Ute at Islaw

78 4 0
                                    


"Iwan mo na ako!!"

Nilingon ko si Islaw,pilit na inaaninag ang kanyang kalagayan sa madilim at masukal na aming nasu-utan. Nakangiwi ito habang sapo-sapo ang kanyang tagiliran. Sumubok tumayo ngunit natumba.

"Tara pare,dali!!"

Nakulapol ng malagkit at maligamgam na likido ang aking palad nang alalayan ko itong tumayo. Papalapit ng papalapit ang nadidinig ko'ng yabag at halos tila isinisigaw lamang sa aking tainga ang kahulan ng mga aso sa may di-kalayuan. Parang magigiba ang aking dibdib mula sa hingal at kaba,ang lakas ng kabog nito at uhaw na uhaw. Pilit akong lumulunok ngunit said sa laway ang bibig. Malayo-layo na din ang aming natakbo at pakiramdam ko ay ako'y mahihimatay. Basang basa ang buong katawan ko sa pawis. Naghalo ang dugo at luha ng tangkain ko'ng ipunas ang laylayan ng kamiseta sa aking mukha. Lumanit ito sa aking labi,nalasahan ko ang naka-ambang peligro na sa isang iglap lang ay hindi ko alam kung paano kinasangkutan. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Hindi ko malaman ang gagawin,kung alin ang tama at mali o kung anong halaga ng alinman sa mga ito.

"Putang-ina!!! Iwan mo na sabi a-koo!"

E.J.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon