Lorhaine's POV"Rhaine alam mo para kang timang"aray grabe naman tong bestfriend ko.
"Bakit kaba kasi ikot ng ikot? Alam mo para kang nawawalang pusa sa lagay mong yan" pusa talaga? Well ayos lang paborito ko naman si Hellokitty.
"Naku Russ kung alam mo lang, may recitation kasi kami mamaya" paliwanag ko.
"So" walang kwenta nyang sagot.
"Anong so? Hindi pa kaya ako nakakapag-aral"
"So?" ulit pa nya.
"Russ ano ba? Isa pang so mo dyan itutulak na kita dyan sa kinatatayuan mo" banta ko sa kanya. Hindi nyo naitatanong nasa rooftop po kami at seryoso ako itutulak ko talaga sya. Tingnan ko lang kung may sasalo dito sa bestfriend ko.
"Hahaha!! Ano ka ba ang sama ng ugali mo. Pinapatawa lang naman kita, teka ano bang problema ng bestfriend ko?" aniya.
"Ganito kasi yun may recitation kami mamaya kay Mrs. Bangs. Haler kilala mo naman yun kala mo lagging nakasanib sa kanya si kamatayan sa sobrang tapang. Tapos ang problema wala pa akong alam sa irerecite mamaya" maluha-luha kong paliwanag, seryoso ako natatakot talaga ako sa proff nay un.
"Eh di mag-aral ka ngayon, problem aba yun?" suhestson nya. Naku kung alam nya lang halos hindi na nga ako natulog kagabi kaaaral. Ang kaso walang napasok sa utak ko.
" Naku kung alam mo lang magdamag na nga akong nagreview kagabi" saad ko.
"Oh, yun naman pala eh. Wag mong sabihin na sa magdamag nay un eh wala kang nasaulo or what" aniya.
"Naaalala ko kasi yung sinabi ni Claire about dun sa Double Date nayun. Kaya ayun wala talagang napasok dito" turo ko sa may sintido ko.
"Sus ano kaba, wag mo ng alalahanin yun. Halika ka nga rito rereviewhin kita" at sa huli may naitulong din ang magaling kong bestfriend.
YOU ARE READING
JUST THE LABEL
De TodoLahat ng bagay maging ang tao ay pinangarap at ginusto na magkaroon ng label. Yung tipong alam mo kung ano ang ganap o papel mo sa buhay ng isang tao. This stoRy is not pure drama may comedy,lessons at marami pa kayong pwedeng matutunan about sa lov...