Chapter 2

262K 7.5K 1.3K
                                    

Lauren's POV

Tumigil ang sasakyan ni Clark. Agad siyang lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Kinuha rin niya ang bag ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil paborito niyang gawain 'yan, eh. Nang nasa harap na kami ng room ay hinarap niya ako at binigay sa akin ang bag.

"See yah, later," aniya at hinalikan ako sa noo bago umalis.

Napangiti ako. Ganiyan talaga si Clark, hilig na halikan ang noo ko. But I find it sweet, para kasi sa 'kin kiss on forehead is the sweetest kiss in the world. It symbolizes respect for me.

Pag pasok ko sa room ay sinalubong ako ni Lailyn. My closest friend here on our block.

"Sweet talaga niyang si Fafa Clark." Kinikilig niyang sabi habang umuupo sa tabi ko. I smiled on her.

"Hindi mo ba napapansin 'yong tingin nya sayo? Iba eh, full of love and adoration," aniya

"Siyempre maganda ako at dyosa kaya full of adoration, at siyempre best friend kami kaya mahal ako no'n," I said in a matter of fact tone.

She rolled her eyes like I said something stupid.

"Tangiks, more than bestfriend!" Saad niya.

"Huh? Kung ano ano sinasabi mo, Lai." Inilingan ko siya at bahagyang natawa. Alam ko na kalokohan lamang iyon. It is impossible.

"Nakalunok ka 'ata ng isang baldeng anesthesia," she said while shaking her head.

My forehead knotted and crossed my arms in front of my chest.

"Bakit ba ako lulunok niyan, huh? Pareho lang kayo ng sinabi ni Clark kanina." I curiously asked.

She facepalmed.

"Tss, ewan ko sayong babae ka," she said like she already lost her patience and turned her back on me.

Napamaang lamang akong pinanood siya. Hindi ko talaga sila maintindihan.

Tignan mo, tinatanong ko nang maayos iyon. Ano na bang nangyayari sa mundo, nababaliw na ang mga tao? Nag-iisa na lang talaga akong dyosa sa mundo. At may matinong pag-iisip.

Our professor came and started to discuss. I want to be a psychologist someday. And each day that we have class, I always enjoy the topics. About emotions, and as the powerful one LOVE ang pinakatopic namin.

Ano nga ba ang love?

Some answered sparks, invisible red thread that connects you to your destined partner, butterfly in stomach at kung anu-ano pa. 'Yan daw ang mga nararamdaman pag nagmahal. And about the thread thingy, 'yon daw ang nag dudugtong sa dalawang tao na nakatadhanang magmahalan habang buhay.

Ewan ko kung maniniwala ako.

Pero para sa akin....

"Miss Lauren, what is love for you?" Our professor asked.

Tumayo ako saka huminga nang malalim. Self-explanation at paniniwala naman daw. This is my opinion and perspective.

"Love, four letters, one word. Maikli pero malalim ang ibig sabihin. Simpleng salita pero malaking responsibilidad. Love is not just a word. It's a deep feeling. Iyon 'yong nararamdaman mo sa isang tao that you can't explain what is it. Basta masaya ka and you want to stay with that person. It must be unconditional. Undying and unbreakable. But love is not all about happiness, it can destroy someone's mind, someone's heart, and someone's life," I said.

Natahimik ang lahat. Because I'm the only one that answer with a negative perspective on love. Lahat sakanila ay kasiyahan, cheesiness and other childish stuffs. But I discussed the real meaning of love for me. It's not all about forever, promises and flowery words. Love is all about broken promises, sacrifices and pain. That's how I believe in love.

"Very good, Miss Lauren. Thank you." Ani ng professor.

Natapos ang period na 'yon na lumilipad ang isip ko. Love? Totoo nga ba 'yon? Kung mahal kami ni Papa hindi niya kami iiwan. But he left. Because he doesn't love us and he never did. Hindi ko man lang siya nakasama at nakita ni minsan. I think, Mama really loved him at nasasaktan pa rin ito kaya walang picture niya sa amin. Ayaw na siguro niya maalala ang taong inanakan lang siya at sumama rin sa ibang babae. But even I don't have a father, Mama is more than enough for me.

"Ang lalim ng pinanghugutan mo kanina, ah?" saad ni Lailyn at natatawang tumingin sa akin.

"Wala. 'Yon lang paniniwala ko kaya nasabi ko iyon," sagot ko at nagkibit-balikat.

"Oh, aalis muna ako. Vacant pa tayo nang 2 hours 'di ba? Balik na lang ako mamaya, emergency."

Napakunot-noo ako nang napansing namumutla si Lailyn. Tila kinakabahan din siya.

I mean, maputla na talaga siya, ang balat niya. Pero ang labi niya ay mapula. Katulad na lamang ni Clark. Pero ngayon ay namumutla ang labi nya at tila hinihingal. What happened to her?

Mabilis din siyang nawala sa paningin ko. Weird? I shrugged my shoulder at naglakad papunta sa cafeteria

Everyone is looking at me with admiration and respect. Yumuyuko pa sila nang bahagya. Wow! Alam kong maganda ako pero hindi na nila kailangang yumuko! They don't need to make it obvious. Masyado ng redundant, eh! Grabe sila!

Humahangos na tumatakbo papunta sa harap ko si Clark. May lungkot ang mata niya na ngayon ko lang nakita. Kitang-kita ko 'yon at tila may kumurot sa puso ko. He looks like a lost child.

"What happened?" Tanong ko and I reached for his hand.

"N-nothing Lau," he answered and he weakly smiled at me.

Kumapit ako sa braso niya pero inalis niya iyon saka umakbay sa 'kin. Pakiramdam ko may problema talaga siya. At kung ano man iyon, baka may magawa ako para mapagaan ang kaniyang pakiramdam.

Nakita ko ang masasamang tingin ng ilang estudyante sa paligid kay Clark. Ano bang nangyayari?

"Napaaway ka ba?" takhang tanong ko at bahagyang kinabahan.

"Nope." Saka siya ngumiti nang matamis at hinalikan ako sa noo.

"Moody ka talaga! Kanina lang parang ang lungkot mo ngayon ngumingiti ka diyan. Baliw!" Ani ko

"Sayo," tugon niya.

"Anong sayo?" Kunot-noong tanong ko. Ginulo niya ang buhok ko.

"Kahit kailan talaga, ang slow mo Lauren," aniya saka umiling-iling.

Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad kami patungo sa cafeteria. Slow? Hindi naman ako mabagal maglakad, ah?

"Kain tayo. Libre kita," aniya. Napangisi ako at tumango.

"Gusto ko 'yan, Clark!" I giggled.

He smiled and messed my hair.

*****

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon