Si Ute,si Pisyang at Islaw. Balik-tanaw por syort!

51 3 0
                                    


Magkababata si Ute at Pisyang. Sa isang maliit na bayan,sa probinsya ng Batangas ay sabay silang nagkaisip at lumaki. Sa iisang tambayan nagpapalipas ng maghapong paglalaro. Iisang paboritong pagkain. Iisang hilig at gusto. Sabay din nilang nilikha ang isang munting pangarap,isang ambisyong bunga ng musmos na imahinasyon,ang lumipad. Hawakan ang mga tala, magtatakbo sa ibabaw ng ulap at maglakad sa buwan. Kalagitnaan sa ikalawang taon ng elementarya,biglang dumating sa kanilang lugar si Islaw at ang kanyang ina. Sila lang dalawa at isang gusgusing tuta ang tanging dala ng tumira ang mga ito sa naiwang bahay ng namatay na lolo ni Islaw. Patpatin ngunit maputi at gwapo ang batang si Islaw. Sam-buong dipang kasalungat sa kulay ng kanyang inang pumuputi lamang pagkatapos maligo at ang bilugang mukha ay wangis ng espasol na pinagulong sa isang bandehadong harina. Madalas itong ngumunguya ng babol-gam at tila puputok ang makapal na nguso nitong pulam-pula kahit babagong silay ang umaga. Nabuntis daw ng amerikano ang nanay ni Islaw,pagerper ang ginang sa Ermita,tinanong ni Ute ang ibig sabihin ng pagerper sa ina,imbes na sagot ay kurot ang inabot nya. Madalas niya kasi itong madinig sa mga nanunuksong kalaro. "Islaw anak araw! Pagerper si nanay!" Dalawang taon ang tanda ni Islaw sa kanila ni Pisyang,ngunit dahil mabait naman ito at makwentong kasama,naging kaibigan na din nila ito't nakapalagayan ng loob.

Bata pa lang si Ute ay dama na niya ang pagtangi ng puso sa kaibigang si Pisyang. Hindi nga lang maamin sa kababata ang nadarama,kapatid kasi ang turing ni Pisyang sa kanya. Malapit na silang magtapos sa hay-iskul ng kanyang matiyak na hindi lamang isang simpleng paghanga ang nararamdaman. Ilang magdamag siyang nag-ipon ng lakas ng loob upang magtapat. Ngunit nahuli na ang lahat.

"Nagtanan si Simplicia at Estanislao!"

Lumilipad sa kawalan ang isipan ni Jose habang kinakausap ng mga magulang ni Pisyang. Tinatanong kung may nalalaman daw ba siya sa relasyon ng mga ito. Bawat katanungang patungkol sa pag-iibigan ng dalawa'y tila matulis na punyal na isinisibat sa sugatan niyang puso. Ramdam na ramdam ni Ute ang kirot at hapdi. Ang sakit na dulot ng pagkabigo. Ang panghihinayang.

Ngunit pinilit nyang ngumiti kahit napapaiyak. Kaya pala parang nagbago ang lahat. Hindi nga lang nya binigyan ng malisya ang pagkakalapit ng dalawa dahil sadya namang magiliw si Pisyang,maging sa kanya. Tinanggap niya ng maluag sa dibdib ang naganap. Kaibigan nya si Islaw at nababatid nyang mabuting tao ito,alam niyang hindi nito pababayaan si Pisyang. Tatlong taon ang lumipas ngunit madalas ay naiisip pa din niya ang mga ito. Si Islaw.. Si Pisyang.. At ang ang pag-ibig nyang ukol dito na hindi nagawang pawiin ng panahon. Mahal pa din nya si Pisyang,sa kabila ng lahat. Kung kaya't hindi sya nagdalawang isip nang isang araw,ay makatanggap ng hindi inaasahang tawag.

"Ute,si Islaw ito. Kailangang kailangan ko ang tulong mo."

E.J.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon