Ang mga bida at kontra-bida sa eksenang palagi mo'ng napapanood sa pelikula.

52 3 1
                                    


Tandaan nyo,dating gawi. Malinis!! Mauuna na ako sa presinto,mahirap na. Paplantsahin ko na anuman ang dapat plantsahin duon!" tila batas at may diin ang utos ng matabang alaki na sumungaw lang sa bahagyang nakababang bintana ng sinasakyan.

"Yes sir,areglado!" sumaludo pa ang tatlong lalaking armado ng baril nang mag-umpisang umandar ang sasakyan.

"Putang-ina!! Natunugan ata tayo. Sa likod,tignan nyo baka may lusutan sa likod!! Habulin nyooo! Tang-ina!!" nang-gagalaite sa galit ang lalaking unipormadong pampulis,labas ang gilagid at halos pumutok ang litid sa leeg pagkatapos maghihiyaw.

"Takbo pre,bilis!!"

"Iwan mo na ako,hindi ko na ka-yaa!"

Nilingon ni Ute si Islaw,ngumingiwi ito habang sapo-sapo ang sugat na dulot ng tama ng baril sa tagiliran. Nakulapol ng malagkit at maligamgam na likido ang palad ni Ute ng alalayan nya itong tumayo.

"Putang-ina iwan mo na sabi a-kooo!!"

Papalapit ng papalapit ang nadidinig ni Ute na kalabugan ng nagtatakbuhan,maging ang kahol ng mga aso sa hindi-kalayuan ay tila isinisigaw lang direkta sa kanyang tainga. Parang magigiba ang kanyang dibdib sa paghingal at kaba. Ang lakas ng kabog nito at siya'y nauuhaw. Malayo-layo na din ang kanilang natakbo at sa pakiwari nya'y para syang mahihimatay. Tagaktak ang pawis sa kanyang likod at tuyong tuyo sa laway ang bibig. Pinipilit niyang lumunok ngunit parang siya'y nabubulunan. Ipinunas nya ang laylayan ng kamiseta sa kanyang mukha. Naghalo ang dugo at luha. Damang-dama nya ang napasok na peligro at hindi nya malaman ang gagawin.

"I-wan mo na a-kooo!! Kunin mo itong pera. Sa bulsa ng bag ay may papel,nakasulat duon kung saan mo matatagpuan ang mag-ina ko. Ikaw na ang bahala sa kanila." naghahabol sa hininga ngunit malinaw na bilin ni Islaw. Nanghihina na ito dahil sa pagod at napakaraming nawalang dugo mula sa katawan. Sinusubukan niyang labanan ang antok,ngunit kusa nang sumasara ang kanyang mga mata.

"Gamitin mo ang pe-raa. Bigyan mo ng magadang buhay ang mag-ina ko. Nababatid ko'ng mahal mo si Pisyang, Ute wag mo silang pa-baba-yaan."

Walang nagawa si Ute kundi ang tumayo,dala ang pera'y nagmamadaling tumakbo papalayo. Ayaw niyang iwan si Islaw,ngunit ayaw nya din'g mamatay. Malaki pa kesa sa sariling katawan ang nadarama niyang takot at pangamba,na sa buong buhay nya'y hindi inakalang mararanasan. Kakaiba ang hatak ng napipintong kamatayan,hindi na siya nakapag-isip kung tama ba ang desisyon.

Bahala na.

Gumagapang si Islaw sa maputik na talahiban ng abutan ng dalawa sa tatlong armadong kalalakihan. Umulan ng araw na iyon. Ang maliit na tila hukay at lubak sa lupa ay may tumining na tubig-baha.

"Sige gapang kolokoy!! Bwahaha hihi!! Ang lakas naman ng loob mo bata!! Ha!! Puking-ina ka,anong akala mo, matatakasan mo kame ha?!"

Sinabunutan si Islaw ng isa sa lalaki at iningudngod ang kanyang mukha sa lupa,habang walang kalaban-labang nakadapa at nanghihina. Kumaskas ang namamanhid nyang mukha sa naglalatiting buhangin at maliliit na bato. Malaki ang kamaong gigil na sumakmal sa kanyang ulo,matigas at may kalyo. Sa hinuha nya'y madami na itong pinadugong nguso sa suntukan. Umisod ito't naupo sa kanyang ulunan.

"Nasaan ang pera?!" tanong nito kay Islaw. Nakangisi at tila dyablong nang-aasar.

"Hindi ko alam ang sinasabi nyoooo!!" nanginginig ang mga labing sagot ni Islaw. Ramdam nya ang nalalapit na kamatayan ngunit naihanda na niya ang sarili dito,alam nyang hindi na sya magtatagal. Kung maari nga'y siya pa mismo ang bumaril sa sentido at ng matapos na ang paghihirap na kanyang nararadaman. Pumikit sya't ang magandang mukha ni Pisyang ang kanyang nakita. Ngunit agad din itong naglaho sa nagdidilim na paningin. Dahil bigla siyang napadilat.

"Arggghh!"

Bulwang ang bibig at dumaloy ang dugo sa magkabilang butas ng ilong ni Islaw, nang tumama sa kanyang mukha ang pinakawalang sipa ng isa sa lalaking kanina'y abala lang sa pagtipa sa kanyang telepono. Muli syang sinabunutan ng lalaki sa ulunan at itinaas ang mukha nyang duguan.

"Wag na kasi tayong maggaguhan dito!! Sabihin mo na kung nasan ang pera!!"

Hindi pa man nakasasagot ay ingunodngod nitong muli ang mukha ni Islaw sa putikan.

"Hin-de-ee ko ta-la-gaaa a-lamm!!"

"Matigas ka ha!!"

Isang malakas na sipa sa noo,at tuluyang nawalan ng ulirat si Islaw.

"Psst! Tama na yan!" senyas ng isang kanina pa tila may kausap sa telepono.

"Hello sir,negative. Items lang ang nandito!!"

Hindi na kailangang umimik ng nasa kabilang linya upang madama nyang dismayado ito. Agad naputol ang tawag. Wala man'g sinabi kahit isang salita ang tinawagan,batid ng lalaki kung ano ang nararapat niyang gawin.

"Ayusin nyo na yan,baka may maligaw pang miron." utos ng ikatlong lalaki at naunang bumalik sa naghihintay na sasakyan sa labasan. Bitbit ang isang bag.

E.J.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon