II. WE MET

10 1 2
                                    

" Anak gising na, tanghali na" sabi ni manang.

"Hmm..." sagot ko. grabe naman itong si manang makapanggising kala mo naman tanghali na. Eh ang aga-aga pa naman.

"Anak alas-syete na...." o alas-syete palang naman pala eh.... wait alas-syete.. you mean seven o'clock... as in 7:00 am.. Hindi lorhaine, tanga lang kasasabi lang ala-syete na

" Wahh.. manang late na ako!!! Bat hindi mo ako ginising?? sigaw ko kay manang, pero in magalang way naman "Manang naman.. huhuhuh" pahabol ko pa habang niyuyugyug si manang

"Anak kanina pa kitang ginigising pero laging ' hmmm' ang sagot mo"

"Manang naman, akala ko po kasi alas-singko pa lang."

" Sya-sya dalian mo na at maligo kana" tatakbo na sana ako sa banyo ng biglang..

" Teka, anak umiyak ka ba? Bakit maga ang mata mo?" takadong tanong ni manang.

" Ah... ano kasi manang.. Oo tama.. napuyat po kasi ako. Oo nga, ah.. nagreview po kasi ako kagabi." pagsisinungaling ko.

" Ok, sabi mo eh. Mukang totoo naman, eh halos hindi kana huminga sa pagpapaliwanag. Sya sige na maligo kana." hay salamat. Hindi na nagtanong pa si manang, kaya dali-dali na akong pumasok sa banyo.

So after 20 minutes nakaligo at nakabihis na ako. Bumaba na ako para magpaalam kay manang. Hindi na ako magbe-breakfast at talagang late na ako.

" Manang aalis na po ako" pagpapaalam ko.

" Sya sige, magiingat kayo" sigaw ni manang mula sa kusina.

" Manang fred, tara na po" tawag ko kay manong. Driver ko po sya. Well next time ko nalang po sya ipapakilala talagang late na po kasi ako.

" Tara na po mam" aya ni manong.
My God five minutes nalang magtatime na.

" Manong paliparin nyo na po ang sasakyan"

" Naku mam, baka po masisante ako nyan" tanggi ni manong

" Eh kasi manong late na po ako. Pero joke lang naman po yung 'paliparin thing' na sinasabi ko.Isa pa ayaw ko pa naman pong mamatay no" paliwanag ko kay manong. At ayon nahimasmasan naman sya.

Wahh. Fianally nakarating na din ako sa school sa sc. Time check 7: 29, my God isang minuto nalang.Takbo... Takbo...

" Good morning ma...." teka bakit wala pa si mam, himala. Late ba sya?

" Lorhaine, wala daw si mam. May sakit daw, kaya mamaya pang 10:30 ang klase natin." anohh!! nga-nga. Tss, kainis naman. Saan ako nito tatambay? Papunta sana ako ng cafeteria para kumain. Remember hindi pa ako nag-aagahan. Nagulat ako ng bigla kong makasalubong si Jake sa may corridor.

" Hey Jake, can we talk?" maamo kong tanong sa kanya.

" Ano ba Lorhaine? Tama na, wala na tayong dapat pang pag-usapan. Wag mo na nga akong lapitan pa." iimik pa sana ako ng biglang dumating si Claire, girlfriend ni Jake.

"Hey, ex-girlfriend ng boyfriend ko. Pwede bang layuan mo na ang boyfriend ko, ano pa bang kailangan mo sa kanya?" sigaw nya dahilan para makuha nya ang attention ng mga estudyanteng nagdadaanan.

" Hindi mo ba talaga maunawaan ang salitang 'wala na kayo', kaya naghahabol ka parin ha? Next time na lumapit ka pa sa boyfriend ko, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo" banta nito sakin.

" Lets go bhabe, bye bitch"sabay alis nila.

" Ok na, tapos na yung drama. Makakaalis na kayo, mga tsismosa" at utay-utay na silang umalis. Kainis makatingin kala mo nakapatay ako. Alam ba nila yung salitang ' mahal ko pa'. At yung ' Lalaban ako, hanngat kaya ko pa'. Palibhasa hindi sila marunong magmahal ng totoo. Agad akong pumunta sa cafeteria para bumili ng makakain.

JUST THE LABELWhere stories live. Discover now