namin at 1st year college na ako!

Monday...

"Kring!!! Kring!!!" Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Ughh! Ingay. Bumangon na kagad ako at kumuha ng towel tapos naligo sa Bath room. After 10 minutes,lumabas na ako sa Bathroom at nag bihis. Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong lumabas ng kwarto at diretso sa kitchen at nag luto ako ng Corn Beef. Ilalagay ko na sana ang kanin na sinaing ko sa Lamesa at nagulat ako nang makita ko si JM na nakaupo sa hapagkainan.

"Wow! Himala! Aga mo ata ngayon JM?" Nagpipigil ng tawang tanong ko sakanya.

"Bakit? Masama ba maging maaga?" Seryosong sabi niya sakin. Problema nito?

"Am,JM... Galit ka ba?" Mahinahong tanong ko sakanya. Masungit kasi yan sobra pag galit yan.

"No." Seryosong sabi niya.

"Okay. Kukunin ko muna yung ulam sa Kitchen." Nakayukong sabi ko sakanya.

Kinuha ko yung Corn Beef sa kitchen at dinala sa table. Umupo na ako at nag simulang kumain. Sobrang tahimik namin na para kaming namatayan. Ewan ko ba.

Pagkatapos kong kumain ay may narinig akong door bell. Kaya agad kong binuksan ang pinto at nakita ko si Kharl.

"Good Morning Baby. Halika,pasok na tayo?" Nakangiting sabi niya sakin. Ang cute niya kaya tignan.

"Sige. Wait lang baby ahh..kukunin ko muna yung bag ko." Nakangiti ding sabi ko sakanya.

"Okay baby. Hintayin na lang kita dito." Sabi niya. At tsaka umupo sa may sofa.

"Who Told You to sit there?!" Seryosong sabi ni JM Kay kharl. Patay... High blood pala si boss.

"Bakit? Bawal ba?" Seryoso ding sabi ni Kharl.

"Oo bawal. Pamamahay ko to kaya pwede ka ng lumabas." Cold na sabi ni JM kay kharl.

"Pano kung ayaw ko." Sarkastik na sabi ni Kharl Kay JM.

"Edi Ako mismo ang kakaladkad sayo palabas." Nanlilisik na matang sabi ni JM kay Kharl.

Hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong awatin sila. Baka kasi mag sapakan pa eh. Ano kayang problema ng mga to?

"Ohhhh. Tama na! Baka magkasakitan pa. Ano bang problema niyong dalawa? Hay naku! Bahala nga kayo diyan." Nakasimangot na sabi ko sakanila at tsaka kinuha yung bag ko sa kwarto. Bumababa na agad ako at dumiretso sa labas. Hindi ko na pinansin ang aso't pusa(sila Kharl and JM)at naglakad na papuntang school.

JM'S POV

Titig na titig ako kay Kharl habang nakasarado ang kamao ko. Gusto ko siyang bugbugin. Nakakainis. Nakita ko si Steph na lumabas pero dedma lang siya samin. Di niya kami pinapansin. Pero wala din akong paki. Ang alam ko,gusto ko sapakin ang taong nasa harapan ko ngayon.

Pero tinalikuran ako ni Kharl. Kaya sa sobrang inis ko sakanya ay di ko na napigilan ang sarili kong suntukin siya. At agad namang nagdugo ang labi niya. Pero binawian niya ako ng suntok. Sobrang sakit.

"Tang*na mo JM! Ano bang problema mo?!" Sigaw niya sakin. Aba! Siya pa may ganang sumigaw?!

"Hindi ANO!SINO! At ikaw ang problema ko Kharl! Layuan mo na si Stephanie!" Galit na sigaw ko sakanya.

"At bakit ko naman gagawin yon?" Tanong niya sakin.

"Kasi Mahal ko siya Kharl! At best friend kita! Ayaw kong saktan ka! Pero dahil sa inagaw mo sakin yung taong mahal ko. That what you get." Galit na sabi ko sakanya.

"Umalis ka na. At huwag na huwag ka ng lalapit kay Stephanie. Dahil sa oras na lumapit ka sakanya... Siya mismo ang gagawa ng bagay na hinding hindi mo maiintindihan." Sarkastik na sabi ko sakanya.

Nakatayo pa rin siya na tila ba pinako siya sa kinatatayuan niya. Kaya sa inis ko ako na lang ang umalis at pumasok sa school.

********

Hi readers! Hi po sa inyong lahat! I hope nagustuhan niyo po yung story. And thank you for reading this!

Please vote,comment,share

That Thing Called TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon