Chapter 45

112K 3.5K 1.1K
                                    

Lauren's POV

Natulala ako habang pinagmamasdan siya. Mas nakita ko na nang malapitan ang mukha niya. She's incredibly gorgeous. Her long gold hair is reaching her waist.

"Sasha.."

I glanced on Austin na halata ang kaba sa kan'yang mukha. Why hubby? Dahil baka malaman ko ang tungkol sa kan'ya?

Huminga ako nang malalim. Kahit anong meron sila sa nakaraan, tatanggapin ko. Just be honest this time hubby. I want your honesty. I want to know the truth. Tuluyan akong bumaling kay Austin. Napatingin din siya sa akin at pinagmamasdan ako. I saw how he swallowed hard.

"Hubby..." I softly called him. "Sino sya?"

Pilit kong nilunok ang bikig na nararamdaman ko sa lalamunan.

Tahip-tahip ang kaba na nararamdaman ko. Please Austin, just tell me the truth. Kahit kaunti lang, kahit sabihin mo lang na babae mo sya sa nakaraan. Don't make dumb excuses. Tapos saka ka na mag-explain. Kapag handa ka na. Gustong-gusto ko sabihin sa kan'ya iyon. At pinagdarasal ko rin na sana, h'wag syang magsinungaling.

"Wife, s-she's my..."

Halos hindi ako huminga habang hinihintay ang isasagot niya.

Please...

"She's my friend from Iscro."

Tumango ako at umiwas ng tingin. Nagsimulang mangilid ang mga luha ko.

Siguro mahirap kay Austin na sabihin iyon. Pero pwede namang sabihin na lang niya na ex , 'di ba? Atleast alam ko kahit papaano ay nagsasabi siya ng totoo. But a friend? A fucking friend? Then why the hell they kissed on the camp! Pinigil ko ang nagbabadyang luha.

Nakakapagod umiyak! Bwiset! Nasaan na ba 'yong masiyahing Lauren? Nasaan na ba 'yong carefree at tanging si Mama lang ang iniisip? Wala na! Nagsimula ang lahat ng tumuntong ako sa mundong ito. Pero kapag hinahanap ko ang pagsisisi sa puso ko wala akong mahanap at makapa. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko si Austin. Na minahal ko siya at kinababaliwan.

Hindi ako nagsisisi. Nasasaktan lang ako. Bakit kailangan pang may mga ganitong sitwasyon ang daraan sa aming dalawa? Hindi ba pwedeng kaagapay na lamang niya ako na pamunuan ang mundo ng mga bampira. Na magmahalan kami.

"R-really? U-uh..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam ko hindi ako nababagay rito. Well, hindi naman talaga! Tao lang naman ako.  A human that was converted into a vampire. Kaya hindi ako nababagay rito. Parang sinisira ko tuloy ang moment nila.

"Yes wife." Bumaling siya kay Sasha, "Why are you here?" tanong niya.

Tumikhim ang babae at sumulyap muna sa akin bago tumingin muli kay Austin.

"I want us to talk. We need to discuss something important. Alone," aniya.

I felt how Austin's grip on my waist loosened. Napalunok ako. Bakit ang simpleng kilos nya na iyon ay nagpasakit sa akin?

Pakiramdam ko ay anumang oras ay handa niya akong bitawan... pakawalan para kay Sasha.

"H-hubby, mamaya na muna 'yan. May sasabihin lang ako sa'yo."

Nanginginig ang daliri ko sa kaba. Gusto ko muna siyang dalhin sa kwarto at kung pwede ay itali na lamang siya roon. Natatakot ako na baka sa isang iglap ay wala na siya, at binawi na sa akin.

"Cali..." saad ni Sasha.

Gusto ko siyang tapunan ng matalim na tingin ngunit nanghihina ako. Parang unti-unting nauubos ang lakas ko.

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon