Namimilog ang mga mata ni Pisyang,namamangha ito habang pinapasadahan ng tingin ang malaking bahay. Magarbo at detalyado. Halatang pinag-isipan ng maige ang disenyo. Hindi nya napigil ang sariling hawakan ang nakaukit sa entrada ng malapad na pintuan nung mapagmasdan ito sa malapitan.
"Nagustuhan mo ba?"
Dahan-dahang pumanaog sa hagdanan si Ute upang salubungin ang mga bisita.
"Dito na kayo titira." ang sabi ng makalapit sa babae at kinarga ang batang lalaki na katabi nito.
"Ang bigat ah,malaking bulas din ito. Mana kay pare!"
Napansin nya ang tila pagkalungkot ng biglang malukot ang magandang mukha ni Pisyang. Tinapik nya ang balikat nito't iginiya papasok. "Wag ka'ng mag-alala,nangako ako kay pare na hindi ko kayo pababayaan."
BINABASA MO ANG
E.J.K.
Short StoryIsang hindi naman masyadong komplikado na kwento ng madugong pag-ibig at kalandian.