Chapter 3: Way Home

62 8 0
                                    

     "Seryoso? 'Di nga? 17 ka pa lang? Bakit parang ang mature mong tignan?"

     "Maybe it's my face. Maybe my hair. I don't know," tugon ni Mona. "How about you? Ilang taon ka na?"

     "Kinse pa lang ako," tipid kong sagot habang iniluluwa ang mga buto ng kaimitong pinapakain sa akin ni Mona na siya nga palang sumasabay sa akin sa paglalakad sa kalagitnaan ng mabatong kalsada.

     "No wonder, mas mature ka ring tignan kumpara sa edad mo. Must be in the blood."

     "What do you mean?"

     "Mas mabilis ang aging process ng mga Kantao," kaswal na sabi niya na parang katanggap-tanggap ang kanyang mga itinuran sabay luwa ng mga buto ng kinakain niya.

     "Hindi ka ba nasasaktan at nakayapak ka lang?"

     "Hindi ako maselan. Kaya kong mag-adjust for the sake of living. I can adapt easily if that is what is needed. Nga pala---" sabi niya sabay luwa pa rin nga mga buto ng kaimito, "---'asan mama mo? 'Di ba sabi mo isa kang cub? Malamang wala na siya," kaswal na sabi pa niya sa akin na patuloy pa rin sa pagngatngat ng kaimitong dala niya.

     Napahinto ako.

     Napaisip.

     Simula nang mamulat ako sa mundo, hindi ko pa nabibisita ang puntod ng inay ko. Meron nga bang bibisitahing puntod? Hindi ko naitanong kina nanay at tatay ang mga ito.

     "Oh?! Napatigil ka?" tanong niya sabay buga ng mga butong naipon sa loob ng bibig niya na siyang tumalsik ng mahigit sa limang metro.

     "Wala na akong ina at hindi ko rin alam kung nasaan siya nakalibing."

     "Edi tanungin mo mga tao sa bahay niyo. Sus, problema ba 'yun?" kaswal na mungkahe niya. "For sure wala silang may maipapakitang puntod sa iyo."

     "What do you mean?"

     "Nevermind."

     "Tell me. Anong ibig mong sabihin?"

     "Wala nga. It was just a hunch. Oh, kaimito? Gusto mo pa? May tatlo pa ako rito," sabi niya sabay alok sa akin ngunit itinabig ko lang ang kamay niyang umaalok sa akin. "Kalma lang tayo."

     Nagpatuloy kami ni Mona sa paglalakad sa katahimikan. Mag-a-alas syete na at kalahati pa lang ang natatahak namin pauwi.

     "Kanina pa tayo naglalakad ah! Ba't ang layo layo pa natin?" pagrereklamo ko na bumasag sa katahimikang pinagsasaluhan namin ni Mona. "Wait, binubulag mo ba ak--"

     "---Psssh! Tumahimik ka," sabay takip ni Mona sa bibig ko. "Nyeeeehmhmhmas!" bulalas niya. Agad niyang hinawakan ang kanang kamay ko at kumaripas sa pagtakbo habang kinakaladkad ako.

     "Saglit lang, bakit tayo tumatakbo?" Sa tulin ng kanyang takbo at sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin ay nawala sa ritmo ang takbo ko kaya mapasubsob ako.

     Napahinto siya nang bahagya at kinarga ako. Literal na kinarga; piggy back ride. Nang makabuwelo na siya, tumakbo siya ulit nang pagkatulin. Hindi alintana ang bigat na nakapasan sa likuran niya.

     "Turn left." Wala akong nagawa. Ipinaubaya ko na lang sa kanya ang pagtakbo at ako na lang ang bahala sa direksyon. "Diyan! Bahay namin 'yan!" excited kong tugon sa kanya at agad naman siyang biglang hinto sa tapat ng pinto, binuksan ito, pumasok kaming karga karga niya pa rin ako at agad isinara ang pintong gawa sa maninipis na pawid.

     Akmang tatanungin ko na siya kung ano ang nangyayari nang tinakpan niya ang aking bibig.

