Pumasok na muna kame sa loob. At doon, may cold stare sa pagitan namin ni Brian.
"Bakit ganyan kayo makatingin sa isa't isa??" -Tito Dan
"WALA PO." di sinasadyang nagkasabay kaming sumagot ni Brian.
"Ahaha. Eh mukhang hindi ito ang una nyong pagkikita." -Tito Dan
Ako ----> O____O
Si Brian -----> O____O
Parehas din kaming natahimik.
"Nagkita na kayo?? Saan? Kelan?" -Tito Dan
"Pauwi ko nun, Pa. Tas binunggo ng kotse nila yung bike ko." -Brian
"Excuse me! NABUNGGO. Hindi BINUNGGO." -ako
"Excuse me ren! Ang bilis kaya ng takbo nyo. Bat may emergency ba?!" -Brian
"Hmmp! WHATEVER!" -ako
Napatingin naman kami ni Brian kay Tito Dan. Ang tahimik nya kase. Kami lang ata ang maingay.
"Nakakatuwa kayong dalawa. Kaya pala ang init ng ulo nyo sa isa't isa, hindi naging maayos ang naging usapan nyo..."
Tinignan ko ng "nakakairitang-look " si Brian.
"Ganito. Magpakilala nalang kayo ng maayos sa bawat isa para hindi na masundan at mabulabog pa ng mga sigawan ang bahay na 'to."
Pansamantalang katahimikan....
Ayoko ngang maunang mag-introduce sa kanya. Hello?! Ako kaya bisita dito.
3 minutes....
4 minutes....
5 minutes....
His using his PRIDE again!
6 minutes....
7 minutes....
"Brian Christian Celona."
Ayun! Nagsalita din.
Wa-wait! Yung boses nya ... Parang ang sarap pakinggan sa tenga kapag kalmado. Pwedeng i-replay??
Oh my! Anu ba 'tong sinasabi ko. Delete!
"Camilla Sheen Montrera. Call me Camille."
"Sa wakas. Kilala nyo na ang isa't isa. Brian, tulungan mo si Camille na iakyat yung mga gamit nya." -Tito Dan
"HA?!" -Brian
"May problema, Brian?" -Tito Dan
Ngumiti nalang si Brian sa papa nya. Yung pilit.
Ngayon, natatawa na ko sa kanya :D Di masagot-sagot yung papa nya. Samantalang pag ibang tao, go lang.
Umakyat na sa taas si Tito Dan. Habang tahimik akong ngingiti-ngiti dahil pinipigilan kong matawa kay Brian.
"Oh, bat ka ngingiti-ngiti dyan?? Kunin na nga natin yung mga gamit mo nang makatulog nako."
At lumabas na ulit kame para kunin yung mga gamit ko.
*************************************************************************************************************
"Bitibitin mo nga 'to....
Tsaka eto....
Eto pa.... Ayan.
Eto ren bitibitin mo, ang bigat eh di ko kaya."
Sabi ko habang pinapabitbit ko sakanya yung mga gamit ko galing sa loob ng kotse.
Nakakatuwa siyang tignan. Ahahahaha :DD
Gusto nyang magreklamo pero di nya magawa. Ahaha.
"Camille. Matanong nga kita..." -Brian
"What??" -ako
"Nagdala ka ba ng kasama mo kaya ganito karami 'tong mga gamit na pinapabitbit mo sakin, hah?! " -Brian
"Ahahaha. Actually, mga gamit ko lang naman talaga yan eh. Pero may kasama ko." -ako
"May kasama ka nga?!!" -Brian
"What's with your reaction? Ahahaha. Don't worry, pet ko lang yung sinama ko dito. Wala nang iba. Okay na?" -ako
"Ganun? Eh asan na yung pet mo?" -Brian
The moment I heard his question...
Tumingin ako agad sa loob ng kotse.
O___O
Oh my god!
Nawawala si Shemie, yung pet ko!
Lumapit ako kay Brian.
"Brian! Do me a favor, please?! PLEASE?!" -ako
"Hah? Eh ano?!" -Brian
"Yung pet ko nawawala. Hanapin natin, PLEASE!" -ako
Okay, I'm starting to panic. Ngayon ko lang narealize na siguro kanina pa nawawala si Shemie.
"Gabi na, Camille. Bukas nalang." -Brian
"No. No. Hindi pwede. Hindi ko makakatulog pag wala si Shemie sa tabi ko." -ako
Ayan na, I'm near into tears.
Kung ayaw nya, edi ako nalang mag-isa!
Maka-alis na nga!
"Oops.. san ka pupunta?" nagulat ako ng hinawakan nya ko sa braso para pigilan.
"Maghahanap ako mag-isa!" -ako
"Payag na nga kong samahan ka eh." -sya
Yung mga tingin nya....
O //// O
Anu ba yan! Bat parang umiinit yung mukha ko.
"Uyy. Ano? Tara na." -Brian
Hinila nya ko sa kamay at nagsimula na kaming maghanap kay Shemie.
BINABASA MO ANG
Lady on Protection
Teen FictionCamilla Sheen Montrera is NOT your typical teenage girl. Siya lang naman ang kinikilalang "only daughter" ng pinakamayaman at pinaka-successful na company sa buong bansa. Kinakainggitan ang kanilang pamilya saan mang sulok ng bansa. Hanggang sa duma...