Fall (First Chapter)

20.9K 163 8
                                    

This one is for Metella13

***

"Kate!" Humahangos na tawag sakin ni Althea, bestfriend ko.

Kumunot naman ang noo ko. Makasigaw 'to kala mo naman bingi ako.

"Oh anong kailangan mo?" I took a sip from my juice.

"Nakipagpustahan sina kuya dun sa mga Montefalco! And guess what?" Excited na kwento nya.

"What?" Bored kong tanong.

Binatukan nya ako na agad ko namang ikinainis. "What the fu-" agad nya akong pinutol.

"Gaga! Edi syempre andun si Vaughn mo!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako.

"Oh. My. Fucking. Gosh." I need to watch that match! Kahit na pustahan lang yun, andun si Vaughn!

Nanlaki ang mata ni Althea habang nakatingin sa likuran ko.

"Watch your mouth, Kate." Oh. That annoying voice. I rolled my eyes.

"What do you want Azrael?" Cold kong tanong. Andito na pala 'tong lalaking 'ti.

Bago pa sya makasagot ay nagsalita si Althea. "Kate, I'll go to the library muna." Pagpapaalam nya na may kasama pang nakakalokong ngisi. What the hell?

Instead of answering my question, he just looked at me.

I rolled my eyes. "Kung wala kang sasabihing mahalaga, then I'll head to the gym" Tumayo na ako at akmang maglalakad na paalis nang tumayo rin si Azi.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na sya sinabihang sumunod kasi for sure, pagbawalan ko man yang sundan ako o hindi, susundan pa rin ako nyan.

Naramdaman ko na nasa gilid ko na agad sya.


Azi graduated college last year. But he often goes here with his cousins, Hendrix, Pierre, and Vaughn.

Palaging dito sa gym ng school namin sila naglalaro ng basketball dahil madalas makipagpustahan sa kanila sina kuya Seth (kapatid ni Althea) at ang mga kabarkada nito.

Namataan ko si Elijah na papalapit sa amin kasama si Klare.

Nang makalapit na sila ay binati nila akong dalawa. "Hi, Katy!" Yes, Klare calls me Katy. Annoying right? Joke lang. Love ko yang si Klare kahit palagi akong kinukulit nyan kay Azi. I smiled at her.

Si Elijah naman ay tinanguan lang ako bago bumaling kay Azi.

"I'll get going." Pagpapaalam ko.

Agad hinawakan ni Azi yung kamay ko. He looked at me na para bang sinasabing antayin ko sya. I nodded.

Habang may pinag-uusapan sila ni Elijah ay hawak hawak pa rin ni Azrael ang kamay ko.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nahawakan nya ang kamay ko pero I feel like, ang kaloob-looban ko ay nagwawala ngayon na tila ba nagagalak sa dahil hawak ni Azrael ang kamay ko.

The Legendary Azrael Montefalco IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon