SS The End [Last Part]

58 6 0
                                    

[A/N: Eto na, last na. Thank you again. Sarangheooooo mwuah :* enjoy queendiiiiiies :*]

Halos singbilis pa sa kidlat na inagaw niya ang cellphone sa kaibigan at tumakbo pabalik sa kwarto. Ni-lock niya rin ang pinto.

"H-Hello?"- nauutal na tanong niya sa kabilang linya.

"Hoy Anja! Wag kang madamot! Buksan mo to!"-kabog ni Kylie sa pinto, dinedma nalang niya iyon dahil kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan.

"Hello? Yes it's Gyo Bum. Is this her friend? Where's Anja?" - sunod sunod na tanong nito. Kinagat niya amg hintuturo at huminga ng malalim bago sumagot.

"U-uhm... yes, A-anja is still sleeping."- pinilit niyang paliitin ang boses habang nagpapanggap.

"Aww. Hmm, can you tell her that I called, later when she woked up. And tell her also that I need to say something..."- seryosong sabi nito sa kabilang linya.

"H-ha? Ah, no. I-I'm her bestfriend so I should know what you are going to tell her. T-tell me."- kinakabahang sabi niya.

"Uhm... I... I just realized that she's wrong. I.. I really liked her. I finally realize that I really liked her. Tell her please, she's wrong. This is not just an infatuation. I misses her, I'm looking for her. Days passed by and I'm still hoping that she might go back and visit me here. I think its crazy that I'm still waiting in front if her door that she might walk around."- halos mabitawan ni Anja ang cellphone sa tinuran nito.

"Are you still there? Its hard to explain but I'm really sure that I am absolutely in love with your bestfriend. Can you help me? I'm here already in your country but I don't know how to go there. I forgot to ask her address, geez thankful that I took her number on her phone one time."- tuluyan na niyang nabitawan ang cellphone ng sabihin nitong nasa Pilipinas siya.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Namalayan nalang niya ang sariling inaayos ang buong kwarto niya at inayos rin ang sarili niya.

Dinampot niya ang cellphone, nakapatay iyon. Matapos niyang isindi ay nireplayan niya ang gamit nitong number.

To: 09*** *** ****

Meet me at *****. I'll be there in 30 minutes.

[A/N: Kayo na bahala kung saang lugar niyo sila gustong magkita. Basta yung mala-park push nayern! Haha]

Hindi siya sigurado kung saang parte ito ng Pilipinas pero hihintayin niya ito roon.

Halos mabitawan na naman niya ang cellphone ng biglang pumasok si Kylie.

"Bruha ka! Inabot ako ng ilang oras kakahanap ng extrang susi sa drawer mo sa baba! Ano na?! Si Gyo Bum yung tumawag diba? Ano nangyari? Ano sabi? Nakagayak ka... oh my! Magkikita kayo?! Sasama ko!!!"- sunud sunod na sigaw nito.

"Shut up! Dito ka lang, bantayan mo munang bahay. Babalik din ako agad. Okay?"- sabi niya saka ealang sabi sabing umalis na. Napanganga naman si Kylie.

Lalabas na rin sana ito ng kwarto ng makitang naiwan ni Anja ang cellphone nito sa gilid ng kama kung saan nakaupo ito roon kanina.

-
(NP: Shiny Day by Lily M)

Wala pa siya?...

Tanong niya sa sarili kahit alam naman niyang imposibleng mapunta agad ito roon.

Bumaba na siya ng jeep at naupo sa isang bench.

Kumakabog ang dibdib niya habang naghihintay. Wala mang kasiguraduhan na darating na ito ay alam niyang umaasa siya.

Umaasa siya.

Lumipas ang ilang minuto ay naghihintay parin siya.

25 minutes left...

20 minutes left.

15....

10....

5.... minutes left...

...

..

..

...

..

Last minute...

Naiiling siyang bumuga ng hangin.

"Tanga ka talaga Anja. Bakit mo nga ba aasahan na darating iyon sa loob ng 30 minutes. Paano kung nasa Manila siya eh probinsya to? Tss tanga!"- natatawang bulong niya sa sarili.

Ilang minuto pa ang hinintay niya. Lumilinga linga pa siya sa paligid bago nagpasyang umuwi na.

-

Pagkababa niya ng jeep ay saktong umulan, hapon na rin kaya malamig ang hangin. Hindi na siya tumakbo dahil malapit lang naman ang gate ng bahay nila sa highway.

Lulugo lugong binuksan niya ang gate at pumasok.

Pagpasok niya sa loob ay nilagpasan lang niya si Kylie na may kasamang lalake.

Andito na naman yung boyfriend niya?"- naiiling na naisip niya.

"Anja..."- napahinto siya ng marinig ang pamilyar na boses. Dahan dahan niyang nilingon iyon.

Seryoso itong nakangiti sa kanua habang nakatayo at nakapamulsa.

"Umayos ka bruha. We'll talk later."- bulong ni Kylie bago iniwan sila sa sala.

"Why you're so wet. You might get cold."- seryoso paring sabi nito habang siya ay di makapaniwala sa nakikita.

"Hey... aren't you happy that I'm here? Your bestfriend texted me an unfamiliar place so I suggest that I must go straight into your house and then she replied your address. Where have you been?"- dagdag pa nito na lumapit sa kanya , naglabas ito ng panyo at pinunas sa basa niyang ulo at mukha.

Nang natauhan ay bigla niya itong sinipa sa tuhod.

"Aww! Hey why did you do that?!"- reklamo nito.

"Its me who texted you! I've waited there! See, I'm now awashed because I walk alone in the rain and then I saw you here?!"- bulyaw niya rito.

He put his fingertips on her lips. "Sssh. Too loud. I don't know what to explain but I just want to say first that... I miss you.. a lot."

Natahimik si Anja at napatitig kay Gyo Bum. Hindi niya maapuhap kunh saan kukuha ng salita.

"You're touched I know. I'll just hug you, you're too pretty to be angry."- anito saka kinabig siya at niyakap.

Sa hindi niya malamang dahilan ay yumakap dim siya at napangiti ng matauhan na kaharap niya takaga ito at kayakap pa.

The End :)

---

Tapos na. Sa istoryang ito tapos na, pero sa imagination niyo for sure hindi pa. Pero dito ko na tinatapos ang story, not because short story to but because (puro because) I don't want to spoil the original plot. Nasa isip ko pa nga hindi na sila magkikita ever eh pero binago ko kasi nga love story to haha.

The story goes well for me. Hindi minamadali. Hindi rin naman natagalan. Bitin? Oo pero hanggang dito lang talaga ang balak ko so, thats it. Eh bakit ba ako nageexplain? Hahaha psh!

Again. Thank you a lot :*

Ps. Don't hesitate to ask if there's something you want to tell me. Vote and comment will be appreciated. Kamsahamnida <3

Sarangheo, stupid! (Short Story)Where stories live. Discover now