Dinatnan ni Ute si Islaw sa lugar na napag-usapan nila sa telepono. Nahihiwagaan man at nalilito,agad syang tumalima sa hinihinging pabor nito sa kanya. Nais niyang makamusta ang kaibigan. At syempre.. Nasasabik syang makitang muli ang kababatang si Pisyang.
Nakaupong palu-page sa isang luma at animo'y abandonadong bahay si Islaw,madilim at mabigat ang itsura't kung kaya't kinamusta na lamang nya ito imbes na itanong kung nasaan si Pisyang. Ngumiti lamang ito ng bahagya at inalok siyang tumagay sa hawak-hawak na bote ng alak at baso na magalang naman nyang tinanggihan. Makaraang lagukin ang laman ng baso ay nagsimulang magkwento si Islaw.
"Pasensya ka na,wala akong maisip na lapitan. Alam ko'ng ikaw lang ang makakaintindi sa akin,di ba?"
Tumango si Ute. Pilit hinahagilap sa mukha ng kaharap ang kung anumang bagay na nagpapabigat sa kalooban nito,
"Napanuod mo sa balita 'yung nangyari kay Mrs.Hong? Iyong negosyanteng intsik,drayber ako nuon. At hindi totoong nagpaputok kame sa checkpoint dyusko! Ni hindi nga namin alam na may checkpoint pala dun ang mga putang-ina! Mabuti na lamang at nagawa ko'ng makatakas. Nasa pinakahuli kasi ng convoy ang minamaneho ko'ng sasakyan. Patay na si Mrs.Hong! At malamang... Ako na ang susunod. Mamaya.. Bukas... Hindi ko alam! Puking-ina dahil dito!!"
Tumayo si Islaw at lumapit sa dalawang may kalakihang bag na nakapatong sa lamesa. Binuksan nya ang mga ito at ipinakita kay Ute ang laman. Bandel-bandel na kwarta at sangkaterbang tawas na nakabalot ng maganda sa bulto-bultong pakete ng plastik.
"Hindi tawas yan!!" paglilinaw ni Islaw.
"Alam ko,hindi ako tanga" tugon ni Ute "Araw-araw 'yang laman ng balita sa tv at dyaryo. Bakit mo pinasok ang gan-to Islaw?!!"
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Islaw at bumuga. Pagkatapos ay isinabunot ang mga kamay sa kanyang ulo.
"Hindi ko naman alam na druglord yan'g si Mrs.Hong,may matino namang negosyo! Ano ba'ng malay ko na front lang pala nya ang putragis na gasolinahan sa Marcela. Drayber lang naman ako,kahit minsan ay hindi ako nagbenta. Maganda pati ang sweldo,malaking bagay para sa mag-ina ko."
Mag-ina ko.. Malinaw pa sa aandap-andap na bumbilya ang huling kataga sa tinuran ni Islaw.
Kahit hindi nakainom ay pinamulahan ang kanyang mukha. Pakiramdam ni Ute'y nanariwa ang sakit ng nadama nyang pagkabigo noon. Ngunit hindi siya nagpahalata.
"Buntis si Pisyang noon,kaya ipinasya naming magtanan na lang. Nangangamba akong baka ipalaglag ng mga magulang ni Pisyang ang bata. Mahal namin ang isa't isa Ute ngunit hindi naman namin inaasahang magbubunga kaagad ang aming kapusukan. Nag-iipon nga ako,at kayod kalabaw. Ibig ko sanang pakasalan si Pisyang,at iparehistro sa apelyedo ko ang bata."
Pinilit na lang ngumiti at tumango ni Ute.
"Yan ay kung maliligtasan ko ito." itinaas ni Islaw ang suot na jacket at itinuro kay Ute ang dumurugong tagiliran.
BINABASA MO ANG
E.J.K.
Short StoryIsang hindi naman masyadong komplikado na kwento ng madugong pag-ibig at kalandian.