SS Going Home

50 4 0
                                    

Palakad na ang eroplanong sinasakyan ni Anja pabalik ng Pilipinas. Tahimik niyang pinapakiramdaman ang paligid.

Habang nagmamasid masid ay naalala niya si Gio... o si Gyo Bum napangiti siya ng maalala kung paano ito magreklamo sa pangalan nito.

*Flashback*

"So... I need to go now. Thanks for accompanying me."- nakangiting paalam niya matapos siyang ihatid nito sa airport.

"You're welcome and ... you can go back anytime here Anja. Thank you also, I have fun with you. My new friend haha."- he joked.

She shrugged. "I ain't friendly but you're being good to me so why would I unfriend you Gio haha."

Napakunot noo ito.

"Gio?"- takang tanong nito sa kanya.

"Hmm your name's Gio right?"- inosenteng sagot naman niya.

"Geez! Its Gyo Bum. Where in the world you get that!"- nakangusong reklamo nito. Napataas naman ang kilay niya at napabiling ulo.

"Its Gyo. Gyo. Gyo. Not GIO!"- ulit pa nito sa kanya.

"Ahh.. Ok Gyo hahaha. I thought its G I O haha. So, its G Y O. I get it now!"- natatawang ani niya.

"Tss. Don't you dare forget me."- biro naman nito.

"What if I dare?"- hamon niya kaya halos mapanganga naman ito.
"Kidding! Of course I won't. You're the only one I got here. I'll treasure you, ready to burried? Haha joke!"- biro kaya nanlaki ang mga mata nito sa kanya at halos tuktukan na siya sa ulo.

"Yah! Just take care of yourself there. Call me sometimes too."- paalala nalang nito.

"Naah. I won't call you, we're not that close Gyo."- ismid niya.

"You're so rude! Fine."- ismid rin naman nito.

"But seriously... thanks for being a good friend for my staying here. I really appreciate it."- wika niya.

Tumango ito at tinap ang ulo niya. "I'm still stucked."- anito.

"S-stucked?"- utal na tanong niya, baka kasi about sa pagibig na naman nito ang tinutukoy niya.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Stucked between 'I'm handsome or I'm hot."- seryosong biro nito kaya napanganga naman ni Anja bago ito birahan ng tawa.

"You're ridiculous haha. I need to go now. Goodbye."- paalam niya bago hinila ang maleta at lumakad na paalis. Kumaway pa siya ng huli bago tumuloy.

*End of Flashback*

"I think he's really cool but to immature about love psh."- naiiling na bulong niya. Hindi naman niya alam kung bakit niya nasabi iyon.

Napagpasyahan niyang matulog nalang.

-

"Anjaaaaaaaaaaaaaaaa!"- tili ng bagong dating sa walang kasing tahimik na bahay niya. Ang bestfriend niyang si Kylie, hinanda niya ang sarili dahil siguradong papagurin siya nito.

Kakaligpit lang niya ng gamit at kakalinis lang din ng bahay. Bukas na siya magbubukas ng library para makapagpahinga muna siya.

"Ang ingay mo."- natatawang salubong niya sa kaibigan. Tinaasan naman siya nito ng kilay bago pumamewang sa harap niya. Magkaharap sila ngayon sa sala.

"Hoy babae! Wag mokong mabiro biro ng ganyan ah! Pasalubong ko? Si Park Bo Gum? Yung Korea? Nasaan na!?"- sunod sunod nitong sigaw sa kanya, napatakip naman siya ng tenga dahil matinis ang boses nito.

"Baliw! Yung Park Bo Gum mo, busy daw hahaha."- biro niya saka niyayang maupo ang kaibigan.

"Oh eh ano lang dala mo? Pwet mo saka yang flat na boobs mo!? Aba, eh wala naman palang saysay ang pagtulong ko sayo eh."- sigaw parin nito.

Natatawang nilayasan niya ito saka kinuha sa kwarto ang MGA pasalubong niya. Binato niya iyon isa isa sa kaibigan na tumatama naman sa mukha nito.

"Anak na?! Makabato? Pwede namang iabot nalang eh!"- sigaw parin nito matapos damputin isa isa ang pasalubong. Sinipat sipat niya iyon.

"Chocolate, check. Keychain, check. Shirt, check. Oh ano to?"- tanong nito ng makita yung isang paper bag na may lamang mga album.

"Tingnan mo kaya?! Makabunganga tong tangang to tss."- irap niya rito.

Nang makita nyon ang laman ay halos tumirik ang mata nito sa kakahiyaw.

Album iyon na puro si Park Bo Gum ang laman at bawat picture ay may autograph nito.

"Paano?! Paano?! Saan mo to nakuha?! Napakadaya naman eh!"- halos iyak nito sa kanya.

"Ang ingay mo."- ismid niya.

"Nooooo! Tell me first. Paano.ka.nakakuha.nito?!"- madiin na tanong nito.

"Psh. Perks of having a good friend haha."- pamisteryosong sabi niya.

Well. Si Gyo Bum ang dahilan kung bakit meron siya non, matapos niyang sabihin dito na fan nitong Park Bo Gum ang artistang iyon ay binili na nito yon. Hindi naman  siya nagtanong kung paano pero dahil nga mukhang mayamang tao ito ay hindi na siya nagtaka. Hindi rin naman siya mahilig mag-usyoso.

Muntik pa nga siyang pitikin nito ng sabihin niyang para saan ba iyon. Hindi rin ito makapaniwala na hindi niya kilala ito, dahil isa ito sa mga popular na artista sa Korea. Napailing pa nga ito ng hindi man lang niya pinagkaabalahan na tingnan kung ano ang itsura noon.

"Hoy bruha! Tinatanong kita, sinong kaibigan?!"- untag nito sa kanya.

Nginisihan muna niya ito bago nagkwento. Dinitalye niya lahat...

...

Pwera sa naging pagtatapat nito.

"What?! Anong name niya? Address? Bigay mo sakin para kapag nagbakasyon ako ay hahagilapin ko siya at magte-thank you ako!"- yugyog nito sa balikat niya.

"Name? Gyo Bum not Gio. Address? Sa Korean Hotel ko lang siya nakilala, amlay ko kung taga saan siya. And 3 days lang kaming naging magkaibigan kaya di ako magtatanong ng ganun. Okay?"- paliwanag niya.

"Walang kwenta!"- ismid nito saka binuksan ang chocolate at sinimulang kainin.

"Ano to. Ang sarap, letse nawawala inis ko sayo!"-anito, natawa naman si Anja dahil doon at niyakap ang kaibigan. Yumakap din ito saka nagpatuloy sa pagkain.

---

Sarangheo, stupid! (Short Story)Where stories live. Discover now