V. BESTFRIENDS

5 0 0
                                        

LORHAINE'S POV

  " Good morning earth!!!!" hiyaw ko sabay bukas ko ng bintana ng kwarto ko. Maaga akong nagising ngayon, dahil maaga ring darating ang sundo ko.Hay naalala ko, isang buwan narin pala ang nakalipas simula ng maging magkaibigan kami ni Russel. Sa isang isang buwan na lumipas mas lalo kong nakilala si Russel.

"Good morning manang!!" bati ko.

"Magandang umaga naman, iha. Mukang maganda ang gising natin ah" puna nito sa akin.

"Ah, parang ganun na nga po" sagot ko dala ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi.

"Sya sige na manang maliligo na po ako. Baka dumating na po yung sundo ko" dugtong ko pa.

"Sya-sya sige na at baka mahuli ka pa nga. Sya nga pala tumawag ang mommy mo kanina. Kinakamusta ka, tawagan mo daw sya pag may libre kang oras" aniya.

"Talaga po? Tatawagan ko nalang po sya mamaya. Pag-tumawag po ulit pakisabi nalang po na namimis ko na po sya atsaka lagi po syang mag-iingat dun" pahayag ko.Dali-dali akong umakyat para maligo.

******
"Anak nandyan na ang sundo mo" hiyaw ni manang mula sa kusina.

"Sige po pababa na po"

"O,ayan na pala si lorhaine" saad ni manang.

" Good morning " nakangiting bati sakin ni russel.

"Good morning" tugon ko naman.

"Ah manang mauna na po kami" paalam ko.

"Sya sige na at baka nga mahuli pa kayo. Ikaw ga iha'y kumain na? " naalala ko hindi pa nga pala ako nag-agahan.

"Ah, sa school nalang po manang"

"Ay sya, dalhin mo ito. Baka mamaya malipasan ka nanaman ng gutom" aniya sabay abot ng baunan na may lamang sandwich.

"Salamat po manang. Sige na po mauna na po kami"

"Maalis na po kami" pagpapaalam ni russel.

"Sige na, magiingat kayo. Oo nga pala bigyan mo ng sandwich si russel, naparami ang aking gawa" bilin ni manang.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" walang anu-ano nyang tanong habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Ayos naman kahit papano. Ikaw? Hindi ka naman ba nahihirapan lalo na ngayon graduating na tayo?" saad ko. Hindi ko maiwasang manibago, bakit parang ang seryoso naman ata nya ngayon.

JUST THE LABELWhere stories live. Discover now