Chapter 4

10 1 0
                                    

Busit na babae yun kala mo kung sinong maganda pasalamat sya at nanalo kami kung hindi kukulotin ko yung buhok nya. Kainis eah sukat kaarte-arte ni walang ibang ginawa kung hindi magpa cute kay Erald at yung mata nako sarap dukutin. Pakshet kasi yung baklang yun sukat lagyan daw ba ng pampatulog yung kinakain ko ayun tuloy huli na ng malaman kong may pampatulog pala. Ewan lang ahh kung hindi lang talaga masamang pumatay ng bakla pinatay ko na yun bakit kasi hindi nalang ako pinanganak na solong anak o kahit kami lang ni kian hindi yung may kambal pa tong beking chakadol. Hmpp. Heto ako ngayon kailangang pakisamahan ang mga tao sa bahay na to buti nalang may kaibigan ako si Megan at si Chirin. Speaking of her asan na ba yun kanina ko pa hinahanap yun ahh,

“Arayy,,,,,Owwwww….Arayyyyy tama na please…. Ahhhhh..”

Napahinto ako ng may marinig akong di ka nais-nais. Inilapit ko yung tenga ko sa may pinto kung saan ko narinig yung boses. Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang sumunod na mga pangyayari. Hindi ako malisyosang tao pero kung ito ang maririnig ko ewan ko nalng kung hindi maging madumi utak nyo tehehe.

“ Hindi ba ginusto mo to, So better enjoy it.”

“ Tama na,,,, arayy.. awwww. Ayoko na. Nakakarami ka na ah ilang beses mo ng ginawa sakin to. Maawa ka naman oiiii. “

“ No way, Ikaw ang nagtulak na gawin ko ito kaya wala kang choice kung hindi magtiis.”

Kyahhh I can’t imagine na ganun pala ka-aggressive si Chirin my gosh sabi ko na nga ba eah may something sa kanya at dun sa Pierre na yun..Argg I can’t take it any longer alam kong masama tong gagawin ko pero hindi ko mapapayagan ang mga ganyang gawain lalo na kung may isang inosenteng napadaan sa isang Laundry Room???

“ Hiyahhhhhh…..” ubod lakas kong sinipa yung pinto.

“ What the Fu-----“ Napalingon ako kay Pierre na unti-unting bumabagsak sa sahig na mukang hilong talilong. Nagtataka akong napatingin kay Chirin yung itsura nya ay may hawak na detergent at puro bula nakaporma sya na animo ay mambabato.

“ Anong ginagawa mo dito Chenchen?”

“ Tehehe. Anu kasi----anu wala akala ko kasi---may ginagawa kayung kababalaghan dito eahh—tehehe”

“ Anong pinagsasasabi mo dyang kababalaghan hindi kana naman nakainom ng gamot mo anu.”

“ tehehe, ahh chirin buhay pa ba sya?” Ang tinutukoy ko ay si Pierre na walang malay na ang tanging naging kasalanan ay humarang sa pinto kaya ngayon ay may malaking bukol.

“ Ewan patay na siguro .. Buti nga sa kanya hahahaahah..”

\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

Gabing-gabi na at hindi pa din ako makatulog bakit kasi ayaw maalis sa sistema ko ng mokong na yun eah. Ewan ko ba at tawa ako ng tawa kanina ng pinagtutulungan naming buhatin ni Chenchen si Pierre palabas ng Laundry Room muka kasi syang litchon. Lalo na ng magising ito na masakit ang ulo at mayroong napakalaking bukol sa ulo kung bakit ba naman kasi padalos-dalos tong si Chenchen eah. Dahil nauuhaw ako ay naisipan kong bumaba muna sa dirty kitchen. Sumalubong sakin ang malakas na ihip ng hangin napayakap nalang ako sa sarili ko.Dahan-dahan kong binukas yung ref at since wala naman tao ay hindi na ako nag-abala pang buksan yung ilaw sapat lang ang dim na ilaw para makita ko ang paligid.Weird pero kinikilabutan ako sa di malamang kadahilanan. Pagkasarado ko ng Ref. ay parang slow motion kong nakakita ng isang babaeng nakaputi na may dugo sa labi sabog-sabog din ang mahaba nitong buhok na tumatabing sa muka nito. Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mata ko at ang pagkawala ng tili mula sa aking lalamunan.

“ Booooooohhh”

“ Kyahhhhhhhhhhhhh, layuan mo ako promise magiging mabait na ako hindi na po ako magpapakasama. Palagi na po akong magsisimba, hindi------------------“ Natigil ako sa pagsasalita ng biglang tumawa ang multo dahil duon ay dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

“ Pttfff,,. Hahahahah grabe ka naman dyan Chirin Epic yun ahh.. Pfttttt “

“ Eah Chen? “

“ Tomoh ahhhaa, priceless talaga grabe. *Boink * Aray makabatok wagas “

“ Taena ka talaga tinakot moko dun muntik nakong atakihin sa puso. Busett ka”

“ ahhhaa, anu ka ba exercise nga sa puso yun eah.”

“ Tsk. Anu ba kasing ginagawa mo gabing-gabi na ahh.”

“ Di ako makatulog eah kaya uminom nalang ako ng wine ng mapansin kong may ibang tao pala dito kaya—“

“kaya wala kang magawa sa buhay at tinakot mo ako. Putsa ka talaga pasalamat ka at hindi kita nasuntok kanina kung hindi laspag na yang muka mo”

“hehe to naman wag na kana magalit imbis na gatas yang iniinom mo oh heto mag-inom tayo ng wine para masaya.”

“ tsk. Puro ka talaga kalokohan.”

“ ohh aarte pa iinom din pala “

Hindi ko na namalayan ang oras basta ang alam ko puro kalokohan lang ang pinag-uusapan namin. Inom lang kami ng inom hanggang sa sumpungin ako ng antok.

\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

Sa wakas natapos na din ang one week na parusa samin. Hayy, ilang araw ko nang iniiwasan si Pierre basta kahit anung paraan ginawa kona ng hindi ko sya makausap ng matagal. Ilang beses nya ng sinimulang kausapin ako at tulad ng mga sandaling ito kung saan nasa isang tagong parte ng garden kami. Masyado kasi akong nabighani sa ganda ng garden na ito kaya hindi ko napansin na nakasunod na pala sya sakin.

“ Are you avoiding me?”

“ huh? Anung pinagsasasabi mo dyan?”

“ Come on don’t deny it.”

“ Ahh, Inosente ako hindi ko alam yang sinasabi mo at anu naman kung umiiwas ako aber?”

“ So, umiiwas ka nga,Tell me are you afraid.”

“ Takot? Takot dahil manyak ka o takot dahil muka kang halimaw”

“ Sa gwapo kong ito halimaw mga palusot nga naman.”

“ Heh, anu bang nilalagay mo sa muka mo at kumapal ata.”

“ Don’t try to change the topic. So tell me are you afraid of falling inlove with me.”

“ Ehem,, ehem, taray ahh, Inlove sayo? Okey ka lang ba o baka naman binentahan ka ng katol ni Chenchen at muka ka ding sabog huh?”

“ Bakit hindi ba totoo na kaya ka umiiwas sakin dahil natatakot ka na baka sa susunod hindi mo na mapigilan ang nararamdaman mo at magconfess ka na lang sakin.”

“ Bwisit ka, * sinusuntok ko sya sa dibdib nya * bakit ba ang yabang mo hah masyado kang bilib sa sarili mo. FYI hinding-hindi ako maiinlove sa kagaya mo kahit na anu pa ang gawin mo.”

“ Fine then let’s see kung totoo nga ang sinasabi mo.”

“ Anong ibig mong sabihing bwisit ka?

“ I’ll do everything para magconfess ka sa akin and when that time comes I will make sure na maaalala mo lahat ng sinabi mo ngayon.”

“ Tsk. Asa ka pa.”

Iniwan nya akong nangigigil sa garden. Buset na lalaki na yun masyado akong hina-highblood grrr. Kung hindi lang masamang pumatay ng gwapo aiiii nako pinatay ko na sya.

love at first kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon