Chapter 6

231K 7.2K 437
                                    

Lauren's POV

"Clark! Nooo! Let me go, Clark!"

Kahit madilim ang paligid, alam kong si Clark ang nasa ibabaw ko.

He keeps on kissing and sucking my skin from my jawline down to my neck. Binalikan niya ang labi ko. I fought to be freed pero malakas siya. He kissed me hungrily, sucked and bit my lips until it bled.

And suddenly, I felt him sipping my blood coming from my lips. At kitang kita ko sa kadiliman, his eyes turned into crimson red.

"Clark!"

Napabalikwas ako saka humihingal na tinignan ang paligid. Napahawak ako sa dibdib ko, napakabilis ng tibok nito.

Si Clark..

"No, it's just a dream. Clark will never hurt me and red-eyed creatures are not true," sambit ko.

Kung anu-ano na ang napapanaginipan ko. Matagal ko ng napanaginipan iyon, but this time na kilala ko na siya. My best friend. Kung sinasabi na sasaktan ako ni Clark, huh! That would never ever happen. Clark protects me, masyado ngang protective iyon. Galit na galit kapag nakakagat ako ng lamok.

Baka dahil ito sa pagbabasa ako. These past few days ay nahihilig ako sa pagbabasa, online. Nakawiwili iyong iba't-ibang mga genre. At dahil masyado ko nga dinaramdam ang pagbabasa, napapanaginipan ko na yata.

Tumayo ako saka lumabas ng kwarto. Marahan akong bumaba sa hagdan at agad na tumungo sa kusina para uminom ng tubig. I need to calm myself. Masyadong mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba at takot na nakuha ko sa panaginip.

I stiffened when I felt a warm air enveloped around my body. Parang niyakap ako nito. Pinilig ko ang ulo ko at nanatiling nakatayo. I suddenly felt secured and safe because of the warm air. Tinignan ko ang paligid, mag-isa na naman ako. Mama became busy these past few days kaya lagi akong mag-isa.

Pero hindi ko ramdam na mag-isa ako. At imbes na matakot ay pakiramdam ko pa ay ligtas ako.

I sighed and head my way back on my room.

Hinayaan kong nakabukas ang lamp at humiga nang marahan sa kama. Unti-unti akong hinila muli ng antok at napapikit.

Is it only an imagination? I think so. But I felt a warm thing touched my lips and I easily drifted to sleep.

I know it's weird to eat the food that was served on the table even if I don't even know who cooked it. Pero kinakain ko pa rin. Hindi ito masyadong masarap but I really love to eat it.

Nasanay na tuloy ako sa medyo kulang sa lasa na pagkain. Madalas ko na 'tong hinahanap-hanap sa kahit saan na naroon ako kapag sinumpong ako ng gutom.

Nakangiti akong kumain at madaling tinapos 'yon. Hinugasan ko muna ang mga ginamit ko bago umalis ng bahay.

I'm really curious. 'Yong mga nasa paligid ko ay masyadong abala. Mom, Clark, many students from Vlad Zacher University and even some staffs. Ano kayang ginagawa nila?

Si Clark, he's always busy. Marami ding mga excuse na estudyante sa 'di ko malamang dahilan. Samantalang ako, chill lang.

Why everything seems weird o ako lang ang paranoid? I shrugged before entering the University. Ang pagiging kuryuso ko ay nakuha ko na yata sa mga main characters sa mga mystery-thiller stories na nababasa ko. Some students bowed at me. Kaya napapakunot ang noo ko noon pero nasanay na rin ako. Baka tradisyon kapag maganda ang dumadaan, 'di ba? Hehe.

The class went well, agad akong tumalima nang mag-ring na ang bell so it means, break time na.

Clark texted, and after two days magkikita na muli kami. I'm really fond with Clark since he became my bestfriend since grade seven. Marami na rin kaming memories and many teased us na kami ang magkakatuluyan.

Pero tinatawanan lang namin sila. We are bestfriends. And being lovers may end our really good relationship.

Best friends can be lovers but once they are done, they can't bring back the relationship they had.

Walang assurance na kayo na hanggang sa huli. Masasayang ang pagkakaibigan niyo, kapag lumagpas kayo sa boundary. And wala rin naman akong nararamdaman para kay Clark na higit sa kaibigan. And for sure Clark feels the same.

Kumaway siya sa 'kin nang magtama ang paningin namin. Tumakbo ako saka niyakap siya nang mahigpit.

"You missed me that much, eh?" natatawang saad niya.

Humiwalay ako sa kanya nang kaunti saka hinampas siya sa braso.

"Oo naman, ang tagal natin 'di nagkita. 'Di mo ba ako na-miss?" nakangusong tanong ko.

Tumawa siya saka hinalikan ako sa noo.

"I missed you, of course. So bad," aniya saka muli akong niyakap.

"Saan ka ba galing?" tanong ko habang nakahawak sa braso niya.

"From nearby school," aniya.

At tila pinaparating niya na hindi na niya dudugtungan pa iyon. Kaya hindi na ako nagtanong.

Tumango ako and started to talk about random things. Naiintindihan ko kapag sinabing confidential. This school has many agendas. Secret agendas. Na mukhang ako lang yata ang hindi nakakaalam.

Nagulat ako nang biglang sinuntok ni Clark ang lalaki na kumausap sa 'kin. Tinatanong lang naman ako ng lalake about school matters but in my horror, Clark came with a fuming mad expression.

Pinigilan ko siya at hinawakan sa braso nang susugurin pa sana niya ang lalake. Halos pumalag pa siya. I can feel how tensed up his muscles are. Kinakabahan ako sa ekspresyon niya. Madidilim ang kaniyang singkit na mga mata at nagtagis ang panga. I can feel how mad he is.

"Why did you do that, Clark?" 'di makapaniwalang-tanong ko.

Hindi ako sanay na ganito siya. Hindi siya basta nakikipag-away at ito ang unang beses na nakita ko na ganito siya kagalit.

He cupped my face and stared at me intently. Gusto kong mainis sa kaniya pero 'di ko magawa dahil gusto ko siyang pakinggan.

"Damn, he likes you!" he growled. Kunot na kunot ang kaniyang noo.

Napailing ako saka kinurot siya sa ilong.

"Being protective best friend, eh?" ani ko.

Nawalan ng buhay ang kaninang galit niyang mata saka hinapit ako at niyakap nang mahigpit.

"Hell. I won't let anyone get you from me." bulong niya.

Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang sinabi at pilit siyang pinakalma.

Akala ko normal lang ang lahat kay Clark, but he became more possesive and over protective as day passes, lalo na nang dumating ang bagong estudyante.

*******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon