Letters From Mr. Genius #22

2.8K 91 44
                                    

Chapter 22

Zee

It keeps on bothering me. Yes, yung sinabi ni Nik sa akin, buong araw akong nasa bahay at hindi lumabas at ni isang segundo hindi naalis sa isip ko yung sinabi niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umikot sa kama. I finally stood up from bed ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

I dialed Mom's number  pero hindi niya sinasagot, busy siguro sa trabaho, ganun din si Dad. Binuksan ko ang pinto ng kwarto saka naglakad pababa diretso sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Ya, adyan ba si Nik?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay.

"Opo, hindi naman po lumabas ngayong araw." Sagot niya sa akin, tumango ako.

"Galit parin ba siya?" tanong ko, tinignan niya ako na nakakunot ang noo.

"Hindi ko po alam Ma'am eh." Sagot niya, ngumiti na lang ako saglit.

Huminga ako ng malalim saka naglakad papunta sa may pool area. I grabbed my phone and texted Nik.

Znela: Can we talk?

Pero binasa niya lang yun at hindi nagreply.

Znela: Look, I'm really sorry. How can I make it up to you?

Tanong ko ulit pero panay seen lang ang nakikita ko.

Znela: Dalawa na lang tayo, you're my only brother and I don't want to fight with you. Come on Nik!

At doon ko nakita ang pagsisimula niyang magtype.

Nik: Can you still say that even after you've learned everything?

Kumunot ang noo ko.

Znela: Huh? Look, if you have something to say, just say it! Alam mo bang kanina ko pa pilit na iniintindi ang mga sinasabi mo pero hindi ko talaga maintindihan!

Tumayo ako saka dumiretso papunta sa kwarto niya. Kinatok ko iyon, alam kong nasa loob siya!

"OPEN THIS DOOR!" utos ko pero wala akong narinig mula sa loob. "OPEN THIS OR KUKUNIN KO YUNG DUPLICATE KEY AT-" natigil ako sa pagsigaw ng biglang bumukas iyon.

"WHAT?" bungad niya sa akin

"Let's talk Nik."

"Wala tayong dapat pag usapan." Maikli niyang sagot sa akin.

"Meron. I know meron. Tell me!"

"Tell you? Tch!" ngisi niya "Ayokong sa akin manggagaling ang lahat. Besides, ayaw kong sumawsaw sa drama niyong magpamilya!" saka niya ako tinalikuran. Nakita ko na hawak niya ang susi sa kotse niya, hinila ko ang braso niya but he pulled it back.

Nik is a good kid. Sometimes he is sweet to me but most of the times nag ta tantrums siya tulad ngayon.

Mabilis siyang naglalakad pababa ng hagdan kaya hinabol ko siya.

"Nik! NIK!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin "TELL ME- AHHHH!" napasigaw na lang ako matapos kong madulas ng hagdan. Narinig ko ang pagsigaw ng mga kasambahay, ganun na rin ang pagtakbo pabalik sa akin ni Nik.

My vision went blurry, ganun din ang pandinig ko. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kaunting dugo mula sa noo ko.

"Ate? Ate?" sunod sunod na sabi ni Nik.

I was looking at him pero hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi niya and what made me curious is, every time I close my eyes, I see some unfamiliar memories.

Memories that I've lost, perhaps?

Naramdaman ko ang pagpunas nila sa dugo mula sa noo ko pero hindi parin ako makapagsalita. I felt dizzy, para akong inalog. I can't stand and respond to their questions. Binuhat ako ni Nik papasok ng sasakyan and the next thing I know, nasa ospital na ako.

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon