Third Person's POV
Hours, weeks, days and months have passed, but Lauren is still unconscious. And Austin Cali began to berserk. Natatakot na ang mga bampira at ang mga kasambahay sa kaharian. Madalas ay nabubuntunan na sila ng galit nito, but Austin always stop himself to kill even one of his servants lalo na at wala naman itong ginawang masama.
Pero nahihirapan na siya. Dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang gabi ng ritual kung saan isinagawa ang mating process at pagbago kay Lauren bilang isang bampira. And Lauren is still unconscious, not giving any sign. Hindi man lang ito gumalaw ni katiting. And Austin is scared. Dahil marami ang pumapasok sa isip niya. Paano kung hindi na ito magising pa? Paano kung hindi sila nagtagumpay? Paano kung hindi kayanin ni Lauren ang proseso?
"Be strong, my wife," bulong niya saka hinalikan ang malamig na kamay nito.
Nakahiga ito sa kamang may pinakamagandang disenyo sa lahat. Of course, Lauren is his Queen. And Lauren deserves the best among the best. Nakasuot ito ng magandang puting gown na may mga linya at disenyo ng ginto. Suot din nito ang kwintas. Ang kwintas na nagtatago ng tunay na bango ng kan'yang dugo.
"Can you do something for her to wake up?" saad ni Austin sa pagod na boses sa pinunong mangkukulam na nasa tabi niya.
"Patawad, mahal na hari. Ngunit wala akong magagawa para sa kan'ya. Kailangan lamang natin maghintay at hilingin na kayanin ng kan'yang katawan ang proseso," malungkot na sagot nito.
Napabuntong-hininga ang hari na si Austin. He's the king, he's the strongest and he is one of the most powerful among all but he can't do anything.
Wala siyang magawa kung hindi ang maghintay at umasa na magising ang kan'yang minamahal.
"Wife, please... Wake up now," pagsusumamo niya.
Umalpas ang mainit na likido mula sa mata niya. Habang lumilipas ang araw ay nanghihina siya at malapit na yata siyang mabaliw. Without Lauren, he feels hopeless, worthless, and useless.
Nami-miss niya ang tawa nito. Ang pag-ismid, ang pag-ngiti, ang pag-nguso tuwing nagtatampo, ang pagkunot ng noo sa tuwing naiinis o 'di kaya ay kapag curious sa isang bagay. Matagal na niya itong pinagmamasdan, mula pa no'n.
He suddenly thought that the turning process must not like that. 'Yong hindi na kailangang mapunta sa alanganin ang buhay ng asawa niya. Lauren is already his wife, because their bond already happened. Ngunit ipinapangako niya na bibigyan pa niya ito nang magarbong kasal.
"K-kamusta po ang reyna?"
Napatingin siya sa kaharap niya. Nakalimutan niyang nasa study room siya para basahin ang ilang mga papeles ukol sa kaharian. Nanghihinang ngumiti siya saka isinandal ang likod sa swivel chair.
"Still not awake," bulong niya.
Umalpas ang mga luha mula sa mata ng kaharap niya. Gano'n din sana siya, but he remained strong. Hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan. At kung magpapakita siya, sa harap lamang ng kan'yang reyna.
"Gigising pa siya Mahal na hari," determinado nitong saad.
Tinitigan niya ang tumayong magulang kay Lauren. Ang nagsilbing ina nito sa matagal na panahon. Siya ang nag-atas na mag-alaga dito. And she's also a vampire. Ang kanang kamay ng ina ni Austin.
"I know. She will," utas niya saka tumitig sa kawalan.
Alam niyang napamahal na ito sa reyna. Madali lamang mahalin si Lauren, and Austin fell for her for the first time he saw her. Unang segundong natitigan niya ang mata nito, bihag na ang puso niya. Naalala niya ang sandaling iyon. Unexpected.
"Kamahalan!"
Napatayo siya nang biglaan dahil sa sigaw na iyon. Madaling binuksan niya ang pinto at sinalubong ang humahangos na utusan.
"Ang r-reyna.." nauutal na wika nito.
Wala pang ilang segundo ay nawala siya sa pwesto at napunta sa kwarto na kinalalagakan ng reyna.
Pinapalibutan ang kama nito ng mga mangkukulam.
"Tabi." Dumagundong ang ma-otoridad niyang boses.
Nang mahawi ang mga ito ay nakita niya ang nanginginig na katawan ni Lauren. Agad niya itong nilapitan at hinawi ang buhok.
"W-wife.." bulong niya at natatakot na niyakap ito.
Malakas ang panginginig ng katawan nito. And he's afraid. He doesn't know what to do. He's scared as hell.
"Damn it. Do something!" sigaw niya na nagpatalon sa iilang mangkukulam na nasa loob.
Mabilis nilang nilapitan ang dalaga at nilagay ng pinuno ang palad sa noo ni Lauren habang nasa bisig ito ni Austin. May ibinubulong na salita ang iba pa samantalang naging puti ang lahat ng mata ng mangkukulam habang may ibinubulong na kung ano.
Austin can't do anything, he just kissed Lauren's hand repeatedly. Hinalikan niya ito sa pisngi saka ibinaon ang mukha sa leeg nito. Hindi siya mapalagay, natatakot siya.
Biglang tumigil ang panginginig. Tumabi ang mga witch, dahan-dahan niya itong tinignan. Pero walang nagbago, pikit pa rin ang mata nito. Napa-pikit siya nang mariin saka ibinaon ang mukha sa leeg nito. Nanghihina na siya.
Una ay dahil wala na ang init ng presensya ni Lauren, simula ng mangyari ang ritual. Second, dahil nagawa na ang mating process, tanging dugo na lang ng isa't-isa ang makakapatid ng uhaw nila. At huli, kinakain na ang sistema niya ng takot. Takot para sa mga posibilidad na baka hindi na makabalik si Lauren. But he needs to be strong.
"...minamaliit mo ba ako..." Natandaan niya ang sinabi ni Lauren ilang oras bago ang ritual.
Tama, sabi ni Lauren malakas siya. At alam niyang malakas nga ito. He knows that she'll survive. He's sure.
Matapos ang ilang sandali, maingat niyang inilapag ang malamig na katawan ng dalaga sa kama. Lumabas na rin ang mga mangkukulam. Matagal niyang pinagmasdan ito, saka tumayo. He leaned down and kissed her lips tulad ng nakagawian niya bago umalis. Kailangan niyang ikalma muli ang sarili, ayaw niyang mawala na naman sa sarili. And her lips can make him calm down kahit wala na itong buhay 'di tulad ng dati. Wala na ang init nito, ngunit nando'n pa rin ang epekto.
"Good night my Queen. I'll be back later. I'll finish all my work so once you wake up, I'd pour all of my time to you," malambing niyang saad saka hinalikan ito sa noo.
Bumuntong-hininga siya saka tumalikod at nagsimulang maglakad. He's hoping na pagbalik niya ay gising na ito. He hold the door knob and pulled it to open.
"Austin..." a husky and feminine voice filled his ear.
****
Supladdict<3
![](https://img.wattpad.com/cover/84532995-288-k610941.jpg)
BINABASA MO ANG
Being The Vampire King's Beloved
VampireHighest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the last drop. Fantasize her, I'll rip your head. And hurt her, I'll burn you into ashes." - Austin Cali B...