Lauren's POV
"Mama."
Isa-isang tumulo ang luha ko. Ngayon ko naramdaman ang lahat ng pangungulila ko. Nakakalimutan ko ang kalungkutan ko dahil kay Austin, but now naramdaman ko ang lahat. Dahil sa wakas, nandito na ulit si Mama.
"Anak," she murmured.
Mabilis akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya nang mahigpit. I'm like a lost puppy that found her home after a long time. I cried like a child on Mama's shoulder. Lahat ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang buwan ay naalala ko at lalong yumakap kay Mama na parang nagsusumbong sa kan'ya.
"Shhh... stop crying, Lauren." Her soft voice filled my ears again.
I didn't listen to her. Hinayaan ko lang ang sarili na umiyak nang umiyak habang nasa bisig niya. I missed my mother so much. Hindi ko pa man nalalaman ang existence ng mga bampira, lagi ng busy si Mama kaya 'di ko na siya masyadong nakakasama.
"Kamusta na anak?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Humiwalay ako sa yakap saka pinalis ang luha.
"Okay lang po, Mama. Na-miss kita," saad ko.
Ngumiti siya saka nagsalita. "Na-miss din kita," tugon niya.
I smiled widely at napatayo nang tuwid nang may maalala.
"Kilala mo si Austin, Ma?" takhang tanong ko.
Marahan siyang tumango. "Oo. Nakilala ko siya last week. At hindi mo sinabi na ikakasal ka na pala," tila nagtatampo niyang saad.
Napakunot ang noo ko saka napatingin kay Austin. She didn't know?
"She might freak out, wife, if she learn about our existence." Hindi bumuka ang bibig niya pero narinig ko ang boses niya.
Ah, ito 'yong sinasabi niya kanina. Pero 'di pwedeng sabihin kay Mama?
"Ah... eh, s-sorry, Ma," nag-aalinlangan kong saad.
Masama ba ang ginawa kong pagsisinungaling? Huhuhu, sorry po.
"It's a white lie, wife. Don't worry," saad niya muli sa isip ko.
Napatango naman ako saka tumingin kay Mama at muling alanganing ngumiti.
"Kailan ba ang kasal?"
Napatigil ako sa pag-nguya nang marinig ang tanong ni Mama. Kasal? I look at Austin with a questioning expression.
"It will be held next week," aniya na nagpabigla sa akin.
Akala ko ba nagawa na namin ang mating process? Kailangan pa bang ikasal?
"Talaga!? Aba't maghahanap na ako ng gown! Ano ba ang theme?" Mom excitedly asked.
"Don't worry about it, Madam. You don't have to worry about anything. It's all on me," magalang na saad ni Austin.
Ay, grabe talaga ang asawa ko. Hihihi. Ang bait!
Napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Austin at bahagyang pagnguso kaya napatampal ako sa noo. Naririnig nga pala niya ang sinasabi ko. Siguro kinikilig 'to. Yiieh, si Austin kinikilig!
"Pfft. Stop it wife." Narinig kong sabi niya sa isip ko. Mahina akong napatawa.
"Ayos ka lang anak? Tumatawa ka mag-isa?" she look at me like I am weird kaya napaayos ako ng upo.
I heard Austin chuckled inside my mind kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Pero nae-excite na talaga ako sa kasal! Pareho kaya sa normal na kasal ang kasal ng mga bampira.
"Excited, huh?" Austin teased me again through our mind link.
"Austin! Stop reading my mind!" sigaw ko.
"Lauren, may problema ba anak? Wala namang ginagawa si Austin, ah?"
Napatakip ako sa bibig ko. Oh my, naisigaw ko pala. Tapos sinabi ko pang binabasa ni Austin ang isip ko. Baka mahalata niya!
"Ay, hehe. Joke lang yun 'Ma. Practice lang," saad ko saka hilaw na ngumisi.
Tumango naman siya bago pinagpatuloy ang pagkain. I look at Austin na nagpipigil ng tawa. Our eyes met kaya inismiran ko siya. Umiling siya habang ngingiti-ngiti. Abnormal!
"Busy ako anak kaya baka sa kasal niyo na ako makakabalik," sa niya.
Malungkot akong tumango saka niyakap siya muli.
"Sige, Ma, ingat ka po ah?" paalala ko.
"Oo naman. Oh... s'ya, ikaw na ang bahala sa kan'ya Austin," saad ni Mama.
Tumango si Austin.
"Expect it, Madam. I'll take care of her."
Tumango si Mama at hinalikan ako sa noo bago sumakay sa limousine. Suminghot ako bago humarap kay Austin.
"Stop crying, wife. You'll meet here again, soon," pag-aalo ni Austin saka pinalis ang luha ko.
Tumango ako saka siya niyakap. Muling nawala ang lungkot sa kalooban ko and it changed to warmth and security.
"Let's get in," aniya saka inalalayan akong pumasok sa mansion niya.
Hindi pala ito palasyo, mansion lang pala. Pero mala-palasyo ang laki!
"May palasyo ka ba, Austin?" tanong ko.
Tumango naman siya bago ipinulupot ang braso sa bewang ko.
"Yeah, and you can find it on our world. True world," aniya.
And it caught my attention.
"True world? Ibig sabihin may mga bampira do'n? I mean puro bampira ang mga nando'n?" tanong ko pa.
"No. There are other creatures like werewolves, witches... etc."
"Wow! Ang galing! Sabi sa nabasa ko gwapo at macho daw ang mga werewolves. Totoo ba 'yon, Austin?" I excitedly asked.
Na-imagine ko ang mga naglalakad na grupo ng mga werewolf. Naka-jeans tapos topless! Tapos 'yong mga abs nila at muscles! Hihihi. May parada kaya silang gano'n?
"I'll never bring you in our world, then." Naka-busangot ang mukha ni Austin.
Pero ano daw?
"Waaah! Sige na, hubby. Dalhin mo ako do'n! I want to see their abs!" Nagpapadyak ako at nag-puppy eyes. Pinagsiklop ko pa ang dalawa kong palad.
"You called me hubby. What's that?" tanong niya.
I pouted. "Hubby means husband."
Tumango-tango siya saka bahagyang ngumiti.
"Ano na, dadalhin mo na ba ako do'n?" Masaya kong tanong.
"No."
"Waaah! Hubby naman, eh, sige na!" pangungulit ko.
He 'tsk-ed' saka umiling. My eyes widened when he took off his shirt revealing his....
"A-abs..." I gulped hard.
One, two, three, four, five... six! Anim na pandesal! May nakita na akong mga abs, of course mahilig ako tumingin sa mga abs. 'Yong iba walo pa, pero bakit mas naglalaway ako sa abs ni Austin? Waaah! Si Austin na ang may pinaka-mouthwatering na abs!
'Yong iba kasi nakakadiri tignan na parang nasobrahan pero sa kan'ya? What a perfect scenery! Tapos 'yong muscles niya sa braso, sa dibdib, his collarbone and his jaw... perfect! G-grabe!
"Do you still need to see the parade of those bad smelling werewolves, wife?"
He is staring at me with his dark expressive eyes while biting his lower lip. He's seducing me!
"H-hindi na hubby..." nauutal na bulong ko.
Tumango siya at lumapit sa akin.
"Good. Very good answer wife..." he said huskily before kissing me fully on lips.
Damn! My hubby is a very sexy vampire king!
*****
Supladdict<3
BINABASA MO ANG
Being The Vampire King's Beloved
VampireHighest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the last drop. Fantasize her, I'll rip your head. And hurt her, I'll burn you into ashes." - Austin Cali B...