Letter #9

7.8K 211 21
                                    

Chapter 9

Znela

Tumigil kami sa harap ng malaking pinto at inantay na magbukas iyon. May sumalubong sa aming dalawang katulong na naka-suot ng maid's uniform, they both greeted us na bahagya pang yumuko, ngumiti si Terrence saka niya inabot ang hawak na helmet at bag sa kanila, napatingin sa akin ang isang katulong saka nilahad ang kamay para kunin rin ang dala-dala ko.

Pumayag ako na dito mag-aral sa bahay nila dahil magagalit si Mommy kung malalaman niyang nagdala ako ng ibang tao sa bahay. Nilibot ng mga mata ko ang malaki nilang bahay, napako ang tingin ko sa malaking portrait na nakasabit sa wall saka dahan-dahang napangiti. Ang ganda-ganda kasi ni Mrs. Villaflor, wedding photo nila yun, ang gwapo gwapo rin ng kuya ni Terrence lalo na't kitang-kita sa ngiti at mga mata niya na mahal nga niya ang asawa.

"Seems like a perfect couple, eh?" rinig kong sabi ni Terrence mula sa likuran ko ng mapansin niya na nakatitig ako doon. Sobrang laki nun, kasing tangkad ata ni Terrence ang haba at detailed masyado, napakaganda ng pagkakagawa. Kitang-kita ang detalye ng suot na wedding gown ni Mrs Villaflor, pati ang amo ng mukha niya kuhang-kuha din.

"They're so good to look at together..." mahina pero alam kong rinig ni Terrence.

"Ilang beses kong pinatanggal yan dyan, alam mo ba?" napatingin ako sa kanya ng maglakad siya at tumigil sa tabi ko "I was so jealous, ilang araw rin akong nagkulong sa kwarto at di kumain lalo ng nung nalaman kong buntis na si Ate..." hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa sinabi niya, tama bang pagpantasyahan niy ang asawa ng kapatid niya?

"Hanggang ngayon ba?" I asked him at napatingin siya sa akin, he smiled na parang nakakaloko at hindi sumagot "Nakakadiri ka!" singhal ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas.

"I'll be upstairs, aantayin na lang kita!" sabi niya sa akin saka naglakad na pataas. Napalingon ako sa paligid. Sobrang laki ng bahay, malaki rin yung amin pero mas malaki ito.

May eleganteng chandelier na nakasabit sa gitna at mapapatitig ka talaga dahil sa ganda nun, yung bahay nila very classical ang dating, parang nasa loob ka ng eleganteng mansion, malayung-malayo sa modern design na bahay namin. Yung aura ng bahay para kang dadalhin sa isang certain time in history, mala-spanish era ang dating, lahat in proper place, elegante at parang mamahalin.

Yung shade ng light sa buong bahay ay very relaxing sa mata, yung dalawang hagdan nila na pa-ellipse ang shape ay matatagpuan sa gitna ng bahay, parang setting sa isang pelikula ang bahay na ito, yung tipong mga senyorito at senyorita sa isang hacienda ang nakatira.

"How can I help you?" nabigla ako ng may nagsalita mula sa likod ko. I was mesmerized with the simple yet overwhelming beauty I saw standing infront of me, dahan-dahan siyang ngumiti at para siyang prinsesa dahil sa suot niyang free-flowing dress na kulay powder pink.

"Is Terrence with you?" tanong niya pa at para akong tinakbuhan ng sarili kong dila matapos mapatitig sa mukha niya, grabe! Grabe talaga! Napatingin ako sa portrait nilang mag-asawa at para akong namamalikmata!

She didn't even change after ten years! Napakaganda at napakabata parin niyang tignan! Kung ano ang itsura niya nung kinasal sila parang nadagdagan lang ng two years ang edad niya ngayong nakatayo siya sa harap ko!

"A-Ah I'm sorry, hindi mo ba ako kilala? I'm Terrence's sister, Maria Corazon Alfonso-Villaflor!" saka niya nilahad sa akin ang mala-kandela niyang kamay, ang ganda at ang lambot!

Kaya naman pala ganun kaganda si Rio at napaka-gwapo ni Rylle, sobrang ganda ng mommy nila at sure ako na ganun din sa personal ang daddy nila!

Letters To Mr. Genius (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon