Chapter 1: Cub

156 10 2
                                    

I was in my third grade when I prove to myself that I am not just that some kind of misfortunate kid. Why misfortunate? I have no parents. Wala akong may kinikilalang ama at ina maliban kina nanay at tatay na siyang mga lolo at lola ko. Mga magulang ni mama. Sabi nila, patay na raw ang mama nang wala pa akong muwang sa mundo.

Before my mom died, she had a chance to give me a name. She, then decided and named me-Kervin. Tunog kerubin daw. Batang anghel.

Hindi rin daw nila kilala nina nanay at tatay ang ama ko dahil one day, bigla na lang nagpakita sa kanila ang biological mom ko na nagdadalang-tao na. Walang choice sina nanay at tatay kundi tanggapin kami nang buo ng biological mom ko.

Tinanggap nga ba nang buo?

That, I don't know.

Madalas na nahuhuli kong masama ang tingin ni tatay sa akin at minsanang nahuli ko sila ni nanay na nagtatalo tungkol sa tunay kong pagkatao.

Despite sa nararamdaman kong pagkukulang sa atensyon at pagmamahal, si nanay ang nagtaguyod ng pag-aaral ko mula sa kakaramput na kinikita ni tatay sa bukirin. Liblib ang probinsyang tinitirahan namin but education was not that limited and it helped me a lot.

Back to the story when I was in grade three. Since I was baptized and considered a member of Roman Catholic Church, I had to go through first communion. Upon receiving God's body in the ceremony proper, there was a part of me who seemed to oppose and suddenly, I fainted. Nanay said I was rushed to the hospital but immediately discharged after a couple of hours. I was psychologically and emotionally abused. Psychological dahil madalas akong napapaisip at madalas kong nararamdaman na maging ang mga kapitbahay ko'y pinangingilagan ako. In fact, wala akong may maituturing na kaibigan sa pook nina nanay.

Maliban sa sikolohikal at emosyonal na abuso, sa tingin ko ay nawalan ako ng spiritwal na parte sa buhay ko. Ang Diyos na kinilala ko sa murang edad ay parang ayaw rin sa akin. Marahil ay hanggang dinig lang siya sa akin at hindi ko pa siya nakakasalamuha dahil malayo ang simbahan sa amin kaya hindi kami nakakapagsimba nang ganun ganun lang. Meron naman kaming altar. I also participated during those times na nagro-rosaryo si nanay. But those feelings na naramdaman ko sa pagkakalapat ng ostia sa bibig ko, uminit at parang umusok ang kaloob-looban ko.

Kantao: The Half BreedsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon