SS The End [Part I]

47 3 0
                                    

Ilang linggo ng nakakalipas buhat nung nakabalik si Anja galing Korea pero hanggang ngayon kinukulit parin siya ni Kylie tungkol kay Gyo Bum.

Araw araw ay tinatanong nito ang pangalan, at araw araw din niyang sinasagot na Gyo Bum lang ang alam niya.

"Bakit kasi wala siyang Facebook! Twitter! Instagram! Letse baka friendster lang meron yun ah!"- naiiling nalang si Anja sa pinagsasabi nito, hindi niya kasi alam kung ano ano ang mga iyon. Apps daw iyon, yun ang alam niya.

"Cellphone mo nga?!"- biglang sabi nito, nakalahad pa ang palad nito sa kanya.

Naiiling na binigay niya ang J5 niya dito.

"Lintik na android phone! Walang kwenta! Bukod sa Candy crush walang ibang matinong apps. Eh panahon pa ng mga hipon to ah! Paano ka nabubuhay?"- lait nito habang pinapakielaman ang cellphone niya.

"Matuwa pa sana ko kung may App na pineapple pen dito eh!
.... What?! Wala ka man lang litrato sa korea? Busit ka talaga no?!"- inis na sabi nito saka binato sa kanya ang cellphone.

Binatukan naman niya ito at tinuro ang mga nagbabasa sa library niya.

"Pake ko?!"- ismid naman nito.
"Seryoso, saang bundok ka binuga at wala ka man lang kasyosalidad sa buhay?"- sarkastikong sabi nito sa kanya.

"Manahimik ka nga. Kapag nagpunta ka ng Korea ay kumuha ka ng litrato hanggang sa pag-cr mo."- natatawang bulong niya dito. Inirapan lang siya nito.

Maya maya ay lumayas na ito sa harap niya at lumipat sa isang table sa dulo at doon nagcellphone ng cellphone. Napailing nalang siya. Matapos niyang mag-ayos ng pera sa counter ay umakyat muna siya sa kwarto.

Natigilan siya ng makita ang digicam sa ibabaw ng table niya. Dali niyang kinuha iyon at binalak na itago sa drawer niya.

Wala ka man lang litrato sa Korea?

Biglang alala niya sa sinabi ni Kylie.

"Kung alam mo lang..."- natatawang bulong niya. Binuksan niya iyon at kinuha ang sd card. Balak niyang ipadevelop iyon at itago sa binigay na album ni Gyo Bum.

NP: Calling Out by Luna & Krystal

*flashback*

"Whats this?"- tanong niya ng mag-abot ito ng dalawang paper bag sa kanya.

"Souvenir?"- sarcastic niyang tanong.

"I know. What I mean is wh---

"I just want to. So you will never be able to forget me. This one is for your bestfriend, it has a lot of picture of Park Bo Gum with his famous autograph haha. And this one is empty, put our pictures here."- nakangiting paliwanag nito habang inaabot sa kanya ang paper bag.

"You don't have to buy this but thank you."- nakangiting aniya.

"Small things... uhm aren't you going to take a look at it?"- nagtatakang tanong nito ng hindi man lang niya pinagkaabalahang tingnan iyon.

"No. It just an album, besides this one is for Kylie so she's the one who should open this. And you said that this one is empty."- she shrugged.

"Tss. You're really bored sometimes!"- he pissed.

"I'll opened it when I need it. I already know whats inside so I prefer not to mind opening it. I'll develop some pictures first."- she replied.

"Yeah fine. But! Don't worry to put our picture on the first page."- he remind.

"Ye."- she nod.

*end of flashback*

Tinago niya sa wallet ang sd card at nagpasyang bumaba na.

Inabutan niyang naguusap si Kylie at ang boyfriend nito sa kitchen.

"Oh kamusta?"- bati sa kanya ni Janus.

"Okay lang naman. Iuuwi mo na ba yan?"- biro niya sabay turo pa kay Kylie, inirapan naman siya nito.

"Oo sana eh. May usapan kasi kami, kaso ayaw pa yatang umalis at gusto ka pa daw makasama. Nagseselos na nga ako haha"- biro nito kaya hinampas naman siya sa braso ni Kylie.

Babaeng babaeng humampas psh. Kung ako yan tumba pa yan!- mayabang na sabi niya sa isip.

"Ayaw ko siyang kasama kaya iuwi mo na. Diko kailangan ng bumbero dito."-biro din niya kaya binato siya ng tsinelas ni Kylie.

"Busit kayong dalawa. Di kayo nakakatuwa ah. At ikaw! Hindi kita iimbitahin sa kasal ko!"- banta nito kaya napalapit si Anja sa kanila sa lamesa.

"I-Ikakasal na kayo? Masasakal ka na?"- biro niya sa boyfriend nito.

"Kung siya naman ang sasakal why not haha. Next year, ikakasal na kami. Tutal she's 21 na, and ready na siya para don."- anito na parang may double meaning. Tumaas taas oa ang kilay nito sa kasintahan.

"Loko!"- natatawang ismid naman ni Kylie.

"Sus. Kunwari pa eh kulang nalang yata eh ikaw na ang magpropose haha."- biro naman ni Anja sa kaibigan.

"AY EWAN KO SA INYO!"- bulyaw nito sila binirahan ng layas. Nagkatawanan nalang silang dalawa.

-

"Anja! Ano ba! Bumangon ka na! Kanina pa may tumatawag sa phone mo!"- sigaw ni Kylie kinaumagahan. Dito kasi ito natulog.

"Yaan mo siya..."- bulong niya habang tinatakpan pa ng unan ang mukha niya.

"Unknown number eh. Ako nalang sasagot."- anito, natigilan si Anja at naalalang baka si Gyo Bum iyon. Dagli siyang bumangon at bumaba para habulin si Kylie.

Pero huli na... nasagot na nito ang tawag.

"G-Gyo Bum???"- gulat na sagot nito.

Napatapik siya sa noo.

"I'M DEAD."- she whispered.

---

Last chapter for Sarangheo, stupid!

Sarangheo, stupid! (Short Story)Where stories live. Discover now