SS Second Day [Part I]

74 4 0
                                    

Matapos niyang mailigpit ang pinagkainan ay may pumasok na house keeper at nagpaalam na lilinisin niya ang kwarto. Tumango naman siya at sumenyas na lalabas muna siya.

Pagkalabas niya ay laking pasalamat niyang walang tao sa labas. Napatingin oa siya sa pinto ng kwarto sa katapat niya. Naalala pa tuloy niya kung paano siyang nakiligo dito.

*Ting*

Pagbukas ng elevetor ay napatalon pa siya sa gulat ng makitang naroon ang lalake at nagbabasa ng kung anong libro. Nakajacket ito ng asul at nakapamulsa ang isang kamay. May suot din itong salamin na nagpamukhang seryoso lalo dito.

Payuko siyang pumasok para hindi siya mapansin nito. Sumulyap siya sa dalawang matandang babae na nasa likod niya. Mga turista ito, halata kasing mga Amerikano.

"Yes. I already see that. That was very beautiful, I'm planning to go back there but with husband of course."- ani babaeng nakapula.

"Really? That will be very romantic!"- ani babaeng nakaputi.

"Hey look. This korean girl in front of us. She's so cute hihi. She has a unique style, right?"- anito patungkol sa kanya. Tumango naman ang nakaputing babae at tumingin din sa kanya.

Napangiti naman siya ng nagandahan ito sa kanya, pati sa pananamit niya.

Nakasuot siya ng maluwang na black shirt na may suson na white tube sa loob, dahil manipis ang shirt niya ay kitang kita iyon. Nakapants din siya ng itim, at halos kita na ang buong legs niya dahil sa style nitong sira sira. Nakasuot din siya ng keds na black rubber shoes. Naka-bun ng mataas ang buhok niya at nakalaglag ang ilang bangs sa loob. Mas pinaganda pa ng unique na bagpack ang style niya. Leather bagpack iyon at may design na malaking X lang sa gilid. Napa-cool noon sa paningin niya.

"I think she love the style of Hollywood, she's korean but its suits her."

"Yes. And I find it really cute hihi."

Napangiti siyang muli ng marinig ang mga papuri nito.

Malapit na siya sa ground floor ng mapansing nakatitig na sa kanya ang lalake. Napakurap siya at tumalikod dito kaya medyo napaharap siya sa dalawang babae.

"Oh look at her, she's really pretty. How I wish I have a daughter like her."- anito sabay ngiti sa kanya. Nginitian naman din niya ito ng alanganin.

Maya maya ay nagring naman ang phone niya. Alanganin niyang chineck ang caller id at nanlaki ang mata niya ng makitang ang bestfriend niya ang tumatawag. Nasa Pilipinas na ito, ayon na rin sa gamit nitong number.

Hindi muna niya ito sinagit dahil malalaman ng dalawang babae na naiintidihan niya ang mga ito. Nang bumukas ang pinto ay halos tumakbo siya palabas at dumiretso sa gilid ng lobby. Doon na niya sinagot ang tawag.

"H-hello?"- sagot niya.

"Anja! Nasaan kang bruha ka?! Hoy! Hindi porke lumayas akong papuntang Amerika in 6 months ay lalayasan mo rin ako ng ganyan ha! Atsaka ako nagpaalam! Bakit ikaw hindi?! Nasaan ka! Hoy nasaan ka!"- sigaw nito sa kabilang linya kaya halos mabingi siya dito. Tumingin siya sa paligid at alanganing ngumiti ng makitang nakatingin ang mangilang ngilang tao.

"Sssh! Huwag ka ngang sumigaw."- bulong niya dito habang lumalabas ng hotel. Dumiretso siya sa garden at naupo sa isang bench na walang tao. Medyo malayo naman na ilang tao kaya medyo hindi na siya naalangan.

"Anong wag sumigaw?! Eh loka ka pala eh. Bakit ayaw mong sabihin kung nasaa---

"Nasa Korea ako! Nanalo ko ng trip to korea sa isang raffle! Remember nung sumali ako sa isang raffle na in-advertise sa tv? Yun yon! Thanks pala sa mga sachet ng chocolate mo, nanalo ko haha"- natatawabg paliwanag niya dito.

"Really? Oh my ang daya! Dapat pala akin yan eh. Ako dapat ang nandyan sa Korea!"- anito na halata namang nagbibiro lang.

"Haha well, the luck is mine Kylie haha."- pagmamayabang naman niya.

"Aish! Kwentuhan mo ko pagdating mo yah! Tas pasalubong ko, kahit si Park Bo Gum lang! Alam mo namang jowa ko yan!"- paalala nito, minsan kasing napadaan si Anja sa isang kanto at napanuod niya ang promo na iyon at nakitang yung chocolate nga na yun ang requirement.

Baliw ang bestfriend niya pagdating sa kPop, halos lahat yata ng Koreano ay kilala nito. Hindi tulad niya na tatlong beses sa isang buwan lang yata kung manood ng tv. Wala din siyang facebook, ig, twitter o kahit na anong account sa social media. Hindi naman daw niya kasi ikamamatay kahit wala siya noon.

Busy siya, busy daw siya bilang tagabantay ng dating bahay na ngayon ay library na sa probinsya nila. Bahay nila yon dati pero nang mamatay ang mama niya ay pinagawa niya iyon bilang library.

Hindi siya mahilig sa libro pero ang Mama Niya, oo. Meron itong halos 5,000 libro sa isang kwarto nito. Historical, academical at kung ano ano pa na pang matalinong libro. Naisip niyang pagkakitaan nalang iyon tutal ay wala ng gagamit. Pinaparentahan niya iyon. Naglagay din siya ng coffee machine dagdag kita.

Hindi niya kilala kung sino mang Park Bo Gum pero dahil kilala ito ni Kylie ay naisip niyang popular na artista ito.

"Tss oo na! Kahit hindi ko kilala iyan, iuuwi ko para sayo haha."- biro naman niya.

"Nakuuuu anja! O sige na, tawag nako ni Boyfie haha. Ingat ka diyan palage. Sarangheooooo mwua!"- paalam nito.

"Sarangheo haha. Bye."- paalam din niya saka in-off ang phone. Nakangiti pa siya sa cellphone ng may tumapik sa kanya.

Napatalon siya sa gulat ng makitang ang lalake ito.

"W-what are doing here?"- tarantang tanong niya.

"Checking you? I saw running out there. I thought there was an emergency."- seryosong sabi nito. Umiling iling naman siya.

"Ah thats... my... my friend called me.. yes she called thats why I run here.. hehe."- she awkwardly replied.

"Ahh. Can I ask you to join me?"

"What?!"

"Join me, pabo... I change my mind, repay me now for helping you."

"Ah .. but I thought... aish, sinungaling naman pala to..."- bulong niya.

"What did you say?"- kunot noong tanong nito.

"Ah hehe nothing. So, where are we going?"- she replied.

"Follow me."- seryosong sabi nito saka tumalikod. Nginusuan niya ito habang sumusunod, hindi naman niya napansin na napangisi ito.

---

Sarangheo, stupid! (Short Story)Where stories live. Discover now