Chapter 1

177 4 0
                                    

( A/N : This is my first story kaya pagpasensyahan nalang ang mga wrong grammar or typos. And kindly vote or leave a comment at kung talagang mabait ka edi irrecommend mo din sa iba. Tehehe.)

* booogssh *

 Chirin: " Aray, Taena sino sumipa sakin? huh sino? "

Pikon na pikon ako sa kung sino mang bastos na sumipa sakin dahilan para malaglag ako sa kama. Tsk nakaka-inis kitang kulang na nga yung tao sa tulog tapos may istorbo pa. Masama pa naman lagi yung mood ko tuwing kulang ako sa tulog. Kaya kung sino man ang hinayupak na yun patay sakin. Grrr

Landlady: Aba't sinong minu-mura mu dyan hah?

Tuminingin ako sa nag-salita putsa parang nawala lahat ng antok ko sa katawan ng tumambad sakin ang muka ng isang balyena este ang landlady pala ng dorm na tinitirahan ko. Automatic akong ngumiti at bumangon. Binabawi ko na ang sinasabi kong yari sakin naggising sakin dahil ngayon sa itsura pa lang ni Aling betchay mukang ako ang papatayin.

Chirin: hehe gudmorning Aling betchay gusto nyo po muna bang mag-almusal muna?

Landlady: Kung makapang-alok ka parang may ipapakain ka. Hmmp.

Chirin: Buti alam nyo.

Landlady:: May binubulong-bulong ka ba dyan Chirin?

Chirin: Naku wala po ang sabi ko mas maganda ka pa po sa umaga. hehe

Landlady: Ewan ko sayo. Nagpunta ako dito para kunin ang bayad ng renta mo aba baka nakakalimutan mo 1 week ka ng delay sa pagbabayad.

Good payer naman ako sa totoo lang sadyang gipit lang talaga ako ngayon since hindi pako nakakahanap ng bagong trabaho pagkatapos kong matanggal dahil sa bwisit na lala-------

Landlady: Aba habang buhay ka na lang bang tutulala dyan baka gusto mong ora mismo palayasin kita.

Chirin: Wag nyo namang gawin yan aling betchay sadyang gipit lang talaga ako promise gagawa ako ng paraan para makabayad agad.

Landlady: Siguraduhin mo dahil kung hindi dun ka sa kangkungan pupulutin.

Pagkatapos akong pagbantaan ni Aling betchay ay umalis na din to agad. Pasalampak akong humiga sa kama. 3 years na din simula ng mamatay si mama sa sakit na cancer. Minsan iniisip ko kung bakit sa lahat ng taong pwedeng kuhanin ni Lord ay yung taong mabait at mapag-mahal pa bakit hindi nalang yung mga kurakot na pulitiko,mga rapist, mga kriminal bakit sya pa na nag-iisang nagmamahal sakin. Adopted child lang ako hindi ko man nakilala ni minsan ang tunay kong mga magulang at kahit makilala ko man sila hinding-hindi ko pa din iiwan si mama pero ako iniwan nya kahit alam kong hindi nya gusto. Simula noon nag-bago na ang buhay ko kug dati hindi ako pinapagawa ni mama ng mga gawaing bahay noong nasa poder pa ko ng kapatid ni mama ay ako ang halos gumagawa ng lahat. Alam kong hindi nila ako gusto at ang tingin nila sa akin ay isang sampid. Dahil underage pako wala pa akong access sa mga ari-ariang pinamana sakin at si Tita Carmen ang may hawak ng lahat. Naiinis ako dahil wala man lang akong magawa dahil lahat ng pinag-hirapan ni mama ay pinang-susugal lamang ni tita at ni abutan ako ng piso ay hindi nya man lang magawa lalong-lalo na ng pinalabas nya sa iba pa nilang mga kamag-anak na ako ang nagnanakaw ng mga alahas na pag-aari namin samantalalang nahuli ko syang isina-sanla ito sa pawnshop kaya ng hindi na ako nakatiis ay kusa na akong umalis. Sa una nahihirapan ako mag-adjast pero ng nasanay na din ay okey naman after all mas mabuti na ang mag-isa kesa makisama sa mga demonyong kagaya nila.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at agad dumeretso sa Cr. Saglit lang akong naligo at pagkatapos ay dumiretsyo na palabas ng dorm. Hindi dapat akong mag-aksaya ng oras kailangan kong makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.

love at first kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon