Letter #5

8.4K 235 21
                                    

Chapter 5

Znela

"Yan kasi, lagi kong sinasabi sa iyo na matulog at magpahinga ka naman, parang ikaw na rin ang nagtratrabaho ng buong accounting department ng company niyo kung makapag-aral ka eh!"

Sermon sa akin ni Sam matapos umalis sa harap namin yung school doctor. Tinanong niya ako kung gaano kasakit ang ulo ko at sinabi ko naman na normal na sa akin ang ganito. He told me to rest at ito nga sa sermon naman ni Sam ako nabibingi!

"Sabi ko naman sa iyo, isang inom ko lang ito ng gamot!" sagot ko matapos siyang magtatalak sa akin, I smiled saka hinawakan ang kamay niya "Thanks for the concern Sam..."

"Naku Zee, kung hindi lang kita mahal matagal ko ng sinukuan ang tigas ng ulo mo!" saka siya naupo sa harap ko, inabot niya ang isang energy drink saka kinuha ang gamot ko sa may bag. Uminom na rin ako agad "Ihahatid na kita sa bed mo, pahinga ka muna dito, wag kang aalis, babalikan kita after class!" tumango na lang ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim matapos tignan ang buong school clinic, buti nga dito ako dinala ni Sam hindi doon sa hospital na nasa kabilang building lang din namin. Inalalayan niya akong makatayo saka nilihis yung curtain para makahiga na ako sa kama. Bumeso siya saka umalis na rin. I took a deep breath saka pumikit at inihiga na ang buong katawan. Sobrang sakit ng ulo ko kanina pero unti-unti na ring nawawala iyon ngayon dahil sa gamot.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Sam kanina "Aba, pakialam ko ba kung may bago nanaman siya!" salita kong mag-isa ng biglang may kumalabog sa kabilang curtain, umupo ako saka nilihis iyon, laking gulat ko kung sino ang andoon habang pinupulot ang cellphone niyang nahulog "ANONG GINAGAWA MO DITO?" sigaw ko at biglang kumirot ulit ng ulo ko, sinapo ko iyon agad saka nahiga ulit. Argh! Nakakainis naman!

"Anong nangyayari sa iyo?" tanong niya habang tinitignan ako "May sakit ka ba?"

"Malamang! Kaya nga andito ako eh!" sagot ko saka siya inirapan.

"Ahhh!" sagot niya saka nahiga ulit.

"I-Ikaw bakit kaba andito at nag-iingay?" tanong ko naman "May sakit ka rin ba?"

"Wala!" prente niyang sagot "Inaantok ako eh, dito lang naman may malambot na higaan!" saka siya ngumiti sa akin "Gutom ka ba? Gusto mo bili kita food?" tanong niya pero inirapan ko lang siya, kung hindi naman dahil sa iyo hindi ako mapupunta dito eh! Nakakasakit ka naman ng ulo kasi!

"Busog ako!" sagot ko saka humiga ng patagilid

"Sungit..." rinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin. Ilang minuto rin ang nagdaan at walang kumibo sa aming dalawa. I took several deep breaths at wala na rin ang sakit ng ulo ko, well sort of! I cleared my throat ng maramdaman ko ang paglapit niya sa bed ko.

"Di kaba papasok?" tanong niya, nilingon ko siya, nakatingin siya sa wristwatch niya bago sumulyap sa akin.

"B-Bakit?" tanong ko saka kumunot ang noo

"Eh mag ta-time na eh, hindi ka papasok?" ulit niya

"H-Hindi na siguro..." sagot ko saka umayos ng upo, I brushed my hair using my fingers at narinig ko ang paghiga niya ulit sa clinic bed "I-Ikaw, hindi ka papasok?" tanong ko naman

"Hindi na, di ka naman papasok eh!" sagot niya saka ako kinindatan, biglang nagwala ang puso ko matapos iyon, pasimple kong kinabog yun, bwiset kung natuturuan lang ang pusong wag mag-react matagal ko ng ginawa!

"Pumasok kana, ayaw kong may maingay, magpapahinga ako!" pataray kong sabi saka siya tinignan ng matalim.

"Ayaw ko nga, di naman ako nag-iingay eh, ikaw nga dyan tanong ng tanong sa akin eh!" sagot niya, ABA'T!

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon