Chapter 2: Mona

75 10 4
                                    

     Am I really a son of a demon?

     But my mom—my mom named me after the likes of an angel.

     Was this the reason behind why she named me after that? To compensate the sins instilled within me?

     Also, can I really deceive a less-spirited person?

     Bring harm to them? Like, I can kill them if I want to?

     Paano? I need to have an answer.
I need to confront nanay and tatay bago pa mahuli ang lahat.

     Naguguluhan na ako sa nangyayari at kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko nang maalala ang nakaraan matapos dumaan sa eskinitang bahagi ng simbahan na ito. Hindi ko na namamalayan ang binabagtas kong daan pauwi.

     Kung hindi lang sana nagdeklara ng tigil-pasada ang asusasyon ng magmomotor dito eh ‘di siguro ay nakasakay na ako ng habal-habal at nakauwi na sa amin.

     Pinili kong pumagilid pa nang mas malayo-layo sa gilid ng kalsada. Ewan at hindi talaga ako sanay na  maging sentro ng atensyon. Lalo pa at ako’y nakapatay nang hindi sinsadya. Ako nga ba talaga ang may gawa no’n?

     Sa kaiisip ng mga pangyayari kanina, napapansin kong papasok na ako sa kakahuyan ngunit kibit-balikat pa rin akong nagpatuloy sa paglalakad dahil nasusundan pa naman ng paningin ko ang kalsadang patungo sa bahay namin.

     Kulang kulang tatlong kilometro pa ang ipagbubuno ko para makauwi sa amin. Sa tingin ko’y malapit na mag alas sais dahil 5:30 natapos ang misang dinaluhan ko. Kailangan ko nang bilisan dahil ayaw kong gabihin ako sa daan. Masyadong liblib ang lugar na dinaraanan ko at napapabalitang may mga pagala-galang mga enkanto sa gu—

     Napatingin ako sa paligid ko. Sa palagay ko’y nasa kalagitnaan na ako ng kakahuyan. Tila bang hindi ko man lang ito namalayan. Marahil kaya sa aking malalim na pag-iisip? O baka naman ako’y inililigaw ng isang tikbalang?

     Imbes na kabahan, napailing na lang ako at binalikan ang aking nadaanan. Medyo malayo layo na pala sa kabahayan ang kalsadang huli kong nasilayan kaya kahit makalabas man ako sa kakahuyan, wala naman siguro pang may makakakita sa akin dahil maggagabi na naman. Baka mapagkamalan pa akong aswang na naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada sa disoras ng gabi.

     Nakikita ko na ang bungad ng kakahuyan at tanaw ko na rin kahit papaano sa medyo nagdidilim na paligid ang kalsadang huli kong nadaanan. Akmang bubuwelo na ako para takbuhin ‘yon nang may kumalabit sa aking puwetan.

     “Geez. Ano at ang manyak m—“ wika ko habang lumilingon sa kumalabit sa akin pero natigilan ako nang wala naman akong may nakitang tao. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan pero may kakaunting mga sanga na ang nakaharang sa daraanan ko.

     “Pa’nong—“ sambit ko sa sarli. Iginihit ko na lang ang mga sangang maninipis na nakatabon sa ‘king harapan para makita ko ang aking daraanan nang may marinig akong kaluskos sa likuran. Hindi ko na ‘yun kinibo at patuloy sa paggawa ng daan mula sa mga nakaharang na maninipis na sanga sa daan ko.

     Tok…

     Isang mabigat na yabag ang narinig ko sa likuran. Binalewala ko ulit at patuloy sa paggihit ng mga sanga.

     Tok…

     Tokotok…

     Rinig na rinig ko ang mga yabag na mabibigat na parang sinasadya nitong magparinig pero hindi ako interesado sa paglingon sa kung ano man ang nasa likuran ko. Bagkus, tuloy tuloy pa rin ako sa pagpihit ng mga nakaharang na sanga. Limang metro na lang at maaabot ko na ang baku-bakong kalsada.

Kantao: The Half BreedsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon