Camille's POV
Sobrang bilis ng mga pangyayari ngayong araw na 'to.
Kanina pag gising ko, yung pagiging late lang yung pinoproblema ko.
Tapos ngaun naman ibang stage na. Parang kung kanina stage 1 lang yung pagiging late, ngaun tumaas ng stage 4. Nagskip na ng ibang stage dahil sobrang malala na yung problema ko.
Haaaayyy....
Makapag-ayos na nga lang ng gamit. Kase any moment lang, susunduin na ko ni Tito Dan at pupunta na kame sa bahay nila.
Pero anu ba yan...... Sobrang nalulungkot ako ngayong araw :(
Mahihiwalay ako kina Mommy at Daddy. Tapos kami lang ng pet kong si Shemie ang magkasama kina Tito Dan. Sa States sila samantalang ako dito sa Pinas. Parang ang unfair din nga eh....
UNFAIR!
UNFAIR!
UNFAIR!
Life is soooooooooooo UNFAIR! >_________<
TOK! TOK! TOK!
Ayan tuloy, kaka-emote ko kumakatok na si Yaya Grace.
Good thing tapos na ko mag-impake.
"Ma'am, andyan na si Tito Dan nyo." parang ang tamlay ni Yaya Grace. Tapos para ring namumula na yung mga mata nya.
Aww.. Oo nga pala, mamimiss ko si Yaya Grace :'(
"Aah.. Yaya." tapos niyakap ko sya ng mahigpit. Naluluha na rin ako.
"Nako, ma'am. Baka madumihan kayo." sabi nya pero tumutulo na mga luha nya.
"Okay lang. Mamimiss.... kasi..... kita.... eh..." ayan na tuloy-tuloy na ang pagdaloy ni Tears.
"Ma'am Camille, mag-iingat lang kayo lagi ah. Wag kayong pasaway sa titirahan nyo. Mamimiss din kita."
Napangiti naman ako sa sinabi nya kahit naiiyak pa ko ng konti.
"Sige po."
At bumaba nako para kina Mommy at Daddy naman magpaalam.
"Camille ..." lumapit sakin si Mommy and she huggged me. Lalo ko lang tuloy nararamdaman na magkakalayo kaming tatlo nina Daddy.
"Mom..." para nalang bulong yung pagkasabi ko dahil pinipigilan ko ring umiyak.
"Take care of yourself, anak huh? I'm going to miss you so much. And even we're not beside you, always be a good girl." sabi pa ni Mommy habang nakayakap sakin.
"Don't worry, Mom. I'm big enough to take care of myself... I'm going to miss you too... a lot."
*sniff*
*sniff*
Si Daddy naman ang lumapit.
"Camille, you know we're doing this for you and for all of us, right? I am expecting you to be responsible as our daughter. Continue your studies... And Cam, behave habang wala kami ah?"
"Dad, trust me. Sa studies lang ang focus ko. No other things." sabi ko then I smiled.
Ngumiti din si Daddy. Pagkatapos nun, they both give me a kiss and our last hug.
And after that .....
Tito Dan and I, together with Shemie headed on our way.
************************************************************************************
Habang nasa biyahe...
"Makikilala mo na yung anak ko, Camille." -Tito Dan
"Po?! Talaga? Bata po ba sya?" -ako
"Ahahaha. Hindi, iha. Magka-age lang kayo. Ay hindi. Mas matanda sya sayo ng isang taon." -Tito Dan
"Ahh... Girl?" -ako
"Guy." -Tito Dan
"Hala! Lalake po?" -ako
"Haha. Wag kang mag-alala, mabait yun." -Tito Dan
"Sige po ah. Sabi nyo eh." -ako
It's 8:30 pm. Gabi na rin ng makadating kami sa bahay nila. Bitbit ko si Shemie pagbaba ko ng sasakyan. Tinitignan ko yung labas ng bahay nila Tito Dan habang nilalabas na nya yung mga gamit ko. Dun ko lang rin napansin na marami-rami din pala yung mga inimpake kong gamit.
3 floors ang bahay nila. Sa taas may terrace. Ang laki na rin pala eh.
Pinagmamasdan ko parin yung bahay nila tapos may narinig akong nagsalita sa likod ng kotse,
"Daming gamit. Tsk."
Bat parang nag-iba boses ni Tito Dan??
Matignan nga kung sino yung nagsalita.
Pagsilip ko sa likod.....
O_____O
Ba-bakit andito yang lalaking nabunggo namin dati ?!!
At hawak pa nya yung case ng laptop ko!
"Hey! Sino ka bang lalaki ka?! Bitawan mo yang hawak mo!!!" -ako
Nakita kong nagulat sya kaya binitawan nya agad yung laptop ko.
But wait!!! Yung laptop ko binitawan nya?! HALA!!!
"Goooood!!! Bakit mo binitawan?!" lumapit ako sakanya at kinuha ko yung binagsak nyang laptop.
"Sabi mo eh." -sya
"Di mo ba alam na laptop ang laman neto?!" -ako
"Bibitawan ko ba kung alam kong laptop yan?" -sya
"OO! Kase gusto mo kong gantihan dahil nasira yung bike mo!" -ako
"Hmm... Alam mo di ko naisip yan. Pero may point ka ah." -sya
Arrgh!! Iniinis talaga ko ng taong 'to ah! >________<
"Brian, anak. Si Camille ba yung naririnig kong sumisigaw?"
Biglang lumabas si Tito Dan at ..............
"ANAK?!" nagulat ako sa sinabi ni Tito Dan.
"SIYA SI CAMILLE MONTRERA?!" sabi naman nung "Brian".
O_________O
WHAAAAAAAAAAAT?! Yung Brian ba na yan ang anak ni Tito Dan na makakasama ko dito sa bahay?!
Oh my!!!
AYOKO!
AYOKO!
AYOKO! >____________<
BINABASA MO ANG
Lady on Protection
Teen FictionCamilla Sheen Montrera is NOT your typical teenage girl. Siya lang naman ang kinikilalang "only daughter" ng pinakamayaman at pinaka-successful na company sa buong bansa. Kinakainggitan ang kanilang pamilya saan mang sulok ng bansa. Hanggang sa duma...