     "Shhh!" tanging tugon niya na mulat ang mga mata. Nagmasid masid sa paligid at nang walang may narinig ay biglang nagsalita. "We were being followed," pauna niya.

     "Ano?!"

     "Hindi ka ba nagtaka kung bakit ang tagal nating naglalakad sa kalsada?"

     "Dahil sa kagagawan mo?"

     "Tama. Dahil mayroong sumusunod sa atin. The more na binabagalan ko ang oras at the more na ini-extend ko ang daraanan natin, mas napapatunayan kong may sumusunod na presensya sa atin."

     "'Di nga? Seryoso ka r'yan?" pagdududa ko.

     "Siguradong sigurado rin ako. Tiyak ko rin na isa siyang kapre."

     "Ba't mo naman nasabing kapre siya? At bakit niya tayo sinusundan?" pagtataka ko.

     "Amoy patis. 'Yun ang madalas kainin nila. Tungkol sa pangalawang tanong mo, hindi ko a--- shhhh! Nadarama ko ang radiance niya."

     Napatahimik ako. Narinig ko ulit ang salitang radiance at nagpataka ito sa akin dahil hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Sinubukan kong magmatyag. Nag-init ang paligid. Mayamaya'y biglang nanlabo ang paningin ko. Nakakasulasok na amoy ang bumalot sa bahay nina nanay.

     Wait... Saan nga pala sila?

     Sa kalaliman ng pag-iisip ko, hindi ko napansing nakakuyom na pala ang kamao ni Mona sa suot ko at agad siyang tumakbo sa bintanang gawa sa kawayan at lumundag palabas tangay tangay ako. Mistulang action star kaming napapanood sa telebisyon sa tagpong iyon. Kasabay ng paglundag namin palabas sa bintana ay kasabay ang mangilan ngilang kumpul ng usok.

     "Nyeeeehmmmmas!" agad niyang itinuran matapos makalapag nang maayos sa bakuran namin habang ako ay nasubsob na naman sa maalikabok na lupa. "Nagkakamali ka sa kinakalaban mo, kapre ka! Lalatayan ko maging ang kasulok-sulukan ng buhok na nakakabit sa katawan mo! Peste!"

     Mula sa makapal na usok, naglalakad palabas ang isang pigura ng maliit na tao?

     "Tao naman 'yan eh!" bulyaw ko kay Mona pagkatapos magpagpag ng alikabok sa katawan. "Saka tignan mo, bata!"

     "Nyeehhhhmas! Hindi siya tao. 'Wag kang makialam," sabi niya na siya palang bwelo para atakihin ang naglalakad na imahen mula sa usok. Tumakbo siya nang napakatulin papunta sa lalaking 'yun.

     "Pshhh! Lame," kalmadong sabi ng lalaki na siya ngayong tuluyan nang nakalabas sa namumuong usok.

     Wait, what? Madaling nakakaiwas ssa pag-atake ni Mona ang batang abo ang buhok.

     Is he a mind reader?

     What is he?

     "Kung ako sa 'yo, tigilan mo na ang kaaatake sa 'kin."

     "You are so dead Nyeeeehmmmas!"

     Kalmadong iniiwasan ng lalaki ang mga atake ni Mona. Nakita kong medyo napipikon na ang binatilyo sa pag-iwas kaya nagsimula siyang humakbang pagilid sabay pag-lock kay Mona.

     This guy knows his martial arts. Whoah!

     "Will you please stop this?" sabi niyang medyo nahihirapan sa pagpigil ng pagpupumiglas ni Mona. "I am here to help!" sabay isang tulak pababa kay Mona na muntik nang masubsob.

     Agad kong inalalayan ang kantao na tikbalang at inakay paatras sa lalaking may abong buhok. May kalaparan ang sukat ng pangangatawan sa katawang bata niya at maitim ang mga bibig.

     Tinignan niya kami mata sa mata. Nakiramdam at nagsalita.

     "Salamat naman at hindi na kayo aatake. Let me introduce myself," kaswal na sabi niya sabay pagpag sa damit niya.

     "I'm Lak. Short for Malakas.

     "And maybe you should know by now... Well, it's obvious na rin naman siguro. I am a kantao."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kantao: The Half BreedsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon